Ogie Alcasid and wife Regine Velasquez excited for the arrival of their baby boy

IMAGE 0


Singer-comedian Ogie Alcasid will soon become a father to a baby boy. His wife, Regine Velasquez, is now on her fifth month of pregnancy.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie Alcasid sa taping ng Mind Master kahapon, August 3.

Si Ogie ang nag-host ng ika-apat ng episode ng second season ng show na tinatampukan ng mentalist na si Nomer Lasala.

Hindi itinago ni Ogie ang pagkabilib sa kakayahan ni Nomer kunsaan, bilang host, na-witness niya mismo kung paano nito tinapatan din ang power ng ilang "superheroes" sa naturang episode.

Ikalawang pagkakataon na ni Ogie na mag-host ng Mind Master. Pero noong first season pa lang daw ay napahanga na siya ni Nomer.

Ayon kay Ogie, "Ang galing, ang galing!

"May pinaisip siyang name na old friend ko, nahulaan niya, ang galing.

"May gift siyang talaga. Meron siyang angking skills."

Naniniwala ba siya sa mga hula o iba pang phenomenon?

"Ako, skeptic akong talaga. Pero pagdating sa kanya [Nomer], medyo nalilito ko!" natawa niyang sabi.

"In fact, in-invite ko siya noong birthday ni Reg [Regine Velasquez, Ogie's wife] noong April.

"Kasi, entertaining din siya. Pinag-entertain ko siya sa mga guest namin."

Pinabasa rin ba niya ang nasa isip ng asawa kay Nomer?

"Yeah, in fact, hinulaan niya no'n. Sabi niya, magiging boy nga ang anak namin and he was right."

BABY BOY. Sobrang saya nga nina Ogie at Regine nang makumpirma nila na lalaki ang magiging panganay nila.

May dalawa nang anak na babae si Ogie sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren—sina Sarah at Leila.

"Yes, of course! Kaya nga ang concert ko... O, di ba, okay ba ang segue ko?" natatawang biro pa niya.

"Yung concert ko sa August 23, sa Resorts World, ang title no'n, Celebration.

"It's a celebration of sorts, celebrating this special gift. It's time to celebrate."

Ine-expect daw ni Ogie at Regine na ipapanganak ang baby nila sa November 22 bilang ito raw ang due date ng Asia's Songbird.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nathaniel James" ang napiling pangalan nina Ogie at Regine sa kanilang baby boy.

"Nathaniel means gift of God. Yung James naman, well, wala namang kinalaman, parang maganda lang pakinggan," banggit ng singer-comedian.

May preparations na ba silang ginagawa gaya ng pagpapagawa ng nursery sa bahay?

"Wala, wala pa... more on pahinga lang. Bonding," sabi niya.

SOAP OPERA. Papasukin na rin ni Ogie ang paggawa ng teleserye.

Kinumpirma nga niya sa PEP na may gagawin siyang serye sa Kapuso network, ang Daldakina. Gaganap siya bilang ama ni Jillian Ward.

Na-miss ba niya ang pag-arte sa TV?

"Hindi naman!" natatawa niyang sabi.

"Well, okay naman kasi light lang yung kuwento. So, sabi ko, why not?

"Kasama ko si Jillian bilang ako ang daddy niya rito at si Gelli de Belen yata yung mommy, so okay.

"Light lang kaya okay lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN