Bettina Carlos says "prayer and time management" help her fullfill new role as single parent

IMAGE 0

Bettina Carlos on being a single parent to baby Gummy: "Kapag magulang ka and you're a single parent, you make the best out of every opportunity that comes your way. Kahit pa sobra-sobra na 'yong mayro'n ka, when you know in a fact na you have to prepare for something na not for yourself, e, para sa anak mo, so, you have to be ready always."


"Masarap!"

Ganito inilarawan ni Bettina Carlos ang pakiramdam ng pagiging isang ina.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres noong Sabado, Marso 3, sa birthday party ng kanyang anak sa Arts in the City, The Fort.

Isang taong gulang na si baby Gummy, na ang tunay na petsa ng kanyang kaarawan ay Marso 7.

Kuwento ng Kapamilya actress tungkol sa kanyang bagong role, "From day one naman, e...actually even before I gave birth, parang dama ko na na nanay ako.

"Sa unang sipa pa lang niya alam ko na.

"Masarap, I'm enjoying every minute of it kasi ang bilis lumaki ng bata, para siyang lobo na hindi mo alam, boom ang laki na niya!

"So, actually now, I feel a little nostalgic kasi parang kahapon lang kakalabas niya lang, 'tapos ngayon may ngipin na, first birthday na. Bukas, may boyfriend na 'yan.

"May mga gano'n feeling ba na ine-enjoy ko lang every minute kasi ang bilis, ang bilis and you don't know what's gonna happened next.

"Life is so short, so you have to savor every minute."

RICHER WORLD. Dahil sa motherhood, mas naging less visible si Bettina sa showbiz. Pero wala raw itong pinanghihinayangan.

"My world just became parang richer, happier, and its fuller— it's a fuller life especially kasi si Gummy reached my lola, e," pahayag ng aktres.

"So, four generations kami, e, so imagine na lang the happiness na having your baby and having your lola pa see your child. Apo na niya sa tuhod 'yon, e.

"As a person, parang you just become more appreciative of everything—appreciative of life, appreciative of the smallest things.

"I think that's some of the things na tinuturo sa 'yo ng bata— how important life is and how beautiful life is na from an egg to a sack to a fetus and all of that, nagkaro'n ng kamay, ng paa, ng kilay, hindi mo alam kung paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You could just imagine how great God is na we can make a baby. But only God can grow babies, only God knows how to grow babies."

PRIORITY. Kung mga pagbabago naman sa buhay niya ang pag-uusapan, wala naman daw masyadong adjustments si Bettina nang dumating sa buhay niya si Gummy.

Kahit pa man daw noon ay mahilig na siya sa bata, lalo pa't panganay siya sa kanilang magkakapatid.

"Ever since mahilig ako sa bata.

"Secondly, I think it's a big factor na panganay ako sa aming magkakapatid, so 'yong nurturing, 'yong caring, pagiging carin,g nasa personality ko na talaga.

"So, makalinga ka, maalaga ka, maasikaso ka sa lahat. And kung kaya kong gawin 'yon sa ibang bata, ano pa sa dugo ko, ano pa sa kung sa sariling anak ko, di ba?"

Pero ang pinakalamalaking adjustment ay noong nag-shift siya ng priorities. Kung dati, sarili lang niya ang kanyang aatupagin. Ngayon, si Gummy na ang kanyang focus.

Paliwanag ni Bettina, "Siyempre nanay ka na, 'yong priorities mo... hindi siya actually shifting priorities pero mas focused ka na on the long-term things. Like, hindi ka na lang ngayon kapag kumita ka ng pera na, 'Uy, ano kaya pangsa-shopping ko? Saan ko kaya 'to gagastusin?'

"Iniisip ko siyempre saan siya mag-aaral, iniisip ko 'yong health niya na you have to prepare this, everything, for anything can happen in any given time, di ba?

"So, parang mas ano ka lang sa buhay, mas excited ka, mas driven ka.

"Siguro, the most major change that Gummy brought about in my life is that 'yong drive ko sa buhay na mas pursigido ako ngayon na gawin lahat.

"And na-realize ko, because of Gummy, I realized I have so much things, other talents I can use and do to make a living, like baking. Dati, bake lang ako for fun lang, and then now finally I turned it into a business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi feeling ko kung wala si Gummy hindi ko siya gagawing negosyo kasi hindi ko naman kailangan ng extra whatever, di ba?

"E, kapag magulang ka and you're a single parent, you make the best out of every opportunity that comes your way. Kahit pa sobra-sobra na 'yong mayro'n ka, when you know in a fact na you have to prepare for something na not for yourself, e, para sa anak mo, so, you have to be ready always."

HANDS-ON MOM. Very hands-on siya pagdating sa pag-aalaga sa kanyang anak.

"I still breastfeed, my baby sleeps beside me and I give her bath," nakangiting nabanggit sa amin ni Bettina.

"Kasi quality time namin 'yon, e, 'yong ako 'yong nagpapaligo sa kanya, ako nagbibihis, ako lahat.

"Although when I go to work, I always leave Gummy either with my mom or with my lola. The yaya is there literally, to look after her and to look after her things.

"Pero pagdating sa bata, ako talaga, kami ng nanay ko, and ng lola ko."

Ano ba ang sikreto para mabalanse ng mga magulang ang kanilang oras sa trabaho at anak?

"Alam mo, hindi ko alam.

"Parang for one it's a lot of prayer. Kasi I pray that God will give me time for everything na very fortunately naman, nangyayari.

"Like last year, I was shooting for Segunda Mano, I'm shooting for #MyCactusHeart, and I have Lumayo Ka Man Sa Akin, pero for some reason, nagagawa ko lahat.

"I breastfeed but when I'm at work I pump. And there are times that I have a long break, I can go home to see her, and at night, I go back when she's sleeping already.

"'Yon lang, siguro when you pray a lot, and when you ask God naman He will give you... when you ask for the grace to do everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Secondly, time management skill lang na Siya din naman ang nagbigay. It is one gift that I'm very proud that I have.

"I count my hours, I count what I have to do, if there's something I have to do, even I lack sleep if there's something I have to do, I will do it, kahit wala akong tulog."

THE CHILD'S FATHER. Proud single parent si Bettina.

Dagdag pa niya, "very single, single parent— single person, two parents kasi nanay ako, tatay din ako."

Kahit pa noong nagbuntis siya'y wala sa tabi niya ang ama ng kanyang anak na hindi na niya pinangalanan.

Aniya, "I try to avoid talking about his identity because he doesn't play the role of a father to my daughter anyway.

"But it's also okay to talk about 'the father' because ang daming tumatayong tatay sa anak ko.

"More than me being the mother, ako din ang father, my brothers, my dad, all my friends and family, we're all Gummy's father."

Bagama't siya ang tumatayong ama't ina sa kanyang anak, hindi naman hirap si Bettina.

Giit pa niya, "Alam mo, kung mahal mo 'yong anak mo, kung mahal mo 'yong ginagawa mo, hindi mo mararamdaman 'yong pagod, 'yong hirap, 'yong puyat, kasi you do it for someone you love.

"So, you don't mind doing it all."

Kaya naman ang mensahe ni Bettina sa first birthday ng kanyang anak na si Gummy: "Anak, alam mo mahal na mahal kita!

"Well, I'm sure you're not gonna have any memory of this, but take it from mommy, it is one way of thanking the people who loved you and have so much love, care and affection for you.

"This is my thank you for them, and nasabit ka lang dito anak, okasyon mo lang ang ginamit ni mommy.

"But, I love you so much, anak, and mommy will do everything for you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN