Senator Bong Revilla saddened by current state of executive and justice departments

IMAGE 0


Senator Bong Revilla on their family crisis: "Alam mo, maraming dumating na bagay...mga pagsubok sa buhay ko. Basta palagi kang nagdarasal. Hindi ka siguro bibigyan ng pagsubok katulad ng pinagdaanan namin kung hindi mo kaya."


Nalulungkot si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kaguluhang nangyayari sa executive at judicial departments ng gobyerno ngayon.

"Magiging senator-judge kasi ako kaya hindi ako puwedeng mag-comment, pero nakakalungkot ang nangyayari sa bansa natin," pahayag ni Senator Bong.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Bong sa presscon ng filmfest entry nila ni Marian Rivera na Panday 2 kaninang tanghali, December 14.

Ano naman ang masasabi niya kay dating Pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na naka-hospital arrest ngayon dahil sa bintang na election fraud?

"Siyempre, nalungkot din sa nangyari. Sa hinaharap nila ngayon," maiksi niyang tugon.

Kaalyado ni Senator Bong si GMA sa partidong Lakas-Kampi-CMD.

AMA, ANAK, ASAWA. Kinumusta rin ng PEP sa actor-politician ang relasyon nila ng asawang si Lani Mercado-Revilla, na nanunungkulan naman bilang kongresista sa Cavite.

Bumoto si Lani laban sa impeachment ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Nagpapahiwatig ito na hindi niya pinapanigan si President Noynoy Aquino.

"She's doing very well as a politician, public servant," sagot ni Bong.

"Nakita ko ang galing niya at puso sa trabaho.

"Kumbaga, maraming nagku-comment na magaling si Lani at mas magaling pa sa akin.

"Dapat lang!" natatawang pagmamalaki ni Senator Bong sa asawa.

Pagdating naman sa anak na si Jolo Revilla, inaalalayan din niya ito na nasa pulitika rin—bilang barangay captain sa isang bayan sa Cavite.

"Nandito kami palagi sa kanya. Nasa tamang edad na siya.

"Basta huwag siyang lilihis. Sa tama lang siya," saad ni Senator Bong.

Sa problema sa bansa at problema sa pamilya, paano lumalabas ang pagiging ama niya?

"I'm a tough father pagdating sa pamilya ko. Kailangan ko ding good father para sa kanila.

"Kaya sa lahat ng oras, sinasabi ko sa kanila, basta sa lahat ng pagsubok sa kanila, basta titingnan nila parati ang tama," pahayag niya.

Ano naman ang personal wish ni Senator Bong ngayong Christmas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong maging masaya ang Pasko ng father ko," tugon niya.

Sa pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya bunsod ng pagpatay sa half-brother niyang si Ramgen Revilla, saan humuhugot ng lakas at tibay ng loob si Senator Bong?

"Alam mo, maraming dumating na bagay...mga pagsubok sa buhay ko.

"Basta palagi kang nagdarasal.

"Hindi ka siguro bibigyan ng pagsubok katulad ng pinagdaanan namin kung hindi mo kaya," saad ni Senator Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN