Jose Manalo impersonates Willie Revillame on Eat Bulaga!; Wil Time Bigtime host thanks Dabarkads for spoofing him

IMAGE 0


After a segment winner in Eat Bulaga! fumbled and thanked Willie Revillame (right) of Wil Time Bigtime, Jose Manalo (left) spoofedWillie to the delight of viewers. That same day, Willie acknowledged the gesture of the Dabarkads, saying he was honored to be spoofed by a great team of comedian/hosts.


Usap-usapan na ang nakatutuwang mga eksenang naganap noong Sabado, Disyembre 17, sa dalawang sikat na variety shows sa bansa—ang longest-running at number one noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!, at ang primetime show ng TV5 na Wil Time Bigtime.

Nag-umpisa ang lahat sa pag-i-impersonate ng Eat Bulaga! co-host na si Jose Manalo kay Willie Revillame, na main host naman ng Wil Time Bigtime.

Nangyari ito nang pumalpak sa pagpapasalamat ang "Sugod Bahay" winner ng Eat Bulaga! segment na "Juan For All, All For Juan," kung saan regular host si Jose, kasama sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Ang winner ay isang ginang na nagngangalang Lilvisminda mula sa Brgy. Doña Aurora, Quezon City.

Matapos ibigay ng grupo ni Jose ang 'sandamakmak na mga premyo at regalo kay Lil ay nagkamali ito ng pagpapasalamat.

Imbes na Eat Bulaga! ang pasalamatan nito, si Willie ang pinasalamatan.

Pagkabigay ni Wally Bayola ng cash prize at gift pack mula sa isang brand ng gatas ay nagpasalamat ang winner.

"Thank you, thank you, Willie," sambit ni Lil, habang nakatingin kay Wally.

Hirit naman ni Wally, "Wally po."

"Ay, sorry, sorry," nakangiting sabi ng winner, habang tawa nang tawa si Jose.

Ginawan na lang ng katatawanan nina Vic Sotto, Jose, at iba pang hosts ng Eat Bulaga! ang sitwasyon.

"Sino raw?" tanong ni Bossing Vic.

Sagot ni Jose, "Willie. Nakadikit kasi yung pangalan mo [Wally], e."

"Sinong Willie?" tanong ulit ni Bossing.

"Willie Nepomuceno!" natatawa pa ring sabi ni Jose.

Sabat naman ni Tito Sotto, "Wally ang gusto niyang sabihin. Iba ang sinabi."

Ani Bossing, "Tanong mo kung sinong Willie."

"Willie Revillame po," honest namang sagot ng winner.

Biro ni Bossing, na ang tinutukoy ay ang mga papremyo ng Eat Bulaga!: "Okay, pakikuha na lahat iyan! Papuntahin mo sa TV5 'yan, dali.

"Dun mo papuntahin yan, dun sa kendeng-kendeng [isa sa mga kanta ni Willie]. Dun siya magkekendeng kamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano pa ang hinihintay n'yo? Umuwi na kayo. Dalhin n'yo yung lechon."

ADDITIONAL FUMBLE. Tinanong tuloy ni Wally ang contestant kung talagang nanonood siya ng Eat Bulaga?

"Opo."'

Solid Dabarkads ba siya?

"Opo."

Hep, Hep...

"Hurray!" sabi nito.

Kaya lang, ang "Hep Hep Hurray" ay naging game, hindi ng Dabarkads, kundi ni Willie, sa dating programa nito sa ABS-CBN na Wowowee.

Biro ni Wally, "Solid Dabarkads nga, Bossing. Sugod Bahay Gang, bawi!"

Pinasayaw pa nila ng kendeng-kendeng si Lil habang kinantahan ni Bossing. Walang ginawa ang live audience kundi tumawa.

IMPERSONATING WILLIE. Dito na nga inumpisahang i-impersonate ni Jose si Willie habang kumakanta ng "Giling-Giling" ng Wil Time Bigtime host.

Pagkatapos ay sumigaw ng, "Kayo ang Bigtime!"

Samantala, humirit naman ng isa pang kanta ni Willie si Joey de Leon na nasa studio.

Sunod ay ginaya ni Jose pati ang mga gawi ni Willie sa pagho-host nito.

Gayundin ang pag-aayos nito ng damit habang nagsasalita, pati na ang ugali nitong pagkumpas ng kamay at pagngingiwi.

Pati ang pamimigay ni Willie ng jacket at ng album CD niya sa mga matatanda at studio audience ay inihirit ni Jose.

May dialogue pa si Jose na, "Pag hindi n'yo tinanggal iyan, ako ang magre-resign dito!"

Ito ang pamosong statement ni Willie noong panahong may alitan sila ni Jobert Sucaldito, kung saan pinatatanggal niya sa ABS-CBN ang tabloid columnist at TV-radio host. Humantong ito sa pagkaka-alis nga ni Willie sa Kapamilya network.

Ginaya naman ni Wally si April "Congratulations" Gustilo, na sa tuwing magbibigay ng papremyo sa programa ni Willie ay sumasayaw at pagkatapos magbigay ng cash prize ay sumisigaw ng "Congratulations!"

Hirit pa ulit ni Jose, "Alin ang gusto n'yo rito? Sa red, sa white, sa blue, pili na kayo!"

Isa rin ang naturang pilian ng kulay sa games sa Wil Time Bigtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginaya naman ni Paolo Ballesteros si Shalani Soledad, ang unang female co-host ni Willie, lalo na sa malumanay nitong pagsasalita.

Sumabat naman uli si Joey de Leon, "Hoy Willie, padalhan mo kami ng regalo mo!"

Sagot naman ni Jose, as Willie, "Joey, relo, pabibigyan kita ng relo.

"Gusto mo ng condo, bibigyan kita ng condo.

"Gusto mong mag-shopping, dun ka sa mall ko, meron dun."

Ang tinutukoy na relo ni Jose ay ang iniendorsong relo ni Willie na Techno Marine, na ipinamimigay niya sa kanyang show.

Ang condo naman at mall ay ang Wil Tower Mall, na ipinapatayo ni Willie malapit sa ABS-CBN.

Kumanta pa ng signature love song ni Willie si Jose, ang "Ikaw Na Nga."

Sa pagpapatuloy ng pamimigay ng papremyo kay Lil, humabol pa ng hirit si Jose, "Galing po sa Eat Bulaga!, eto po ang maagang Pamasko.

"Bakit? Walong araw na lang Pasko na. Willie Christmas po sa inyo!"

Hindi naman nakatiis si Bossing at humirit pa ng, "Galing sa Eat Bulaga!? Hindi, galing 'yan sa Bulaga Bigtime."

Maging si Joey ay nagpahabol din ng hirit: "Willie, kailan mo tatanggalin si Sugar [Mercado]? Tanggalin mo na."

Si Sugar ay dating bahagi ng Eat Bulaga! at nakasama pa ni Bossing Vic sa kanyang sitcoms. Ngayon ay isa sa mga co-hosts ni Willie ito sa Wil Time Bigtime.

Dagdag pa ni Bossing, "Oo, tutal wala namang pakinabang yun, o."

Sagot ni Jose, as Willie:"Mabait naman. Pinag-iisipan nga natin.

"Medyo iyak lang nang iyak itong batang ito, e. Iyakin pala ito.

"Gusto n'yo ibalik ko sa inyo e."

Sabi naman ni Bossing Vic, "Huwag, diyan na lang, brod."

Pagkatapos ay tinapos na nila ang pamimigay ng papremyo kay Lil.

WILLIE REACTS. Kinagabihan naman sa Wil Time Bigtime ay nagbigay si Willie ng kanyang reaksiyon sa ginawang panggagaya sa kanya ni Jose at pagbibiro ng ibang hosts ng Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad kasi ng dahilan kung bakit ginaya ni Jose si Willie ay nagkaroon din ng kapalpakan sa pagpapasalamat ang nanalong contestant sa Wil Time Bigtime.

Nagkamali kasi ang isang babaeng miyembro ng Philippine Army dahil, imbes na pasalamatan ang TV5, pinasalamatan nito ang ABS-CBN, ang dating istasyon ni Willie bago siya lumipat sa TV5.

"Okay lang, okay lang!" sabi ni Willie habang nagso-sorry ang contestant.

"Sa TV5, inuulit ko po, maraming-maraming salamat po," dagdag ng contestant.

At dito na nga binanggit ni Willie ang nangyaring panggagaya sa kanya sa Eat Bulaga!.

Ani Willie, "Alam n'yo, kanina sa Eat Bulaga!, nagpasalamat din sa akin [yung winner] at sa Wil Time Bigtime.

"Pero ang ginawa nina Vic Sotto, nina Joey, ng lahat, ina-appreciate naman nila yung ating programa at in-appreciate naman ako.

"Ganun din naman ang buhay. E, karangalan po namin na mabanggit ako ng number one noontime show, ng undefeated, ng undisputed, di ba?

"Naalala n'yo yung 'Singing Soldier'? Sila lang po ang nakaisip niyan. Ginaya na lang ng lahat iyan.

"Saludo ako sa Eat Bulaga! dahil walang personalan.

"Kinanta pa yung kanta kong 'Ikaw Na Nga' ni Jose.

"Nagkendeng-kendeng pa, nag-tantaran pa, lahat! Nag-congratulations pa, nag-amazing pa.

"Lahat po ng ginagawa... nag-red, white and blue. Ginaya pa si Shalani.

"Karangalan po namin na Tito, Vic at Joey, at Dabarkads sa Eat Bulaga!, e, kami ay mabanggit.

"Ibig sabihin nun po, maganda ang ginagawa ng programang ito. Eat Bulaga! pa."

Binalingan naman ni Willie ang contestant at sinabing, "Ganun din iyan. Kaya lang, sana Channel 7 ang binati mo."

Natawa nang malakas si Willie sa sinabi niya at ikinahiyaw naman ng mga tao sa studio, na karamihan ay mga sundalo mula ng Philippine Army.

Kaya naman nang muling magpasalamat ang contestant ay ikinatuwa na ito ng lahat.

"Maraming-maraming salamat po ulit sa TV5, lalung-lalo na sa Wil Time Bigtime."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang mga uploaded videos nina Jose at Willie (mula sa YouTube) dito sa PEParazzi section ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN