No tension between Marian Rivera and Rhian Ramos on the set of Panday 2

IMAGE 0


Rhian Ramos (left) and Marian Rivera are co-stars in the MMFF entry Panday 2. The two Kapuso actresses are being intrigued because of Rhian's team-up with Marian's boyfriend, Dingdong Dantes, in an upcoming soap.


Sa pictorial ng Panday 2 last Thursday, September 22, sinorpresa ng buong cast ang bida ng pelikula na si Senator Bong Revilla na nagdiriwang ng kanyang kaarawan noong araw na iyon.

Sa gitna ng masayang piktyuran, isang maintrigang eksena ang nakunan ng Showbiz Central—magkatabi at magkaakbay ang leading ladies ng pelikula na sina Marian Rivera at Rhian Ramos.

Nagkabati na ba ang dalawang Kapuso stars na nagkaroon daw ng iringan noon?

Iniintriga kasi ang dalawa dahil makakatambal muli ni Rhian sa isang teleserye si Dingdong Dantes, na boyfriend ni Marian sa tunay na buhay.

Ayon kay Rhian, "Siguro naman makikita na din ng lahat na okay lang. Hindi na sila... siguro naman hindi na katulad ng dati na ano..."

Na may tensiyon?

"Yes," ang sagot ni Rhian sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central.

"Walang dahilan para intrigahin pa," dagdag pang sabi ni Rhian.

Nagsimula raw humupa ang tensiyon sa pagitan nina Rhian at Marian sa set ng Panday 2, entry ng GMA Films at Imus Productions para sa Metro Manila Film Festival 2011.

Ayon kay Rhian, "First time ko siyang makatrabaho sa movie na 'to.

"Fun. Isa lang naman yung eksena namin together, pero yung eksena naming yun, na-enjoy ko naman talaga.

"We had a lot of fun kasi ano, e, ang dami-dami din namin sa eksena na yun, pero yung talagang kausap ko sa eksena, si Marian."

Ibang-iba na nga ang ihip ng hangin kumpara noong September 2009 nang inintriga ang unang pagbuwag ng DongYan tandem sa GMA Telebabad, at ipinartner si Dingdong kay Rhian sa top-rating Kapuso adaptation ng Koreanovelang Stairway To Heaven.

Nagselos pa raw si Marian sa balitang niregaluhan daw ni Dingdong ng oatmeal chocolate cake si Rhian nang mag-birthday ang young actress sa set.

Nilinaw naman agad ni Dingdong na ang nasabing cake ay handog daw ng staff at crew ng kanilang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

December 2009, na-headline naman sa tabloids ang isyung galit na galit daw si Marian sa isang reporter na nagtanong sa kanya kung ano ang gusto niyang pamasko kay Rhian.

January 2010, nag-deadmahan daw sina Rhian at Marian nang mag-guest si Rhian sa sitcom ni Marian na Show Me Da Manny.

Sa taped interview naman ng Showbiz Central kay Marian, tila nagpahiwatig ang aktres sa maaaring dahilan ng magandang working relationship nila ni Rhian sa kabila ng mga pang-iintriga sa kanila nang tanungin siya tungkol sa kanyang role sa Panday 2.

"Hindi ko nga alam kung puwedeng sabihin kasi may twist ito dun sa isang Panday dati, so ire-reveal lang siya kapag napanood na.

"Basta isa akong dragona dito, isa akong dragon."

"Dragona" in real life?

"Ay, hindi na, mature na ako, sweet na ako ngayon!" ang tumatawang sagot ni Marian.

"Tama na, ayoko na ng ganun. Oo, tama na, mga pambagets lang yun.

"Ngayon, siguro naman nag-mature na ako, tama na.

"Masyado na akong matagal sa showbiz, so ayoko na 'yan.

"So happy na lang ako, suportahan na lang kami ni Dong sa isa't isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN