(UPDATED) Ram Revilla, brother of Senator Bong Revilla, killed in a shooting and stabbing incident

IMAGE 0


Young actor and politician Ram Revilla was declared dead on arrival at the Parañaque Medical Center after sustaining gun shot and stab wounds.


Ram Revilla, anak ng dating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr. at half-brother ni Senator Bong Revilla Jr., ay napatay dahil sa pamamaril at pananaksak kagabi, October 28, Biyernes. Ito ay ayon sa report ng Radyo Singko 92.3.

Sa panayam ni Senator Bong sa dzMM, isang gunman na nakasuot ng bonnet ang pumasok sa tahanan ni Ram sa BF Homes ParaƱaque.

Doon daw binaril at sinaksak ng suspek si Ram at ang kanyang girlfriend na kinilalang si Janelle Manahan.

Base raw sa police report, binaril ng suspek si Ram gamit ang isang 9 mm o .45 caliber, at saka niya ito sinaksak.

Isinugod sina Ram at Janelle sa ParaƱaque Medical Center.

Idineklarang dead on arrival si Ram.

Si Janelle naman ay nagtamo ng sugat sa kanyang panga at inoobserbahan pa sa kasalukuyan.

Si Ram ay sumakabilang-buhay sa edad na 22.

Ayon kay Senator Bong, wala raw siyang alam na kagalit ng kanyang kapatid.

"Wala akong alam na may kagalit dito. Ang alam ko, gusto niya... nag-aambisyon siya na tumakbo na konsehal sa bayan ng Imus [Cavite].

"Mabait na tao ito, wala akong masabing masama," pahayag niya.

Sinabi rin ni Senator Bong na hindi pagnanakaw ang motibo ng pagpatay kay Ram dahil wala naman daw nawala sa bahay nito.

"Sobra ang galit para gawin 'to," aniya.

Sinabi rin ng senador na paborito raw ng kanilang ama si Ram.

"Paborito ng daddy ko 'to," sambit niya.

Hindi nga raw nila alam kung paano sasabihin kay dating Senator Ramon Revilla Sr. ang pagkamatay ni Ram, lalo na sa mahinang kalagayan ng kalusugan nito ngayon.

Kinondena ni Senator Bong ang karumal-dumal na krimen at nangakong ihahanap ng katarungan ang kanyang kapatid.

Si Ram ay minsan ding pumasok sa showbiz at naging contract star ng GMA Artist Center.

Ipinakilala siya sa pelikulang Anak Ka ng Tatay Mo noong 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pa niyang mga pelikula ay Exodus (2005) at Resiklo (2007), na parehong pinagbidahan ng kanyang Kuya Bong.

Sa TV naman ay napanood siya sa Kamandag ng GMA-7 at Tonyong Bayawak ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN