Is Sharon Cuneta moving to TV5 by January 2012?

IMAGE 0

Bagamat hindi itinanggi ni Sharon Cuneta na bukas siya sa anumang posibilidad sa kanyang karera ngayon, tumitibay ang hinala ng marami na lilipat na siya sa TV5 next year. Wala na kasing shows si Megastar sa ABS-CBN. Wala ring balita tungkol sa kanyang upcoming projects sa Kapamilya Network. Ito na nga kaya ang senyales na tuluyan na siyang lilipat sa TV5?


Matagal nang pinag-uusapan ang hinihinalaang paglipat ni Sharon Cuneta mula ABS-CBN patungong TV5.

Noong Oktubre 16, 2011, lumabas ang artikulo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Melba Llanera tungkol sa pagharap ng Megastar sa naturang isyu. (CLICK HERE to read related article)

Bagamat walang inamin o pinabulaanan ang batikang singer-actress sa kanyang interview, tila lalong nagkaroon ng linaw ang kwentong ito dahil sa bagong balitang ipinarating ng isang mapagkakatiwalaang source sa PEP kani-kanina lamang.

Ayon sa source ay naganap noong Sabado, November 5, ang huling taping day ng Christmas specials ng Sharon At Home sa isang location sa Ayala, Alabang.

Ang naturang lifestyle program ay umeere sa Lifestyle Network, isang cable channel na pag-aari ng ABS-CBN.

Ito raw ay hudyat na tuloy na ang paglipat ni Megastar sa TV5.

Sa December 17 eere ang naturang last episode ng programa.

Sa January 2012 naman ay mag-e-expire na ang kontrata ni Sharon sa ABS-CBN.

Kuwento ng source via text message, natapos ang taping ng hindi binabanggit ng mga staff na iyon na ang huling taping day nila.

Ang naging rason daw kung bakit tinapos na ang show ay dahil lilipat na nga ang Megastar sa TV5.

Hindi naman daw nagkuwento si Sharon ng detalye tungkol sa napapabalitang paglipat.

Subalit naging maganda daw ang paghihiwalay nila ng mga staff, na masaya pang nagpa-picture sa Megastar.

NO MORE EXISTING PROGRAMS IN ABS-CBN. Sa kasalukuyan ay wala ng existing program ang Megastar sa Kapamilya network.

Noong October 8 ay nagwakas NA ang Biggest Loser Pinoy Edition sa ABS-CBN, isang franchise reality show hosted by Sharon.

Wala pa ring anunsyo kung ano ang mga naka-lineup para kay Sharon sa darating na taon.

Ang reality singing contest naman na Star Power, na napipintong magkaroon sana ng ikalawang season, ay nag-kansela na rin ng audition schedules, ayon sa isa pang PEP source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi kinumpirma ng ikalawang source na ito ang dahilan ng pagka-kansela ng auditions, tila lalo namang tumitibay ang haka-haka tungkol sa paglipat ng home studio ni Sharon.

MANAGED BY BOSS VIC. Dagdag pa rito, ayon sa iba pa ring PEP source, makikita sa management team na nakapalibot kay Sharon kung ano ang direksyon ng kanyang career sa ngayon.

At sa ngayon nga raw ay co-managed na si Sharon ng dalawang tao.

Isa ay ang matagal na niyang manager, ang well-liked at professional na si Sandra Chavez.

At ang pangalawa ay ang taong naggiya sa career ni Sharon nuong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz—si Vic "Boss Vic" del Rosario ng Viva Entertainment Inc.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil daw malapít si Boss Vic sa TV 5—ito ang nagdala kay Willie Revillame sa Kapatid channel matapos iwanan ni Willie ang Kapamilya channel—hindi malayong lumipat na roon ang Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN