Megastar Sharon Cuneta is now a Kapatid

IMAGE 0

"Mixed emotions." This was how Megastar Sharon Cuneta said she felt when she arrived at the TV5 office this afternoon, November 22. She signed a five-year-contract with the network, which includes a daily show, a reality show, and a movie project.

(Below, L-R) Sandra Chavez, TV5 President and CEO Atty. Ray Espinosa, Sharon Cuneta, TV5 COO Robert Barreiro, and Vic del Rosario.


Nabigyang kasagutan na rin sa wakas ang ilang linggo nang usap-usapan tungkol sa paglipat ni Megastar Sharon Cuneta mula sa ABS-CBN patungong TV5.

Kaninang hapon, Nobyembre 22, malugod na sinalubong ng mga empleyado ng TV5 ang pinakabago nilang "kapatid."

"Mixed emotions" daw ang nararamdaman ng award-winning singer-actress nang tumuntong siya sa opisina ng TV5 sa Marajo Tower sa Bonifacio Global City, Taguig.

Five-year contract ang pinirmahan ng Megastar sa Kapatid network, ayon sa TV5 News.

Nakapaloob daw sa kontratang ito ang isang daily show, isang reality show, at isang pelikula.

Kabilang sa mga humarap sa contract signing ay ang TV5 president and CEO na si Atty. Ray Espinosa, TV5 chief operating officer Robert Barreiro, at ang mga tumatayong talent managers ni Sharon na sina Sandra Chavez at Vic del Rosario ng Viva Artists Agency, Inc.

Nang tanungin kung bakit wala si TV5 chairman Manny V. Pangilinan, pabirong sumagot si Sharon, "MVP is supposed to be here but there's too much Pangilinans already."

Nitong mga nakaraang araw, may mga usap-usapan na P1 billion ang magiging talent fee ng Megastar.

Subalit nang subukang kumpirmahin ito kanina, hindi daw umimik si Sharon at TV5 executives.

Sa halip, ngumiti lamang sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN