Jennylyn Mercado says her relationship with Dennis Trillo left her very hurt

IMAGE 0


"Iba po kasi ang sakit talaga. Alam nyo naman yun. Ayoko nang idetalye pa. Nabasa nyo naman lahat, ayoko nang ulitin pa yun. Ayoko nang balikan yun," says Jennylyn Mercado of her failed relationship with Dennis Trillo.



Inamin ni Jennylyn Mercado na sa lahat ng mga nakarelasyon niya, kay Dennis Trillo siya lubhang nasaktan.

"Iba po kasi ang sakit talaga. Alam nyo naman yun. Ayoko nang idetalye pa. Nabasa nyo naman lahat, ayoko nang ulitin pa yun. Ayoko nang balikan yun," pahayag ng aktres nang nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Protégé na hinu-host niya.

Ang tinutukoy ni Jennlyn ay ang pagkakakuwento niya sa YES! Magazine ng romance at breakup nila ni Dennis. Dito ay dinetalye niya ang sakit na naramdaman niya nang mga panahong iyon, kasama na ang pisikal sa kamay diumano ng dating kasintahan.

Kaya maingat daw siya ngayon kung sakaling pumasok siya uli sa panibagong relasyon.

"Hindi pa naman talaga kami ni Luis [Manzano]. Masasabi ko talagang hindi pa," deretso nitong pahayag.

"Wala pa talaga kasi kaming commitment, so wala. Kasi kung meron man, meron ng date, so wala!

"Ini-enjoy lang namin ang company ng isa't-isa, saka walang commitment."

Pagkatapos ng kontrobersyal na break-up nila ni Dennis, nagkahilig na si Jennylyn sa mixed martial arts, kaya naging bihasa na ito sa Jujitsu at Muay Thai.

Kapag may panahon pa raw siya para mag-ensayo, gusto niyang sumali sa mga competition dahil nakikita ng mga trainor niya na puwede talaga siyang ilaban.

Pero ang pinaghahandaan ngayon ni Jennylyn ay ang pagsali sa Triathlon, na gagawin niya kung may sapat daw siyang training.

Kaya hanggat maaari, gusto niyang bakante ang weekends niya para makapag-training.

"Kaya lang, sa ngayon, parang wala pa akong sapat na training, e. Kasi araw-araw talaga ang trabaho ko.

"Parang Sabado na lang ang day ko para sa family ko at sa sarili ko.

"Pag tingin ko kaya ko na, sabihin ko po sa inyo dahil gusto ko talagang sumali," ani Jennylyn.

"Kailangan maging malakas para healthy, para hindi basta-bastang nasasaktan," natatawa nitong pahayag na obvious naman kung sino ang pinatatamaan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakahiligan na rin ng aktres ang mag-bake dahil isa raw ito sa pinagkaabalahan niya sa bahay.

Na-master na raw niya ang pag-bake ng cupcakes na gustung-gusto ni Luis.


"Ewan ko, pero biased naman yun e. Pero gustung-gusto niya kaya medyo tumaba," napapangiti niyang sagot sa amin.

Madalas na pinu-post ni Luis sa kanyang social networking site ang masarap na cupcakes na bigay sa kanya ni Jennylyn, kaya ang dami raw tuloy humihingi sa kanya ng gawa niyang cupcakes.

Kahit sa set ng Fotbulilits ay iyun na rin ang hinihingi sa kanya, kaya napaparami na raw ang ginagawa niyang cupcakes tuwing weekend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN