Vina Morales on sister Shaina Magdayao's reported reconciliation with John Lloyd Cruz: "I always knew naman na magkakabalikan silang dalawa."

IMAGE 0


"Nakita ko naman kung paano rin tratuhin ni John Lloyd ang kapatid ko. And ganun din naman ang kapatid ko kay John Lloyd. I knew naman na they really care for each other," says Vina Morales when asked if her sister Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz are together again.


Nang mabalitang nagkabalikan na raw sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, naging tikom ang bibig ng dalawang Star Magic talents tungkol dito.

Una silang nakitang magkasamang muli sa nakaraang concert ni Jed Madela matapos ng halos isang buwan ding paghihiwalay.

HAPPY FOR SHAINA. Sa balitang nagkabalikan na ang kanyang kapatid at si John Lloyd, nangingiting sumagot ang actress-singer.

Aniya, "Si Kuya Germs [German Moreno] na yata nag-confirm, e. Kasi yung dalawa, ayaw pang magsalita.

"Ako din naman, ayokong pangunahan. Ayoko rin namang manggaling sa akin.

"Pero sinabi na rin naman ni Kuya Germs na nagkabalikan na sila, then I guess ganun din ang sasabihin ko—yes, it's true."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina Morales noong Martes, December 6, sa charity event ni Derek Ramsay para sa Habitat for Humanity sa Navotas.

Bilang isang kapatid, masaya si Vina sa pag-aayos nina Shaina at John Lloyd.

"I always knew naman na magkakabalikan silang dalawa.

"Nakita ko naman kung paano rin tratuhin ni John Lloyd ang kapatid ko.

"And ganun din naman ang kapatid ko kay John Lloyd.

"I knew naman na they really care for each other.

OKAY WITH JOHN LLOYD. Ayon kay Vina, hindi siya nagtanim ng sama ng loob kay John Lloyd sa mga nangyari kahit na nakita niyang hindi naging madali kay Shaina ang lahat.

"Siguro sa lahat ng mga pangyayari, it's not because broken-hearted ang kapatid ko, it's not because of John Lloyd, [ito ay dahil sa] buong situation.

"Siyempre, malungkot ang kapatid mo...malungkot din ako.

"We're okay ni John Lloyd. We're good.

"Alam ni Shaina yun, anytime, anywhere, for anything lagi akong nandun para suportahan siya.

"I'm always here for her. I love her so much."

Papuri rin ang ibinigay ni Vina para kay Shaina.

Aniya, "Super loving, not only being a kapatid but [also] being a tita. Napakabuting kapatid ni Shaina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH ROBIN PADILLA? Masaya si Vina sa muling pagtatambal nila ng ex-boyfriend niyang si Robin Padilla sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode.

Ayon kay Vina, "Oo naman, I'm looking forward na magkatrabaho uli kami.

"I heard mataas yata yung ratings ng episode namin sa MMK, so looking forward kami ni Robin to work together again.

"I guess the feeling, hindi gaya before, nung araw na sobra kang kinikilig. Gano'n, ganyan.

"We're more of serious [na] pag gumagawa kayo ng mga eksena.

"I guess nag-mature kami as persons and as actors.

"So, pag talagang trabaho, trabaho na lang na talaga.

"But of course makikita mo yung chemistry namin on-cam, nandun na yun.

"Nakakatuwa lang na marami ang nakagusto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN