Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor

IMAGE 0


Alice Dixson on husband Ronnie Miranda: "We talk a lot on the phone. We become close friends. Even sa trabaho niya, or even na may crush ako or siya, we talk about it. We're really good friends. We can tell everything without him having to judge me."


Magsasama sa upcoming dramaserye ng TV5 na Glamorosa sina Alice Dixson at Lorna Tolentino.

Pero hindi ito ang kauna-unahang acting project na pagsasamahan ng dalawang aktres dahil nagkasama na sila sa 1988 movie ng Regal Films—ang Nagbabagang Luha.

Sa pelikulang ito ay may linya si Alice na: "Ate, ikamamatay ko pag nawala si Alex!"

Sagot naman ni Lorna sa kanya: "Ipalilibing kita!"

Bagamat baguhan pa lang noon si Alice kumpara kay Lorna, hindi naman nagpahuli ang dating commercial model.

ALICE AS KONTRABIDA. Sa lalabas nilang serye sa TV5 ay hindi raw nakipagtalbugan si Alice ng acting at beauty kay Lorna.

"Mas natural ang pagiging mataray ko ngayon, a!" proud na sabi ni Alice sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last Sunday, October 30, matapos ang live guesting niya sa Paparazzi.

"Ang pagiging kontrabida ko doon, tatanga-tanga. Inosente. I played the young sister," sabi ni Alice sa role niya noon sa Nagbabagang Luha.

"Here naman [in Glamorosa], I'm conniving, scheming, smart, and eventually become a doctor also.

"And magiging ka-rival ko siya [Lorna]."

Marami ang nagsasabing sa likod ng maamong mukha ni Alice, posibleng may nagtatagong taray at pagiging kontrabida nito. Sa isang punto ba ng kanyang buhay ay naging kontrabida na siya sa tunay na buhay?

"Owww! I can't say that!" iwas niya 'tsaka tumawa nang malakas.

Pero pagkatapos nito ay nagbigay rin siya ng kanyang kuwento.

"A...love-triangle kontrabida. Nagkaroon ako ng love kontrabida...

"Long time ago na 'yan, siguro mga in my early 20s."

Pero wala naman daw siyang naging eksena na nanugod siya ng ka-love triangle niya.

"Well, you'll never know what you're gonna do when you're in love.

"Kapag nakakarinig ako ng ibang kuwento, parang, 'What? You did that? Bakit?'

"But then, when you're in the situation, parang hindi mo rin masasabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "That guy is one of my first boyfriends...basta, we had a love triangle."

Nilinaw ni Alice na hindi ang asawa niya ang tinutukoy niya sa kuwentong ito.

Hindi rin daw nagtagal ang pagiging kontrabida ni Alice sa love triangle na yun.

"A, ang ginawa ko na lang... I realized, it wasn't worth it. He wasn't worth it.

"So, I turned around and walked away.

"Ayaw niya. The guy wanted me. E, ayaw ko na.

"Marami siyang issues na hindi niya maayos sa sarili niya. Marami siyang pangako.

"Ayun na, may mga lalakeng ganyan. Tinatalikuran na lang 'yang mga ganyan," nangingiting pagbabalik-tanaw ni Alice sa nakaraang pag-ibig.

THE FIRST YEARS. Kahit kailan daw ay hindi nagkaroon ng isyu si Alice sa kanyang asawa na si Ronnie Miranda.

Aniya, "Right now, ang suwerte ko sa husband ko, e.

"He's really a good man kaya siguro nakapagtagal ako sa kanya for 12 years.

"Ang naging major issues lang namin, yung bago pa lang kami," pagtatapat ni Alice.

"We almost separated in our first year together dito sa Pilipinas bago kami nag-migrate [sa Canada].

"Kasi, I'm such an independent person and he's such an independent person.

"He's very forward-thinking...parang nagka-clash kami. We're both too strong.

"So, he had to mellow and I had to mellow. Doon lang naayos ang relationship namin.

"Pero the first year, bad talaga. We're like cat and dog!

"I'm happy it happened the first year.

"Kasi kung nangyari yun later on, siyempre yung tolerance level mo, very low pag matagal na kayo. And marami kayong issues.

"Pero pag bago pa lang, you want to make it work."

SEPARATION RUMOR. Hindi itinanggi ni Alice na nakakaabot sa asawa niya ang mga intriga at speculations dito sa Pinas na hiwalay na silang dalawa. At inamin niyang naapektuhan ang kanyang mister sa tsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He just says, 'You just tell them na lang the truth.'

"I said, 'Yeah, I tell them. But they like to make it an issue, e. So, hayaan mo sila.'

"But when writers talk or ask me about it, hindi ko naman...na hindi.

"Pero I'm here, he's there. So, siyempre, 'Bakit? Why does she [Alice] need to come home pa to work?' Like that.

"People don't want to accept na gusto ko lang. And pinapayagan niya ako.

"In the beginning, talagang napipikon siya sa mga tsismis sa aming dalawa.

"No'ng 2003 na umuwi ako for GMA naman, yung Ang Iibigin ay Ikaw, ano ba 'yan? Parang sunud-sunod yung mga intriga about that, e, dinenay ko na.

"Parang this time around, 2010 and 2011 na pag-uwi ko, meron pa ring intriga.

"Pero siguro, sanay na or manhid na kami. He knew that it's going to be an issue again," saad ni Alice.

MILES AWAY. Nahihirapan din daw si Alice na hindi sila magkasama ng kanyang mister.

"Mahirap talaga," sambit niya.

"Yung biyahe, wala yun. Yung to maintain that bond ang importante, e.

"We talk a lot on the phone. We become close friends.

"Even sa trabaho niya, or even na may crush ako or siya, we talk about it.

"We're really good friends. We can tell everything without him having to judge me," lahad ni Alice.

May nagagawa rin naman daw na maganda ang pagiging malayo nila sa isa't isa ng kanyang asawa—lalo raw tumatamis ang kanilang pagmamahalan.

"Laging honeymoon! It's like a honeymoon everytime we see each other," masaya niyang saad.

Isa sa mga nagpalaki pa ng pagmamahal ni Alice sa kanyang mister ay ang pagiging supportive nito sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

"You know what, that's one of the things that's why I married him.

"Kasi, no'ng bago pa lang kami sa Canada, siyempre wala pa akong alam, we didn't know everybody there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He kept on saying, 'You know what, get you're resumé out. Present it to people. You apply.'

"Sabi ko, 'Hindi ko kaya, nahihiya ako.'

"'No! Put your face out there. Put your name, call them.'

"Siya yung nagtuturo sa akin na don't be afraid, don't feel second rate.

"Hindi porke na lumaki sa Pilipinas, that you should feel inferior sa mga puti or whatsoever.

"I said, 'I don't know the culture.' 'Learn the culture,' he said.

"Gano'n siya talaga. He pushes me forward to become a better person."

Mukhang pansamantalang kakalimutan muna ni Alice ang pangarap na maging direktor at ang asawa niya ang magsu-supervise pagdating sa production.

"You know, that's one of my... not really my dreams. Parang hopes na maybe we would do that. It would be nice to do that.

"Pero ngayon, busy pa siya sa business niya, sa trabaho niya, that wouldn't allow him to leave.

"Kasi pag ganun, kailangan dito siya titira, e.

"So, parang malabo muna.

"Sa ngayon, mas magandang acting muna ako and siya naman sa business niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN