Gail Bautista vehemently denies allegations made by Ramgen-Revilla murder suspect Glaiza Visda

IMAGE 0


"Never ko siyang [Glaiza] nakita sa buong buhay ko. Never ko din siya nakausap. I don't know what she's talking about. I don't know kung bakit isinasama niya kaming mag-asawa.Hindi ko alam kung sino ba yung gustong sumira sa pamilya namin. Sana tigilan na nila kami," says Gail Bautista about allegations of Glaiza Visda, one of the suspects in the Ramgen Revilla murder case.


Nagsalita na sa unang pagkakataon si Ragelyn Gail Bautista, ang nakababatang kapatid ni Ramgen Revilla, na idinadawit sa pagpatay sa aktor noong October 28.

Nadamay ang pangalan ni Gail at ng kanyang Japanese husband na si Hiro Furuyama dahil sa testimony ni Glaiza Visda, isa sa mga suspects sa pagpaslang kay Ramgen.

Sinabi ni Glaiza sa ParaƱaque Police na may kinalaman ang mag-asawang Furuyama sa pagpaslang kay Ramgen.

Sinabi rin ni Glaiza na personal na kilala ng mag-asawa si Ryan Montinola Pastera, alias Bryan.

Isa pang suspect si Ryan sa murder case ni Ramgen at patuloy ang paghahanap sa kanya ng mga pulis.

(CLICK HERE to read related story.)


GAIL SPEAKS UP. Sa exclusive interview ni Ian Cruz ng 24 Oras kay Gail kagabi, November 22, pinabulaanan nito ang mga akusasyon ni Glaiza.

Itinanggi rin niyang kilala nilang mag-asawa ang babaeng nagdadawit sa kanila sa pagpatay kay Ramgen.

Kinumpirma naman ni Gail na naging bestman si Ryan sa kasal nila ni Hiro noong June 2011.

Hindi naniniwala si Gail na kasama si Ryan sa pagpaplano sa pagpatay kay Ramgen dahil galing daw sa mabuting pamilya ang kanilang kaibigan.

Pahayag ni Gail, "Kilala namin siya [Ryan], not the girl [Glaiza]. Not that girl.

"Wala akong kilala na ex-military. Wala akong kilala na killer for hire.

"Never ko siyang [Glaiza] nakita sa buong buhay ko.

"Never ko din siya nakausap.

"I don't know what she's talking about.

"I don't know kung bakit isinasama niya kaming mag-asawa.

"Hindi ko alam kung sino ba yung gustong sumira sa pamilya namin.

"Sana tigilan na nila kami."

Naka-confine sa ospital si Gail nang makapanayam siya ng 24 Oras dahil isinilang niya ang baby boy na panganay nila ni Hiro.

Napaaga ang panganganak ni Gail dahil daw sa stress na bunga ng mga trahedya na nangyayari sa kanilang pamilya.

Ang ina na si Genelyn Magsaysay ang katabi ni Gail sa interview sa kanya ni Ian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GENELYN MAGSAYSAY COMMENTS. Pagtataka naman ang reaksiyon ni Genelyn dahil sa pagsasalita ni Ronaldo Ancajas.

Si Ancajas ang personal assistant ni Ramgen na nagkumpirma sa Paranaque Police tungkol sa alitan ng Bautista siblings.

"Nagtataka po ako sa kanya dahil siya ang nandoroon sa bahay, siya dapat ang nakaalam sa nangyari.

"Nagtataka po ako sa ngayon, siya pa po ang nagsasalita niyan.

"Kami pa ho ang mastermind?

"Ang mga anak ko, inisa-isa pa kami.

"Kami raw ang mastermind, e, kung tutuusin po, dapat po, na-paraffin test ang PA.

"Para malaman po dapat natin, ng mga kapulisan na ang unang dapat ginawa, e, ipinaraffin test yung lalakeng 'yon.

"Yung PA ni Ramgen," ang pahayag ni Genelyn na kapansin-pansin ang hindi pagbanggit sa pangalan ni Ronald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN