Katrina Halili's message to Rhian Ramos: "Sana, maging strong lang siya. Sabi ko nga, kapag nalampasan niya ito, at least, mapupunta na siya sa next life niya."

IMAGE 0


Si Katrina Halili ay minsan na rin dumaan sa isang scandal dulot ng mga video na malayang naa-upload at napapanood ng karamihan. Hindi maiiwasang mahingan siya ng reaksiyon sa isyu na kinasasangkutan ng kapwa Kapuso artist niya na si Rhian Ramos. Kasalukuyang umiikot sa Internet ang isang video diary ng ex-boyfriend ni Rhian na si Mo Twister na may masasamang alegasyon. Katrina says: "Wala, naaawa ako sa kanya. Kahit naman tayo ang mapunta sa ganoong situwasyon, ano a




Kung titingnan si Katrina Halili ngayon, masasabing naka-recover na rin siya talaga sa nangyaring eskandalo dulot ng sex video nila noon ni Hayden Kho.

Isa si Katrina sa mga nakisayang Kapuso star sa ginanap na GMA-7 press party noong December 7 sa Studio 6 ng GMA annex.

At dahil si Katrina nga ang minsan na rin dumaan sa ilang scandal dulot ng mga video na malayang naa-upload at napapanood ng karamihan, hindi maiiwasang mahingan din siya ng reaksiyon sa isyu naman na kinasasangkutan ngayon ng kapwa Kapuso artist niya na si Rhian Ramos.

Ayon naman kay Katrina, "Wala, naaawa ako sa kanya. Kahit naman tayo ang mapunta sa ganoong situwasyon, ano ang gagawin natin?

"Kahit anong bagay ang ginawa natin, 'di ba, kailangan pa bang ilabas?

"Hindi mo rin alam ang gagawin mo. So, para kang mababaliw.

"So, sana, maging strong lang siya.

"Sabi ko nga, kapag nalampasan niya ito, at least, mapupunta na siya sa next life niya.

"Magiging iba na, 'di ba? Kailangan lang talaga niyang tapusin 'yung stage na 'yun."

STRONGER PERSON. Kung ihahalintulad nga raw kay Katrina, ngayon ay "stronger person" na siya dahil na rin sa mga pinagdaanan niya.

"Oo, ngayon, sa mga nangyari sa akin, masasabi kong closed book na ang Book 1 ko.

"Book 2 na ko. Kahit anong sabihin sa akin, dedma na ko."



Kung sa binago, marami raw talagang binago sa kanya ng mga nangyari.

Ayon pa kay Kat, "Mga pananaw ko, kung paano ko mag-trabaho.

"Kung paano ko kumilos, kung paano ko mag-isip.

"Kung paano ko mangarap, kung paano lahat.

"As in, para kong rebirth."

Ngayong Kapaskuhan, dito lang daw siya sa Manila si Katrina. Wala muna raw siyang planong umuwi ng Palawan.

May bago rin kasi siyang tine-tape na primetime series, ang My Beloved.

"Matagal akong walang work, e. Munting Heredera pa ang last. So, work lang ako ngayong Christmas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nag-aral din ako. Nag-meat processing ako.

"Wala lang...kasi, nag-e-enjoy akong magluto-luto sa bahay.

"So, nag-crash course ako. Mabilis lang. Nag-aral ako ng [paggawa ng] mga tocino, embutido."


Plano ba niyang mag-business?

"Hindi pa naman, gumagawa lang, personal lang.

"At saka, gusto ko rin siyempre na makatulong sa family ko, mga pinsan ko, puwede naman nilang gawin, 'di ba?"

GETTING TO KNOW HERSELF. Ang 2011 raw, ang naging focus ay trabaho niya.

Sa 2012 raw, gusto naman niya, makapag-focus sa ibang bagay.

Katwiran niya, "Siguro kasi, itong year na ito, ito 'yung hinanap ko ang sarili ko.

"Siguro next year, doon ko ilalabas kung ano ang meron ako.

"Siguro rin kasi, ini-analyze ko kung ano ang meron sa sarili ko. Parang hinanap ko lang din.

"Kaya rin hindi ako makapunta sa Gabriela. Kasi, 'yun din ang gusto ko, 'yung counseling.

"Pero, nawala e. Nawala sa utak ko. Siguro nandoon ako sa path na hinanap ko muna sarili ko."

Ano ang mga na-realize niya, nakilala niya sa sarili niya?

"'Yung body ko at saka 'yung soul ko, hindi magkakilala.

"So, ipinakilala ko si Kat kay Kat," natatawa niyang sabi.

"Pero parang meron silang hint na nagkakilala sila before," biro pa niya.

May na-realize daw siya lalo na kung saan nakasalalay ang kaligayan.

"Dati kasi, parang ang feeling ko, doon sa boyfriend ka makakakuha ng happiness.

"Parang palagi kang naghahanap ng atensiyon.

"Siguro ngayon, natutunan ko, hindi kailangang hanapin ko ang saya sa ibang tao.

"Kailangang mahalin ko ang sarili ko, kilalanin ko kung ano talaga ang talent ko.

"Na may talent pala ako. So, kinikilala ko ang sarili ko.

"Ngayon, sa bahay ko, focused ako sa bahay ko.

"Dati ano lang, driver. Ngayon, mas intimate lahat. Family, friends, bahay ko, mga hobbies ko, hilig ko.

"Nililigawan ko ang sarili ko."

DISCOVERING ASTROLOGY. Natatandaan pa ni Katrina kung kailan niya nasabing okay na nga siya. Ang petsa ay November 18, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Basta last year ng November lang ako naging okay. Na hindi na ako negative. Parang positive na ko.

"Tulala nga, e. Parang wala ka lang iniisip. Nasa taping ako, nasa kotse lang ako.

"Kapag take ko lang ako lalabas. Simula lang noong November ako naging okay na lumalabas na ako, nakikipag-usap na ako. Beauty Queen lang."

Si Katrina na rin mismo ang nag-share kung ano raw sa tingin niya ang nakatulong sa kanya na naging okay na siya.

Ayon kay Kat, "Hindi ko alam. Bigla na lang akong napunta sa astrology.

"Surf-surf lang ako. Biglang na-curious lang ako, paano babasahin ang mga tao? Ah, ganito pala 'yan.

"Kapag sa susunod may makikilala ako, ano ang birthday mo? Ay, hindi tayo compatible...

"Simula noong mabasa kong buo, wala na, naintindihan ko na ang lahat ng tao.

"Nakasulat kaya ro'n ang personality natin. As in, lahat."

Pero paglilinaw rin niya, "Ako naman, wala naman akong sinasabi na maganda 'yan o hindi.

"Ako lang, nagiging tuwid naman ang buhay ko pati pag-iisip ko, pakikitungo ko sa tao.

"At saka, wala namang sinasabi na maging ganito ka, ganyan."

Hindi rin daw siya naka-depende sa kung ano ang sinasabi ng astrology sa pakikitungo niya sa tao.

"Hindi po. Tinatanong niyo kung paano ako nagbago, e, 'yun po ang nangyari sa akin.

"At saka, hindi naman po ako nagpipilit sa inyo.

"Kung gusto niyo, basahin niyo rin para maintindihan niyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN