Janine Gutierrez on being the granddaughter of the Superstar and Asia's Queen of Songs: "I'm very lucky to have them on my side."

IMAGE 0


"Above all, pinapangarap ko po mag-drama. Yun po ang talagang goal ko. Other than that, interested din naman po ako sa pagiging host at maisali sa mga sitcoms," says newcomer Janine Gutierrez.


Simula nang i-launch si Janine Gutierrez bilang Party Pilipinas mainstay last June 26, binansagan na siya bilang isang "showbiz royalty."

Bakit naman nga hindi, what with her credentials such as the following: anak siya ng aktres na si Lotlot de Leon at ng dating matinee idol na si Ramon Christopher; apo siya ng Superstar na si Nora Aunor at ng Drama King na si Christopher de Leon, at ng Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales at ng veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Pamangkin siya nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez, at nina Ian at Matet de Leon.

In a recent interview with Janine, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa magandang newcomer.

Janine is 21 years old, stands 5'6 ½" and was born on October 2, 1989.

She graduated at the Ateneo de Manila University this year with a degree in Bachelor of Arts, major in European Studies.

Noong bata pa lang siya, ano ang childhood dream niya; ano ang gusto niya sana paglaki niya?

"Gusto ko pong maging pilot!"

"Up until high school, pangarap ko po yun kasi parang napaka-interesting po ng lifestyle nila, madaming napupuntahan at madaming nakikilala.

"Dream ko po talaga kasing makapag-travel. So, naisip ko, why not learn to get to the different places myself?" ang natatawang sabi niya.

Noong una raw, hindi agad pumasok sa isip ni Janine na magiging artista rin siya.

"Pero ever since, hinangaan ko na po yung mga magulang ko at mga lola at lolo ko kapag nakikita ko sila sa TV at pelikula, o sa concerts.

"Through the years, mas na-appreciate ko po yung trabaho nila, kung paano nila naipapasok ang sarili nila sa iba-ibang role at kung paano sila hinahangaan.

"Hanggang eventually, ito na rin ang pinangarap kong gawin."

Ano ang advantages and disadvantages na artista ang parents niya at nabibilang siya sa isang showbiz family?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Advantage po that I learn from their experiences. Napagdaanan na nila ang mga ngayon ko pa lang mararanasan.

"Malaking bagay na sanay na po sila sa industriya at dahil dito ay napapayuhan nila ako tungkol sa mga dos and don'ts.

"Nasasabihan po nila ako kung paano ang buhay dito, at kapag may tanong po ako, lagi po silang nandiyan para sa akin," sabi ni Janine.

FAMOUS GRANDMOMS. Ano ang feeling na apo siya ng Superstar at ng Asia's Queen of Songs?

"Noong bata pa po kasi ako, ang title nila Mamita at Mama Guy para sa akin ay walang iba kundi 'lola.'

"Naaalala ko nung Grade 2 po ako, nagulat ako dahil sa school... Sa Sibika, sa mga libro tungkol sa sining, nandun pala yung mga pictures nila.

"Doon ko na po na-realize na bukod sa pagiging lola, Superstar at Asia's Queen of Songs pala sila!"

Dagdag niya, "I'm very proud of them po dahil talaga namang maipagmamalaki sila.

"Napakasuwerte ko po dahil alam kong nandiyan sila para sa akin.

"Nakaka-pressure din po dahil hindi maiwasan na much is expected of me, pero very comforting po to know na sinusuportahan nila ako.

"I'm very lucky to have them on my side."

Ano naman ang masasabi ni Janine tungkol sa muling pagbabalik sa showbiz ng Superstar at sa muli nilang pagkikita kamakailan?

"Eight years po kaming hindi nagkita, e. Nasa grade school pa po ako nung huli kaming nagkita.

"First time in a very long time, so we were all so happy to see her po.

"Pinuntahan po namin siya lahat nina Auntie Matet at Uncle Ian, kumpleto po kami. So, napakasaya po talaga!

"Kinumusta po niya ako tungkol sa pagtatrabaho. Sabi niya, 'O, balita ko artista ka na!' ganun po, 'yon.

"I think she's very happy for me."

Magkakasama kaya sila sa isang project?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That would be a dream come true po, di ba? Para naman sa kahit sinong nandito sa industriya na makatrabaho po siya, di ba?

"Pero as of now, wala pa po. Pero sana po, hopefully, eventually," nakangiting pahayag ni Janine.

JANINE'S FAVORITES. Sino ang mga paborito niyang artista?

"Si Mama!" pagtukoy ni Janine sa kanyang ina na si Lotlot de Leon.

"At favorite ko po panoorin sina Eugene Domingo, si Iza Calzado.

"Sa actors naman po, hinahangaan ko si Sid Lucero, JM de Guzman, at siyempre si Lolo Bo [Christopher de Leon], pati si Tito Ricky Davao."

Ano ang genre sa showbiz na gusto ni Janine?

"Above all, pinapangarap ko po mag-drama. Yun po ang talagang goal ko.

"Other than that, interested din naman po ako sa pagiging host at maisali sa mga sitcoms."

Sino na ang mga ka-close niya sa Party Pilipinas?

"Since bago pa po ako, I can't really say that I'm close to anyone yet," sagot niya.

"Pero napaka-welcoming at friendly po nilang lahat lalo na yung mga madalas ko po nakakasama sa prod, tulad nila Ynna [Asistio].

"Sobrang thankful din po ako sa lahat ng staff ng Party Pilipinas dahil talagang napakabait at maasikaso po nilang lahat.

"I'm very grateful to be part of this program."

PARENTS' ADVICE. Ano ang best advice sa kanya ng mommy at daddy niya?

"Best advice po ni Mama ay always give your best. Kailangan mahalin ang trabaho at palaging maging respectful sa lahat ng nakakasama.

"Si Papa naman po, palaging reassuring na nandiyan siya para sa akin. He always reminds me to enjoy, relax, and like Mama says, do my best."

Ano ang naging epekto kay Janine when her parents separated? How is she coping with it now?

"Siyempre, malungkot po nung naghiwalay si Mama at Papa, pero maayos naman po lahat ngayon. Buo pa rin po ang pamilya kahit hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My parents always decide together and we spend time together, all of us."

Janine's idea of relaxing...

"Hilig ko po talaga ang mag-swimming at magpunta sa beach. The beach is my favorite place. I love the sun and the ocean.

"Pero kung dito lang, masaya na po ako spending time with family and friends, watching movies or kulitan lang with my siblings and our dogs."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN