Vice Ganda patches things up with manager Ogie Diaz

IMAGE 0


"Actually hindi naman... katulad ng sinabi ko hindi naman kami mag-kaaway no'ng unang, no'ng presscon namin, hindi kami nag-aaway no'n. Sabi ko lang hindi kami masayadong okay, kasi hindi talaga kami nag-uusap," malamang tugon ni Vice Ganda tungkol sa alitan nila diumano ng kanyang manager at kaibigan na si Ogie Diaz.


Nagkaroon ng solo presscon si Vice Ganda sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN kanina, Oktubre 19, para sa kanyang movie na Praybeyt Benjamin.

Nakatakda itong ipalabas ngayong katapusan ng buwan, at kabilang sa mga makakatambal niya rito ay ang hunk actor na si Derek Ramsay. (CLICK HERE for related article)

Ang mga entertainment media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay masaya rin para kay Vice, dahil maayos na muli ang relasyon nito sa kanyang manager na si Ogie Diaz.

Kamakailan, inamin ni Vice na hindi sila close ng manager niyang si Ogie Diaz ng mga panahong iyon. (CLICK HERE to view video)

"Actually hindi naman... katulad ng sinabi ko hindi naman kami mag-kaaway no'ng unang, no'ng presscon namin, hindi kami nag-aaway no'n.

"Sabi ko lang hindi kami masyadong okay, kasi hindi talaga kami nag-uusap," paliwanag ng Gandang Gabi Vice host.

Aniya pa, "We were not the... ano ba 'to?... speaking terms no'ng mga panahong, for two months, 'di ba?

"Hindi talaga kami nagkikibuan, hindi kami nag-uusap, kasi ginagawa ko yung pelikula.

"'Tapos sabi ko ayokong ma-stress, hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng pag-uusap natin, baka maapektuhan yung trabaho ko, madiskaril ako.

"Kaya sabi ko tapusin ko muna yung trabaho ko, pagkatapos nito ayusin natin isa-isa.

"Isa-isa kong inaayos yung bahagi ng buhay ko, ayusin ko 'tong trabaho kong 'to.

"Pag-naayos ko na 'yan, ayusin ko na yung relasyon ko kay Ogie, pagkatapos no'n, ayusin ko naman yung love life ko.

"Ano, kailangan may concentration, para hindi magulo ang buhay ko," sabay tawa ng komedyante.

FORGIVE AND FORGET. Naikuwento din ni Vice Ganda sa press, kung paano sila nag-kaayos ni Ogie.

"No'ng ano po kasi, yung last shooting day namin, right after no'ng the last shooting day, noong pauwi na ako ng bahay, umiiyak ako sa sobrang tuwa.

"'Tapos, sabi ko ang saya, yung experience, 'tapos sobrang na-attach ako sa mga co-stars ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos, gustung-gusto ko yung pelikulang nagawa ko, hindi kami nagka-problema ng direktor ko.

"Kaya yun, yung tamang timing para kausapin ko si Ogie [Diaz], kaya tinext ko siya, sabi ko sa kanya, 'Mama, kumusta ka na? Anong chika mo diyan?' yun lang ang tinext ko sa kanya.

"'Tapos sabi niya, 'Ay!' ite-text niya daw dapat 'Wrong send ka ba?' kasi hindi ko talaga siya tine-text ng two months.

"'Tapos sabi niya 'A, eto okay lang, oh ikaw kumusta ka?'

"'Katatapos lang ng shooting, ganyan, ganyan, pag wala kang gawa, chikahan tayo,' sabi kong gano'n sa kanya.

"'Tapos no'ng nagkita kami, after a few days, mag-the-The Buzz ako, nagkita kami bago mag-The Buzz," pahayag ng Showtime host at mainstay na judge.

Dagdag ni Vice, "Nagkita kami, masaya yung mood, sabi ko ayoko kasi yung problemang-problema, yung stress, yung mukha namin busangot, masaya ako.

"So sabi ko sa kanya 'Ahm... I don't wanna go into details. Ayoko ng pag-usapan pa natin kung ano yung mga naging pagkakamali natin, kasi alam naman na natin sa mga sarili natin 'yun, e."

So, hindi niyo na binalikan yung mga mali niyo?

"Hindi po. Ako alam ko naman sa sarili ko yung kakulangan ko, si Ogie din naman ina-admit niya rin yung mga, yung mga kakulangan niya.

"Hindi na rin namin kailangan magpalitan ng mga pagkakamali, alam na namin yun.

"Basta't linawin lang natin sa isa't-isa sabi ko 'Hindi ako galit sa 'yo, wala akong nararamdamang galit sa 'yo.

"Sumama lang ang loob ko... ikaw din sana hindi ka na galit sa akin'

"'Okay na okay ako sa 'yo ngayon,' sabi niyang gano'n.

"'Ako din naman, okay,' sabi ko, 'Kaya wala na tayong problema.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN