Janelle Manahan writes a letter to slain boyfriend Ramgen Revilla; thanks Senator Bong Revilla for seeking justice for Ramgen

IMAGE 0


Janelle Manahan writes, "To Ramgen, wherever you are, thank you for everything. For the 5 years. For teaching me and showing me what unconditional love is. I will never forget you. You're in my heart forever."


Maganda ang progreso ng paggaling ni Janelle Manahan matapos siyang sumailalim sa operasyon noong November 7.

Ang operasyon ay isinagawa para maisaayos ang apat na facial fractures na natamo niya mula sa tama ng bala na pumasok sa ilalim ng kaliwang mata niya at tumagos sa kanang panga.

Si Janelle ang kasama ng boyfriend niyang si Ramgen Revilla nang paslangin ang aktor noong gabi ng Oktubre 28, Biyernes.

Ayon sa ama ni Janelle na si Julius Manahan, natutuwa sila dahil sa mabilis na paggaling ng anak.

JANELLE'S LETTER. Samantala, habang hindi pa siya nakapagsasalita, nagpaabot ng kanyang mensahe si Janelle sa pamamagitan ng pagsulat.

Ipinakita ang nilalaman ng sulat sa primetime news ng GMA-7, ang 24 Oras, na napanood kagabi, November 10.

Dito ay pinasalamatan ni Janelle ang mga tumutulong sa kanya para makahanap ng hustisya.

May sulat din siya para sa nobyong si Ramgen.

Ang sulat na ito ay ni-request ng GMA News reporter na si Ian Cruz kung maaaring magbigay ng pahayag si Janelle kahit sulat kamay.

Ipinaabot ng ama sa anak ang request at pumayag naman si Janelle.

Kasama ang ama, isinulat nito ang gustong sabihin.

Ayon kay Mr. Manahan sa interview ng GMA News, "'Anak, if you wish... na magsulat, suggestion ni Ian you write it on a [magic] slate.'

"'Since wala tayong slate, can you do it,' sabi ko, 'On a piece of paper and a pen.'

"Sabi niya, 'Sige, I'll try.'

"Tapos, sabi ko, 'Anak, it's an idea of Ian.'

"Pero sabi niya, kung 'Pwedeng i-share sa lahat.'"

JANELLE'S LETTER. Makikita sa sulat ni Janelle ang magandang pananaw sa buhay nito sa kabila ng trahedyang nangyari sa kanya.

Sabi ni Janelle, "In the end, everything is gonna be alright, if it's not alright it's not yet the end."

Puno rin ito ng pasasalamat sa kanyang pamilya at mga kaibigang hindi siya iniwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To my family, friends & supporters, thank you for the love and for serving [as] my inspiration."

Nagpasalamat din si Janelle sa half-brother ni Ramgen na si Senator Bong Revilla Jr. at sa buong pamilya nito sa tulong para makamit nila ang hustisya.

Ani Janelle, "To Senator Bong and the entire Revilla clan for being of help since day 1 in my dangerous search for justice."

Pati na ang lahat ng nagdarasal para sa kanyang paggaling ay pinasalamatan niya.

Gayundin ang mga tumitinging doctor at nurse sa kanya sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City.

"To all the people praying for me for my fastest recovery, thank you so much po. For the hospital nurses and doctors who've been taking good care of me and for being so positive about everything."

At siyempre, may mensahe rin si Janelle sa kanyang nasawing nobyo na si Ramgen, na lagi raw nasa puso niya.

"To Ramgen, wherever you are, thank you for everything. For the 5 years. For teaching me and showing me what unconditional love is. I will never forget you. You're in my heart forever."

A FATHER'S MESSAGE. Ayon naman sa ama ni Janelle, dalawang beses niya lang nakasama si Ramgen.

"Tahimik, seryoso, at magalang" ang paglalarawan nito kay Ramgen.

May mensahe rin si Mr. Manahan para sa nasawing nobyo ng anak.

Aniya, "Thank you for somehow taking good care of my daughter."

Patuloy ang recovery ni Janelle. Sabi nga ng doktor, kailangang bumawi ito sa pagkain.

Naka-soft diet pa rin ang 22-anyos na dalaga.

Dagdag ni Mr. Manahan, "Okay naman siya. Kumakain na paunti-unti. Pero hindi pa three times a day."

READY TO TESTIFY. Samantala, lubos namang ikinatutuwa ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan ni Janelle na humarap sa hukuman sa oras na umusad na ang kasong isinampa laban sa mga suspek sa pagpatay kay Ramgen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki raw kasi ang maitutulong ng mga pahayag nito para malaman kung sino ang pumatay at bumaril kay Ramgen, na ikinadamay nga ni Janelle noong gabi ng October 28.

Tinamaan ng bala si Janelle sa ilalim ng kaliwang mata. May tama rin siya sa kanang balikat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN