PART 1. Sharon Cuneta on her rumored P1-billion contract: "Malaking halaga siguro, pero let's just say, kung ano man yung kikitain ko...hindi ko first time ma-meet."

IMAGE 0

Sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 kaninang hapon, Nobyembre 27, inusisa ng radio-TV host Cristy Fermin si Sharon Cuneta (in photo) kung gaano kabigat sa kalooban nito ang paglipat sa Kapatid network?

"Yung pagmamahal ko sa dati kong pamilya, hindi na mawawala yun kasi 23 years po yun at mahigit sa kalahati ng buhay ko. Siguro, I just felt, yung timing siguro ang tumama kasi...I was ready for big changes. Tapos bigla namang may dumating.


Isang tell-all interview ang pinaunlakan ng pinakabagong Kapatid star na si Sharon Cuneta sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 kaninang hapon, Nobyembre 27.

Sa segment ng show na "Caught By Cristy," isa-isang inusisa ng beteranong radio-TV host/columnist na si Cristy Fermin ang Megastar tungkol sa mga kadahilanang humantong sa kanyang pangingibang-bakod.

Panimula ni Cristy, "Napakatagal na pong panahon nating pinag-uusapan mga kapatid ang nakatakda niyang paglipat sa ating istasyon.

"Pero kung kelan natin hindi inaasahan, ang sabi January 6 pa, pero heto na po siya, ang bago naming kapatid, ang nag-iisang Megastar, Ms. Sharon Cuneta."

At ang masayang sagot naman ng Megastar ay, "Hello po 'Nay! Magandang hapon po sa inyong lahat mga kapatid. 'Nay, long time no see."

THE REASON WHY. Kasunod namang inusisa ni Cristy si Sharon kung gaano nga kabigat sa kalooban nito ang pagtalikod sa isang bakuran at paglundag sa isang baguhan?

Paliwanag ni Shawie, "Yung totoo po, 'Nay, ang tagal-tagal kong ipinagdasal.

"Humingi talaga ako ng signs, kumbaga tinimbang ko talaga po nang mabuti."

"Yung pagmamahal ko sa dati kong pamilya, hindi na mawawala yun kasi 23 years po yun at mahigit sa kalahati ng buhay ko.

"Siguro, I just felt, yung timing siguro ang tumama kasi...I was ready for big changes."

"Tapos bigla namang may dumating. Meron ng solid na offer...meron na, so binuo.

"Hanggang sila ni Atty. Ray [Espinosa, TV5 President], nakabuo na ng...hanggang sa nung hinarap sa akin, siyempre there were details, minsan nagmi-meeting kami, umiiyak pa ako, yung ganon, dahil you know me."

Emosyonal daw si Sharon sa mga pagkakataong yun.

Dagdag pa niya, "Emosyonal ako. I don't want to give the impression na hindi ako masaya na lumipat ako.

"Masaya ako dahil yung pag-welcome nila sa akin dito very warm, yung mismong package, hindi naman yun yung package mo at eto kalaki ang kikitain mo diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang importante sa akin yung, ang meaning noon, 'Nay, di ba? ''Naniniwala kami sa yo.'"

THE P1-BILLION PESO QUESTION. Sunod na inusisa kay Sharon ang hanggang ngayon ay nanatiling tanong na walang kasagutan: ang diumano'y napakalaking halagang katumbas ng kontrata niya na limang taong pagiging eksklusibong talent ng Singko.

Diumano, aabot ito sa isang bilyong piso.

At kung susumahin ay dalawandaang milyon kada taon, halagang kung may katotohanan ay magbibigay na sa Megastar ng titulong pinakamahal na artista ng Pilipinas.

Ito ay muling nilinaw ni Sharon.

Aniya, "Umiyak ako minsan. Sabi ko, ako yung walang presyo, e. Yung parang, iyak lang ako nang iyak na it was really yung sinabi ko.

"It was the kind of freedom I was looking for, freedom in terms of artistic, you know, creative control and ganyan.

"Pero, more than that, totoo yun, 'Nay, talagang ano, sabi ko nga kasi ang pangit naman to confirm or deny the amount.

"Pero yung akin, kung ano man yung amount, hindi yun yung per se, e, di ba?

"Malaking halaga siguro, pero let's just say, kung ano man yung kikitain ko, 'Nay, hindi ko first time ma-meet."

SHARON AND GABBY REUNION. Sunod na tanong kay Mega ay ang tungkol sa napipintong pagkikita, pagsasama, at muling pagbuhay ng tambalan nila ng ex-husband na si Gabby Concepcion.

Kumusta kaya ang relasyon nilang dalawa sa ngayon?

Kuwento ni Sharon, "Ang masasabi ko, parang cool. Ay, malayo sa dati, naku, civil kami, civil.

"Naglolokohan kami. Sabi niya, tinext niya ako—kuwento ko lang ha, cute naman e—sabi niya, 'Please watch P.S. I Love You,' ganyan-ganyan.

"Sabi ko, 'Ayoko, 'pinaghiwalay nila si Mark at Christine, tsaka hindi na ako si Christine.'

"Niloloko ko. Hindi, kasi naman possessive ako sa movies ko, pero I'm sure maganda yun. Viva yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito na nagtatapos ang unang bahagi ng tell-all interview kay Sharon sa Paparazzi Showbiz Exposed.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN