KC Concepcion clueless about mom Sharon Cuneta's rumored transfer to TV5; refuses to answer questions about Piolo Pascual

IMAGE 0

KC Concepcion's brief answer when asked about her lovelife: "Malalaman niyo rin sa takdang panahon."


Saglit lang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si KC Concepcion kaninang tanghali, Nobyembre 22, sa Crowne Plaza, Ortigas Avenue, Pasig City.

Naroon si KC, isang ambassador ng World Food Programme (WFP), para sa partnership ng WFP at Julie's Bakeshop sa isinusulong na adbokasiya ng United Nations.

Matapos magsalita si KC tungkol sa kanyang mga naging karanasan sa feeding program ng WFP, nanatili lang siya ng ilang sandali sa kanyang kinauupuan.

Maya-maya ay lumabas na sa silid si KC kasama ang kanyang road manager at dalawa pang staff ng WFP.

Akala ng media ay magkakaroon pa ng panahon para makapanayam ang singer-actress, subalit dumiretso na ang kanilang grupo sa basement at saka umalis sa venue.

Dahil wala na ring panahon, tinanong na ng media si KC habang hinahabol siya patungong elevator.

RUMORED TRANSFER. Una na rito ang kanyang reaksiyon tungkol sa napapabalitang paglipat ng kanyang ina na si Sharon Cuneta mula sa ABS-CBN patungong TV5.

Tila walang alam tungkol dito ang panganay na anak ni Sharon, dahil ito ang naging sagot niya: "Ay, wala pa po akong naririnig."

Nang tanungin naman kung ano ang masasabi niya tungkol dito, sinabi ni KC, "Wala pa po siyang [her mom] kinukuwento sa akin. Siguro hinihiwalay lang niya 'yong...

"Whatever makes her happy, magiging masaya din ako."

MUM ABOUT HER LOVELIFE. Samantala, hindi na nakapasok ang media sa loob ng elevator na sinakyan ni KC at ng grupong kasama niya.

Subalit isa sa mga reporter na nakasama sa elevator ay ang PEP contributor na si Arniel Serato.

Sa loob ng elevator ay tinanong ni Arniel si KC kung kumusta na ang kanyang puso.

Ngumiti lamang daw ang Kapamilya artist.

Nang muling kumustahin ng reporter ang kanyang puso, sumagot si KC ng: "Malalaman niyo rin sa takdang panahon."

Matatandaan na bago umalis si KC patungong ibang bansa noong Oktubre, may bali-balitang tapos na ang relasyon nila ni Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related article.)

Subalit sa isang larawan na ipinadala sa PEP, makikita namang magkasama ang dalawa sa New York, kung saan sila nagkaroon ng concert series.

(CLICK HERE to view photo.)

Pero sa nakaraang 22nd Ad Congress sa Camarines Sur ay marami ang naintriga sa naging pahayag ni KC bago siya mag-perform.

Aniya, "To love is sometimes to let go."

Pagkatapos nito ay inawit niya ang heartbreak songs na "Almost Over You" at "Tell Me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN