Gabby Concepcion on Sharon Cuneta's rumored transfer to TV5: "It's a good thing, everybody likes change."

IMAGE 0

Gabby Concepcion (in photo) on daughter KC's relationship problems: "Just like with others, kanya-kanyang intensity 'yon, 'yong intensity niya iba sa intensity of other people who get intrigues. But let us just understand that it's all part of show business. It's a natural thing na nangyayari sa showbiz."


Masayang-masaya si Gabby Concepcion dahil bibigyang-buhay sa telebisyon ang pelikulang P.S. I Love You na ginawa nila noong 1981 ni Sharon Cuneta.

Ipapalabas ang TV version ng P.S. I Love You sa TV5.

Paglilinaw ni Gabby, hindi naman ito talaga remake kundi sequel sa nabitin na love story nina Mark at Kristine—ang mga karakter nina Gabby at Sharon sa nasabing pelikula.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Gabby kagabi, Nobyembre 16, sa presscon ng P.S. I Love You sa Renaissance Tower, sa Ortigas, Pasig City.

Ayon kay Gabby, "Challenging siya, gusto ko siya kasi never akong gumawa ng sequel.

"Usually after ng movie, tapos na. Ito, naging sequel.

"In fact, no'ng tinanong sa akin ng Viva if I wanted to work with Dina, I said, 'yeah, great!' I really thought na gagawin namin na sequel is Katorse."

Nakatambal ni Gabby si Dina Bonnevie sa Katorse noong 1981.

WHY TV5? After 13 years ng pamamalagi sa Amerika, bumalik si Gabby sa Pilipinas noong 2008.

Sa kanyang pagbabalik ay madami ang nag-offer sa kanya ng proyekto, hanggang sa napili niyang pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN.

Disyembre ng nakaraang taon nang matapos ang kontrata ni Gabby sa Kapamilya network.

Ayon kay Gabby, magpapahinga muna sana siya bago pumirma muli ng kontrata.Pero hindi daw ibig sabihin nito'y lilipat na siya ng home network. (CLICK HERE for related article.)

Pero tila nag-bago ang isip ni Gabby.

Nitong taon ay pumirma siya ng kontrata sa Viva Talent Agency, at ang una niyang proyekto ay ang sequel ng P.S. I Love You,na ipapalabas sa TV5.

Naging tahimik ang ginawang paglipat ni Gabby sa TV5, pero paglilinaw niya: "Hindi naman ako pumirma... hindi ako exclusive with TV5.

"Pumirma ako with Viva... Viva created a partnership with TV5 for projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, they're now producing this teleserye for TV5."

Dagdag pa ni Gabby, "I can work with GMA-7, I can work with ABS-CBN.

"But knowing the networks, they will not shoot anything with you unless you're done with your account.

"Siyempre ang peak of interest, if you were the networks, you're getting advertisers for this show, pagkatapos kukunin siya ng kabila, mag-aagawan ng advertisers.

"So, gusto din nila na matapos ka muna bago ka nila kunin sa kabila."

Hindi din naman daw big deal ang paggawa niya ng proyekto sa ibang network, at nakapagpaalam siya ng maayos sa mga executives ng ABS-CBN.

SHARON IN TV5? Paglipat na rin naman ng network ang pinag-uusapan, hindi naiwasan kunin ang reaksiyon ni Gabby sa napapabalitang paglipat ni Sharon sa TV5.

Matatandaang ang reel-life loveteam nila ni Sharon ay naging totohanan, at nagbunga ng isang anak—si Kristina Cassandra Concepcion o mas kilala ngayon bilang KC Concepcion.

Nagsimula ang usap-usapan na paglipat ng Megastar sa Kapatid network nag mag-last taping day na ang huling show niya na Sharon At Home.

Noong Nobyembre 5, Sabado, ang last taping ng nasabing palabas, na napapanood sa Lifestyle Network, isang cable channel na pag-aari ng ABS-CBN. (CLICK HERE for related article.)

Nakarating na kaya kay Gabby ang usap-usapan na ito?

"Oo, nabalitaan ko 'yon," pag-amin ng aktor.

"It's a good thing. Everybody likes change.

"Pero, as long as the change you hope for is for the better, but we don't know, we can only hope that things become better, that's why we keep changing, di ba?"

Pero nang tanungin kung may nabanggit si KC sa kanya tungkol sa sinasabing network transfer ni Sharon, sagot ni Gabby, "Mayro'n akong nababalitaan, pero wala naman ako do'n nang magpirmahan.

"So, hindi ko masasabi. I cannot confirm or deny anything."

"MALAKI ANG TIWALA KO KAY KC". Samantala, nabanggit na rin naman si KC, kinumusta ng entertainment press kay Gabby ang kanyang panganay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maugong kasi ang usap-usapan na break na si KC at ang boyfriend nitong si Piolo Pascual.

Lalo pa nga itong napag-usapan nang biglang umalis si KC patungong Paris upang "hanapin ang kanyang sarili." (CLICK HERE for related article.)

Hindi man direkta ang sagot ni Gabby, siniguro niyang maayos ang lagay ng kanyang anak.

Gayunman, aminado siyang nahihirapan ito sa mga kontrobersiyang kinakaharap sa ngayon.

"Alam ninyo, everybody—whether showbiz or non showbiz—needs to go through certain things, like being in a relationship.

"Ako, siyempre, dumaan din ako sa ganyang relationships.

"People are expecting a lot from KC because people want to see where she's gonna go.

"And siyempre, mahirap para sa kanya 'yon kasi bawat kilos niya napapansin.

"Puwedeng totoo, puwedeng hindi, everybody else is vulnerable with that."

Hirap man, hindi raw lumalapit ang kanyang panganay upang humingi ng advice— isang bagay na nauunawaan ni Gabby.

Pero kung sakali na humingi ng payo ang anak, ang kanyang sasabihin daw ay: "Don't take it too personally, although it's a personal matter."

Paliwanag ni Gabby, "In showbiz kasi everything is public, e.

"You're a public figure, you're a public property. So, you have to share that to the public.

"Just like with others, kanya-kanyang intensity 'yon.

"'Yong intensity niya, iba sa intensity of other people who get intrigues.

"But, let us just understand that it's all part of show business, it's a natural thing na nangyayari sa showbiz."

Bilang ama, natural kay Gabby na masaktan dahil nakikita niyang nahihirapan ang kanyang anak.

Normal lamang sa isang tao ang magkaroon ng isang hindi matagumpay na relasyon.

Ang kaibahan nga lang ni KC, ayon kay Gabby, ay nasa mundo siya ng showbiz.

"Si KC naman, I think, is getting the hang of that, e," pahayag ni Gabby.

"Being young, she grew up na madaming tao, pero she was never involved in it, 'tas siya ngayon ang nagiging topic, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, noong bata 'yan, umiiwas sa tao 'yan, e, naguguluhan, maingay, 'tas ngayon, siya 'yong nilalagay mo sa harap.

"So, seeing that now, masakit sa akin as a parent. I don't want to see her hurt.

"We have to understand also bakit nangyayari 'yon.

"Magnified lang 'yan, kasi it was scrutinized by the people in the industry, e, especially if you're in the limelight.

"It happened to the people who work at the office, the lawyers' office, the hospital, and whatever, pero hindi lang sila nadya-diyaryo.

"Pero otherwise, showbiz kasi, napakaliit na bagay lang lumalaki.

"Ang isang bagay na balewala sa isang tao, nagiging big deal."

Ngunit, ano man ang pinagdadaanan ni KC ngayon, ang mensahe niya sa anak ay:

"Malaki ang tiwala ko kay KC.

"She's very intelligent.

"I know her emotions, she can control that.

"Sabi nga nila, hindi ka bibigyan ng ganyang problema ng Panginoon kung hindi mo kakayanin.

"At sa tingin ko, hindi problema 'yon.

"Well, dahil sa dinaanan ko, parang ano 'yon... I mean, it's just a love story, parang pelikula lang 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN