Direk GB Sampedro confirms breakup with Daiana Menezes; explains why he was "missing in action" when fire razed Daiana's condo

IMAGE 0


Direk GB Sampedro on breakup with Daiana Menezes: "Para sa akin naman, at naniniwala ako na kapag nagkahiwalay kayo, e, closure na yun. Hindi na kailangang mag-usap at pormal na maghiwalay kayo. Basta ayaw n'yo na sa isa't isa, e, malinaw na closure na yun."


Kinumpirma ng direktor na si GB Sampedro na break na nga sila ng Brazilian model-actress na si Daiana Menezes.

Ayon kay Direk GB, dalawang linggo na raw ang nakararaan mula nang maghiwalay sila ni Daiana.

Limang buwan din inabot ang kanilang relasyon at muntik pa nga silang magpakasal.

Nalaman ng publiko na wala na sina Direk GB at Daiana nang magpa-interview ang Brazilian beauty sa Showbiz Central noong Linggo, November 6.

Habang ikinukuwento ni Daiana ang nangyaring sunog sa condo unit noong November 5, umamin siyang wala na sila ni Direk GB.

Ayon pa kay Daiana, hindi siya pinuntahan o tinulungan ng direktor kahit na dalawang palapag lang ang layo ng kanilang condo units. (CLICK HERE to read related story.)

DIREK GB AIRS HIS SIDE. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinaliwanag ni Direk GB kung bakit hindi niya napuntahan si Daiana.

Aniya, "Actually, wala naman kasing humingi ng tulong, kaya paano ako tutulong?

"Nang tumawag ako sa guwardiya, sabi nito sa akin, e, okey na.

"May nangyari lang daw na something na medyo umusok lang.

"Pero sabi ng guwardiya, e, okey na, kaya din na ako pumunta."

Patuloy niya, "Kung alam ko talagang may sunog, e, susugod ako doon.

"Saka madaling araw yun, pagod ako, galing trabaho, kaya sa pagkasabi ng guwardiya, e, tinulog ko ulit.

"Basta ako, walang masamang ginawa, kaya okey lang."

THE BREAKUP. Pagkatapos nito ay inusisa na ng PEP si Direk GB tungkol sa breakup nila ni Daiana.

Kailan sila nag-break?

"Hindi ko matandaan ang eksaktong araw, pero siguro more than two weeks ago.

"Basta ang sa akin, kaysa patagalin pa naming pareho ang ganitong sitwasyon namin, di ba, mas makakabuting tapusin na namin?"

Sino ang nakipaghiwalay?

"Actually, siya, parang sa kanya nanggaling.

"Pero ako naman, e, di sige, para sa ikatahimik ng lahat."

Pero ano nga ba talaga ang dahilan ng breakup nila ni Daiana?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi minsan, kapag meron kayong differences, kumbaga, kesa patagalin pa, e, mas maganda na lang na tapusin.

"At saka para makapag-concentrate na rin siya sa trabaho niya," sagot ni Derek GB.

Sino sa palagay niya ang may problema sa kanilang dalawa?

"Well, ano naman 'yan, kumbaga, it takes two to tango.

"Siguro, may konting problema sa kanya, meron ding konti sa akin.

"So, ganun naman talaga ang relasyon, hindi naman talaga puwedeng isa lang ang dapat sisihin.

"Mahirap din namang makipag-away sa sarili mo, 'di ba?

"Siguro nahirapan na rin siguro siya sa sitwasyon ko, sa sitwasyon namin.

"Mahirap din kasi yung sitwasyon ko, kasi wala rin talaga akong oras, every day nagtatrabaho ako.

"Pero nakikibagay din naman siya. Pero siguro, yung time talaga, e, yun talaga ang pinakamatinding dahilan.

"Siguro kakulangan ko na rin ng oras.

"Ako, pag kailangan niya ako, e, hindi kaagad ako makakapunta sa kanya."

Ayon pa sa direktor, may isang buwan na raw ang madalas nilang pagtatalo ni Daiana.

Konting problema lang daw ay napapalaki.

"Well, mabait naman yun, e. Pero siguro, e, ako rin, may problema rin siya sa akin.

"May problema ako sa oras ko, sa trabaho, at sa iba pa," saad ni Direk GB.

Hindi ba nila sinubukang ayusin ang anumang hindi nila napagkaunawaan?

"Well, hindi na muna, baka mahirap na.

"Kumbaga, kung magsasalita ka pa, e, baka mas makadagdag pa lalo sa sitwasyon."

Totoo bang umiyak siya nang husto at namugto raw ang mga mata niya sa kaiiyak pagkatapos ng kanilang breakup.

Ayon kay Direk GB, "Siyempre naman, tao lang tayo, nakakaramdam din ng sakit.

"Pero yung umiyak, e, medyo matibay na tayo, e, hindi na ako sa puntong umiyak talaga.

"Siguro it goes with age.

"Kumbaga, damdamin mo na lang ang sitwasyon, pag-iisipan mo na lang kung ano yung mali mo at ano yung nangyari, then move on na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE ENGAGEMENT. Hindi ba nila inisip ni Daiana na kung kailan engaged na sila ay saka pa sila naghiwalay?

Paliwanag ni Direk GB, "Hindi naman ibig sabihin ng engaged, e, ikakasal na kayo.

"Mas mataas na level lang yun sa commitment yun.

"Kung sakaling hindi mag-work out, e, doon din mauuwi sa hiwalayan."

Ayon pa kay Direk GB, nasaktan at nalungkot siya nang husto sa nangyari sa relasyon nila ni Daiana.

"Siyempre naman, lahat naman ng relasyon, kapag natapos, e, panghihinayangan mo.

"Pero ako, e, sana, maging... Kumbaga, umaasa na after nito, e, ibang level na at maging magkaibigan kami."

Kasama rin ba sa pinanghinayangan niya ang mga materyal na bagay na iniregalo niya kay Daiana, partikular na ang sinasabing pinaghihirapan niyang mabiling engagement ring nila?

"Hindi naman. Yung material naman, e, hindi na magandang pag-usapan yun," sabi niya.

"No comment" naman si Direk sa tanong kung na kay Daiana pa ang ibinigay niyang engagement ring o ibinalik na nito sa kanya.

RECONCILIATION. Pero open kaya si Direk GB sa posibilidad na magkabalikan sila ni Daiana?

"Sa tingin, ko, e, hindi na siguro," sagot niya.

"Kumbaga, marami ang nangyari at patong-patong na ang akusasyon.

"So, parang mas mabuting huwag na.

"Hindi na siguro maibabalik ang anumang wala na talaga."

Hindi ba niya sinubukang kausapin si Daiana, o ayaw na niyang bigyan ng pagkakataon na pag-usapan nilang dalawa ang problema nila?

"Hindi pa kami nagkakausap, pero ako, mas gusto ko pa yung hindi kami nagkakausap.

"Kasi minsan kung nagkakausap kayo, e, mas may masasabing masakit ka, e, baka mas lumalim pa yung sugat.

"E, sa pagkakataon na ito, e, mas mabuti pa yung huwag na kayong mag-usap," pahayag ni Direk GB.

So, walang closure na nangyari?

"Para sa akin naman, at naniniwala ako na kapag nagkahiwalay kayo, e, closure na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na kailangang mag-usap at pormal na maghiwalay kayo.

"Basta ayaw n'yo na sa isa't isa, e, malinaw na closure na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN