Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion movie shelved

IMAGE 0

The long-awaited reunion movie of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion will not happen this year. The ex-couple decided to shelve the movie since Gabby's wife, Genevieve Yatco Gonzales, is about to give birth to their second child.


Ang muling pagtatambal nila sa pelikula ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion ang isa sa mga inanunsiyo ni Sharon Cuneta nang pumirma siya ng kontrata sa TV5 noong nakaraang taon.

Sinabi ni Sharon sa mga interview sa kanya noon na matutuloy sa first quarter ng 2012 ang movie project na pagbibidahan nila ni Gabby.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ang huling kaganapay ay: Hindi na matutuloy ang inaabangang movie team-up ng ex-couple.

Si Sharon din ang nag-announce nito sa guest appearance niya sa Wil Time Bigtime noong Sabado, January 28.

Si Sharon ang special guest co-host ni Willie Revillame sa "Kantanong" segment ng programa.

Napag-usapan ang pagkaka-shelve ng pelikula nina Sharon at Gabby dahil sa text message na ipinadala ni Gabby habang ongoing ang show ni Willie sa TV5.

Ipinabasa ni Willie kay Sharon ang text ni Gabby, at dito nagpasya ang Megastar na sabihin sa televiewers ang nangyari sa pelikulang gagawin dapat nila ng dating asawa.

Pagtatapat ni Sharon,"Hindi po matutuloy yung pelikula, kasi manganganak ang misis niya."

Ang misis ni Gabby ay si Genevieve "Ginbee" Yatco Gonzales. Ang isisilang ni Ginbee ang pangalawa nilang anak ng aktor.

Sabi ni Willie, "May misis pala si Gabby... Hindi ko alam, e. Tuwing nakikita ko siya, nag-iisa palagi."

Sagot naman ni Sharon, "Oo, napakabait na babae."

Pagkatapos ay muling nag-text si Gabby at ipinabasang muli ni Willie kay Sharon ang mensahe nito.

Sabi ni Sharon, "Kaya ko ba raw na makipag-back-to-back sa bagong Concert King?

"Ang kapal talaga—sa bagong Concert King na si Willie?

"Hindi ako ang nagbansag sa kanya [Gabby] ng ganyan... Concert King si Martin.

"Insecure na insecure na si Martin kay Gabby ngayon. Dyusko!

"Hindi ko kayang makipag-back-to-back.

"Manganak muna yung misis mo. I-enjoy mo muna ang iyong pamilya.

"Saka na tayo mag-usap ng pelikula."

Makalipas ang ilang minuto, muling nagpadala si Gabby ng text message kay Willie na ipinabasa uli nito kay Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mensahe ni Gabby kay Willie: "Next year na lang. Wala siyang [Sharon] panahon. Mag-promote muna siya ngayon ng bagong show..."

Reaksiyon naman ng Megastar, "Ako pa ngayon? Ang ganda! Ay sorry, message pala kay Willie 'yon. Okey, marami akong panahon."

Huling nagkasama sa pelikula sina Sharon at Gabby noong 1992, sa Tayong Dalawa ng Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN