Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."

IMAGE 0


Nakatrabaho na ni Alice Dixson (above) si Marian Rivera noong hindi pa Primetime Queen at Amaya star si Marian. Meron bang pagkakaiba kay Marian, noon at ngayon? "Ah siguro mas malaki na yung talent fee niya," Alice quips. "Iyon lang, iyon lang. Wala naman siyang 'pinagbago."


"I play the mom of Marian [Rivera] and also reyna ng mga Dragona," bungad na kuwento ni Alice Dixson sa presscon ng Ang Panday 2."

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nuong Huwebes, Disyembre 1, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"At tsaka si Tito Eddie [Garcia] yung ama ko," dagdag pa niya.

First time working with Marian?

"No, nakasama ko si Marian sa Enteng Kabisote [movie], parang... introducing pa lang siya."

Dahil nakatrabaho na niya ang Primetime Queen at Amaya star noong hindi pa ito big star, ano sa tingin ni Alice ang pagkakaiba kay Marian nuon at ngayon?

"Ah, siguro mas malaki na yung talent fee niya," tumatawang pahayag ni Alice.

"Iyon lang, iyon lang. Wala naman siyang pinagbago."

Narinig ba niya ang mga tsismis na suplada at maldita raw si Marian...

"Ah hindi naman siya nagpakita ng kasupladahan sa akin kung anuman. Okay naman.

"Magaan siyang katrabaho, she's ano she's...nagkukuwentuhan kami, kasi we share the same dressing room, nagkukuwento siya about her lovelife, ganyan...

"Kasi pareho kaming Leo, tapos yung boyfriend niya yata Leo din.

"E, yung ex ko before, Leo din, so may tinatanong siya about sa ugali ng mga lalaking Leo, iyon.

"Kuwentuhan lang, ganun lang."

LEAVING FAE. Dati ay siya si Fae sa Okay Ka Fairy Ko TV series, pero ngayon ay kasama siya sa Ang Panday 2 na ang kalaban ay ang movie ni Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na Enteng Ng Ina Mo.

"Wala yun, trabaho lang yan, di ba?

"And I'm sure if Vic were in the same situation, alam din naman niya na ano lang ito, business lang."

Bakit nga ba siya huminto sa pagganap ng role bilang Fae sa Okay Ka Fairy Ko noon?

"I think the reason why I stopped playing Fae, kasi that time graduating na ako sa San Sebastian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I had a full load in school and I decided na mag-resign muna ako, so I formally submitted my resignation.

"Marami akong ibang ginagawang projects at that time, so sabi ko, I need to let go of one show and Okay Ka Fairy iyon."

Was it a hard decision?

"Oo naman. Na-miss ko yung show, pero sometimes you have to make hard decisions. That was a hard decision."

THREE DAYS SHOOTING. Major role ba or cameo ang papel niya sa Ang Panday 2 na isang entry sa Metro Manila Film Festival?

"Ilang shooting days lang kasi ako dito, e.

"At saka umalis pa ako. I went back to Vancouver during the principal photography, so kumbaga, tinapos nila yung mga eksena ko.

"Dapat seven days ako, ginawa na lang nilang three days, pero tinapos nila lahat yung mga requirements ko."

May action scenes ba siya sa Ang Panday 2?

"Oo. Lumilipad pa ako."

Siya mismo or isang double?

"Panoorin ninyo na lang," sabay tawa ni Alice.

"Actually, a lot of my scenes, CGI [computer-generated imagery], so yung puwedeng tumalon, tapos blue screen."

Kumusta na so far ang pagbabalik niya sa showbiz?

Maganda ang role niya sa Glamorosa ng TV5.

NOT EXCLUSIVE WITH 5. At kahit na affiliated siya ngayon sa Kapatid network ay nabigyan siya ng magandang role sa Ang Panday 2, na ang producer ay GMA Films at Imus Productions.

"Well, nagpapasalamat talaga ako sa mga producers ng Panday, because although gumagawa ako sa Channel 5, kinukuha pa rin nila [GMA] ako.

"And iyon din naman talaga ang gusto ko, magkaroon ako ng exposure sa ibang networks kasi hindi naman po ako exclusive sa Channel 5.

"Basta maganda yung role tulad nito... Actually nung nakausap ko si Direk Mac [Alejandre, direktor ng Ang Panday 2], sabi ko 'Direk Mac isama mo naman ako sa pelikula mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then he was worried sabi niya, 'Di ba 5 ka?'

"Sabi ko, 'No, hindi naman ako exclusive so puwede ako sa iyo.'

"So he said, 'Ah, meron akong magandang role para sa iyo!'

"Nung nakita ko yung kuwento sabi ko, 'Sali ako diyan!'

"Nagkaayos kami agad sa fees and everything, sa shooting days, [so] start kaagad ako."

So hanggang ngayon ay hindi pala siya exclusive sa TV5?

"No, no. My contract will end June and so...I dunno."

May offer ba ang GMA-7 or ang ABS-CBN?

"Merong...I cannot divulge basta merong...may feelers from a network, hindi ko na lang sasabihin."

BEAUTY SECRET. Maganda at very youthful pa rin si Alice hanggang ngayon...

Ang beauty secret niya?

"Thank you so much! The real answer is I go to a really good dermatologist, her name is Kellyn Sy.

"And she helps me maintain my weight and to look good onscreen, kasi siyempre kailangan natin yun, di ba?

"And then I also run, tumatakbo ako at least 8K a week and then I also do aerobics.

"Healthy lifestyle talaga ako."

Nilinaw ni Alice na hindi sila hiwalay ng mister niyang si Ronnie Miranda na based sa Vancouver.

"Actually, he has his own business there, dito naman ang business ko, so medyo we're just separated.

"By distance ha, hindi sa puso!

"And I'm going to see him nga for Christmas, I'm gonna spend time with him, and then we're gonna go to the States to spend time with my family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN