Lovi Poe on former President Gloria Macapagal-Arroyo's ordeal: "Whatever we do in the past, magri-reflect lang yun sa ngayon."

IMAGE 0


"Well, in God's time naman, alam naman natin kung ano [ang mangyayari]. Para-paraan naman 'yan ng Diyos kung ano'ng gagawin sa 'tin bawat isa, e. Kumbaga, whatever we do in the past, magri-reflect lang yun sa ngayon," says Lovi Poe when asked to give her opinion on what former President Gloria Macapagal-Arroyo is going through.


Malaking eksena ang kukunan nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang set ng Regal Films entry sa Metro Manila Film Festival 2011 na Yesterday, Today, Tomorrow sa Republiq Bar sa Resorts World, Pasay City noong Martes, Nobyembre 29.

Medyo napaaga ang aming dating sa set, pero matapos ang ilang sandali ay isa-isa nang nagdatingan ang cast sa location.

Pagdating ni Lovi Poe, nagpaalam ito na magpapa-makeup muna bago kami kapanayamin.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang Kapuso actress sa dressing room at masaya nang nakipagkuwentuhan sa amin.

Ayon kay Lovi, maganda ang kanyang role sa Yesterday, Today Tomorrow, pero hindi raw niya puwedeng i-reveal kung ano kuwento ng kanyang karakter bilang asawa ni Jericho Rosales.

"Meron kasi kaming kanya-kanyang itinatago, di ba? Malalim yung...parang masisira yung trust sa aming mag-asawa," sabi niya.

WHOLESOME AGAIN. Ano ang puwedeng abangan ng kanyang fans sa pelikula nila?

"This time naman, magiging wholesome...wholesome ako, finally!" natawa niyang sagot.

"And finally, yun, back ako ulit sa drama. Sana magustuhan ng mga tao."

Malayo raw sa isip ni Lovi ang tungkol sa award.

"Everyone sa cast, do'n pa lang, feeling ko, panalo na ako because grabe talaga yung mga kasama ko.

"Lahat sila magagaling," pagmamalaki niya.

Sinu-sino pa ba ang gusto niyang makasama sa pelikula?

"Marami. Maraming-marami pa.

"Of course...Ms. Sharon Cuneta. Ang dami, e...Of course, Nora Aunor, Vilma Santos.

"Yun. Dami, dami pa.

PROJECT WITH MS. SUSAN ROCES? Kumusta ang pagtatrabaho naman nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa Yesterday, Today, Tomorrow?

"Sadly, wala kaming masyadong scenes ni Ms. Maricel.

"Kumbaga, kami ni Echo [Jericho] lagi dito [ang magkaeksena] kasi mag-asawa kami.

"Si Carla [Abellana], lagi niyang kaeksena si Ms. Maricel.

"Tinatanong ko siya, 'How was it? How was it?'

"Ano daw, ang sarap daw ng feeling pag kaeksena [niya]. Nakaka-excite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then, itong kay Echo lang, sobrang galing ni Echo.

"As in first day naming magkatrabaho, parang pinanood ko na lang siya noong rehearsal."

Sakaling ligawan siya ni Jericho Rosales?

"Hala! Hindi mangyayari yun kasi, Echo is a good friend," sabi ni Lovi.

Paano kung may proyekto naman para sa kanila ni Susan Roces, asawa ng yumaong King of Action Films na si Fernando Poe, Jr. na ama naman ni Lovi?

"Of course, of course. I'd love to work with her.

"I mean, siyempre Queen of Philippine Movies [siya]. Talagang, if given the chance, oo."

AS FPJ'S DAUGHTER? Mainit na balita pa rin ang tungkol sa nangyayari ngayon kay dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang pagpigil sa kanyang makaalis ng bansa at ang napipintong pagkakulong dahil sa napakaraming kasong ibinabato sa dating presidente, at isa na nga rito ay ang pandaraya diumano sa eleksiyon.

Kung tutukuyin, naganap ito noong tumakbo ang ama ni Lovi na si Fernando Poe Jr. sa pagka-presidente noong 2004, at si Gng. Arroyo nga ang nakatunggali nito.

Si GMA ang naproklamang presidente, at pumanaw si FPJ dala raw ng depresyon sa pagkatalo sa kanyang kandidatura.

Ano ang pananaw ni Lovi ukol sa nangyayari ngayon kay GMA?

Saad niya, "Well, in God's time naman, alam naman natin kung ano [ang mangyayari].

"Para-paraan naman 'yan ng Diyos kung ano'ng gagawin sa 'tin bawat isa, e.

"Kumbaga, whatever we do in the past, magri-reflect lang yun sa ngayon.

"But then, I'm not in a position to say anything.

"But of course, as his [FPJ] daughter, siyempre parang...of course nakakaano yun emotionally.

"But then, wala, e. Some people...I don't know. It's hard to say.

"Hayaan na lang natin. Tingnan na lang nating kung ano'ng mangyayari.

"I'll just...Ipagdadasal ko na lang lahat ng tao na, kung mero'n mang nakasakit, ipagdadasal ko na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't wanna say anything. I don't know, mahirap magsalita, e.

"Mahirap magsalita, siyempre biased ako.

"Wala, it's hard for me to say anything about it."

May mensahe ba siya kay GMA?

"I have no message. I have no message.

"I have nothing to say!" natatawa niyang paulit-ulit na nasabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN