Rhian Ramos's mom on allegations of Mo Twister: "Natural lang na nakakainis. Pati kami nadadamay. Merong mga bagay na sinasabi na kabigla-bigla."

IMAGE 0


Rhian Ramos on ex-boyfriend Mo Twister: "Every time that I would try to break up, he would get really mad, or he'll threaten me. Uhm... I think the most painful time was when he outright told me that 'I promise to take everything you love away from you.' Yun ba yung love? Tatakutin ka ng tao? Ite-threaten ka? Sisirain ka? Para ano? Para sa kanya ka lang?"


Patuloy na umiinit ang usapin ukol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Rhian Ramos at Mohan Gumatay o DJ Mo Twister.

Ito ay matapos ang pagputok ng balita ukol sa kumalat na isang controversial video, kung saan inihayag ni Mo ang diumano'y planong pagpapa-abort ng dating girlfriend niyang si Rhian nang magbakasyon sila sa Singapore noong July 2010.

Sa special report ng Showbiz Central kahapon, Disyembre 11, inilahad dito ang mga bagong kaganapan sa itinuturing na ngayong isa sa "biggest newsmakers" ng taong 2011.

TEMPORARY PROTECTION ORDER. Noong Martes, Disyembre 6, nagtungo sa Muntinlupa Regional Trial Court si Rhian at ang kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan upang humingi ng temporary protection order laban kay Mo.

Paliwanag ni Atty. Kapunan sa interview ng Showbiz Central, "Nag-file ng petition si Rhian for violation of Republic Act 9262. Ito yung domestic violence law against women and children.

"If the court finds merit to the case, it will issue a temporary protection order to stop Mo from the violence.

"In this case, there was no physical violence but there is psychological and emotional violence."

THE 24 ORAS INTERVIEW. Miyerkules, Disyembre 7, naman nang paunlakan ni Rhian ng isang one-on-one interview si Pia Guanio para sa 24 Oras kung saan naglabas ito ng saloobin ukol sa kanyang matinding pinagdaraanan.

Naging emosyunal nga si Rhian nang mapag-usapan ang tungkol sa ilang beses niyang pakikipag-break kay Mo. (CLICK HERE to read related story.)

"Every time that I would try to break up, he would get really mad, or he'll threaten me.

"Uhm... I think the most painful time was when he outright told me that 'I promise to take everything you love away from you.'

"Yun ba yung love? Tatakutin ka ng tao? Ite-threaten ka? Sisirain ka? Para ano? Para sa kanya ka lang?"

Sa sulat na ipinadala ni Mo sa PEP, mariin nitong pinabulaanan na hina-harass niya si Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

IDA HENARES'S STATEMENT. Huwebes, Disyembre 8, naman nang ma-raffle na ang nasabing kaso sa sala ni Judge Philip Aguinaldo ng Branch 207 ng Muntinlupa RTC.

Naglabas na rin ng statement ang tiyahin ni Rhian at GMA Artist Center head na si Ida Henares tungkol sa alegasyon ni Mo sa kanya ng panunulsol umano kay Rhian.

Ipinarating ito sa pamamagitan ng law office ni Atty. Kapunan.

Nakasaad dito na: "There is absolutely no truth to the allegations of Mr. Gumatay. These are all false and malicious statements and she has already referred this matter to her lawyers for appropriate legal action."

(CLICK HERE to read related story.)

RHIAN'S MOTHER SPEAKS UP. Dahil na rin sa tindi ng kontrobersiyang ito, lubha raw naapektuhan, hindi lang si Rhian, kundi maging ang kanyang pamilya.

Sa interview sa ina ni Rhian na si Mrs. Clara Ramos-Howell, kapatid ni Ida, inihayag nito kung gaano sila nasasaktan sa isyu.

"Natural lang na nakakainis. Pati kami nadadamay.

"Merong mga bagay na sinasabi na kabigla-bigla," sabi ni Mrs. Ramos.

Nagpasalamat naman ang ina ni Rhian sa mga patuloy na sumusuporta sa kanyang anak.

Aniya, "We really appreciate you guys.

"Talagang to all the fans and supporters of Rhian, nakakataba ng puso na nandiyan kayo to be at her side and giving her love."

FRIENDS SHOW SUPPORT. Nagparating din ng mensahe ang mga kaibigan at katrabaho ni Rhian sa gitna ng kontrobersiyang ito.

Lovi Poe: "Sana malagpasan niya itong trial na ito. And I'm so sure malalagpasan niya ito kasi sobrang strong na babae yun. And siya pa, malakas yun, mas malakas pa sa akin. Kung ako yung napagdaanan ko nakayanan ko, siya pa. Kaya niya 'yan."

Carla Abellana: "Siguro magdasal lang siya nang maigi. Kumapit siya sa family niya at saka sa Diyos. Yun lang. Tapos the rest, di ba, God will take care of, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manny Pacquiao (co-host ni Rhian sa Manny Many Prizes): "Ang mga problema, hindi naman tayo bibigyan ng mga problema kahit gaano man kalaki na hindi natin kaya. Dasal lang tayo. Dasal ang tanging paraan at tiwala sa Panginoon."

TAKING LEAVE FROM WORK. Samantala, ipinahiwatig naman ng GMA-7 management ang suporta nito sa mga legal na hakbang ni Rhian.

Naiintindihan din daw ng Kapuso Network ang desisyon ng aktres na pansamantalang magpahinga muna.

Naglabas nga ng statement ang GMA tungkol dito. Nakasaad dito na:

"GMA Network received a request from its artist Rhian Ramos for a few weeks leave from her work schedule because of the trauma she is going through. She asked that she be replaced in The Beloved as she feels that she cannot give her best to the show given her current state of mind. She also asked for a few weeks leave from her other shows, Manny Many Prizes and Party Pilipinas.

"GMA understands her request and will allow her to take some time out from her obligations to the Network. Once she comes back from her break, she will resume appearing in her shows Manny Many Prizes and Party Pilipinas. She will also resume work on her new movie project with GMA Films."

Ngayong nasimulan na ang proseso ng kasong isinampa ni Rhian laban sa kanyang dating karelasyon, siguradong marami pang susunod na kaganapan dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN