Sharon Cuneta on her rumored transfer from ABS-CBN to TV5: "I haven't met with anybody yet but I'd like to give myself a chance."

IMAGE 0

Inamin ni Sharon Cuneta na hindi siya nagsasara ng pinto sa kahit kaninong network. Pero sa ngayon, ay wala pa talaga siyang pormal na nakaka-usap tungkol sa sinasabing paglipat niya sa ibang istasyon.



Matagal nang usap-usapan ang paglipat daw ni Sharon Cuneta sa TV5 sa sandaling mag-expire ang kontrata ng Megastar sa ABS-CBN sa January 2012.

Isa sa mga kwento ay sa ibang bansa pa raw nakipag-meeting si Sharon sa ilang executives ng TV5 para pumirma ng kontrata.

May bali-balita din na pumunta daw si Gabby Concepcion, dating asawa ni Sharon sa finale ng Biggest Loser, a few weeks ago, para kumbinsihin daw ang Megastar na tuluyan na ngang iwanan ang ABS-CBN at maging parte ng Kapatid network.

When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Sharon, inamin ng Megastar na hindi siya nagsasara ng pinto sa kahit kaninong network. Pero sa ngayon, ay wala pa talaga siyang pormal na nakaka-usap tungkol sa sinasabing paglipat niya sa ibang istasyon.

"So far yah. I'm here, I haven't packed my things. I'm again being managed by Boss Vic del Rosario and I'm very happy about that; he's co-managing me with Sandra Chavez.

"Parang it's a little bit of a homecoming for me sa Viva. I'll do projects with them, pati recording later on. I'll do a big concert with Martin Nievera for the first time—a back to back—it's called Once in a Lifetime in Araneta on Ferbruary 11. I [also] have a concert in New Zealand next month," sabi ni Sharon.

"But back to the issue... At this point, I haven't been, I'm waiting for Boss Vic and Sandra to tell me what the actual situation is. I will need to sit down with them and see what's happening.

"Tapos, I'll be happy to sit down and hear what other people will offer me. So far, I have no reason yet to leave ABS. Kumbaga I haven't met with anybody. Let's see, that's the most honest answer I can give.

"I haven't met with anybody yet but I'd like to give myself a chance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad naming tinanong kung nakalinya pa ba niyang gagawin sa susunod na taon ang Star Power at Biggest Loser.

"Honestly, I cannot comment also at this point," aniya.

MOVIE. Isang pelikula ang gagawin ngayon ni Shawie under Star Cinema. Sa storycon ng pelikulang pagsasamahan nila Gerald Anderson, Julia Montes at Enrique Gil, masayang kinuwento ng Megastar ang tungkol sa nasabing pelikula and how excited she is to do a movie again afater a long while.

"Mga anak ko yan sa pelukila, sila Maja, sila Julia, Enrique, tapos si Gerald. Siya yung magiging friend ko sa call center. It's a family movie e.

"Mapipilitan akong magtrabaho sa call center dahil naaksidente ang asawa ko. Before that, trabaho ako nang trabaho, parang super achiever.

"Tapos yung asawa ko is keeping the family together, until may trahedya so nung nag-focus na ako sa pamilya ko dahil kailangan na, wala pala akong masyadong relationship with each of my children.

"Hanggang sa kailangan ko pang magtrabaho sa call center, parang total demotion... Medyo mataas na yung position [ko before] pero yung blessing dun is makikilala ko sila Gerald.

"Ang dami kong matutunan sa kanila, para akong nagkaroon ng dalawang pamilya pero siyempre, may mga iba pang nakakatuwang parts.

"I miss [making movies] very much. Kanina nga, nagkukuwentuhan kami, kinukuwento ko yung mga experiences nung [ginagawa namin yung] Caregiver, kasi si Elma rin yung producer ko dun so tawa lang kami nang tawa.

"It's really exciting for me, I like working with new people. Direk Lauren Dyogi and I have been good friends in Biggest Loser and he's directing me for the first time."

DOWN BY THREE. Kasabay din ng pagpayat ng mga nanalo sa Biggest Loser ay ang pagpayat ni Sharon Cuneta as host ng show.

"I'm down 3 [sizes] so far. Smart eating, conscious eating, then you give yourself a break, every now and then. Today I had an apple 'cause I needed sugar, just for today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The treatment at Marie France also helps speed up my metabolism. I also cut down on my carbs."

Kinumusta din namin kay Sharon ang adopted son niya na si Miguel, at sila Frankie at Miel. Consistent si Megastar na ayaw niya muna payagan ang mga anak na pumasok sa showbiz sa mura nitong edad at gusto niya munang magtapos ng pag-aaral gaya ng panganay na anak na si KC.

"[Miguel] is turning two at the end of the month. Very, very smart, very happy and very handsome. I'm blessed with my kids.

"Kung papayagan ko silang mag-showbiz? Hindi... No need naman, hayaan nila muna ako ang magtrabaho. Mayroon na noong mga offers na di kami pumayag.

"Fom KC's time to Miel's, no, school muna. After school, bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin, basta yun lang ang hinihingi namin.

"Commercials once in a while, guesting-guesting. Ang hirap na kasi na pinanganak ka na ang Tatay mo nasa pulitika tapos Nanay mo nasa showbiz. Give them some degree of normalcy, that's my opinion lang naman. Bigyan mo sila ng choice, pag gusto nila okay, pero pag ayaw, di mo sila pinilit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN