Jericho Rosales says comparisons to Piolo Pascual in their new soap is inevitable

IMAGE 0

"Inisip na lang naming dalawa na mag-focus kami do'n sa teamwork namin. Kung gusto ninyo kaming ikumpara, ikumpara n'yo na lang kami kay Sir Boyet para takot talaga kami," says Jericho Rosales on the possibility his acting will be compared with Piolo Passcual's.


Pormal na ipinakilala si Jericho Rosales kaninang tanghali, November 24, bilang endorser ng Vantage double-bladed razors sa isang presscon sa Area 05 sa Tomas Morato, Quezon City.

Bago ang panayam ay nagpaunlak ng dalawang kanta si Echo (palayaw ni Jericho) na inialay niya sa ilang miyembro ng press na naroon at para na rin sa lahat ng dumalo.

Birong tanong kay Echo: Ngayong endorser na siya ng pang-ahit, ibig bang sabihin nito ay magiging "matalas" na rin siya pagdating sa pag-ibig?

"Alam mo, 'yan ang isang bagay na pinapapurol ko, e.

"Ang dami ko na kasing past relationships, kaya ang plano ko talaga, medyo susuwabehin ko lang ngayon," pabiro rin niyang sagot.

Pero sa tingin ba niya, he deserves to be happy? Ibig sabihin, magkaroon ng taong magmamahal at minamahal?

"Everybody deserves to be happy," bawi niya.

May bukod-tanging babae ba ngayon sa kanyang buhay?

Sagot ng aktor, "Mero'n naman... mero'n naman akong ano... pero inuuna ko na lang muna yung trabaho ko.

"Ayoko mapunta yung buhos ng attention ko sa lovelife ko, e.

"I have a lot of ano...marami akong kailangang i-prove.

"Ayokong mag-focus yung attention sa lovelife. Pero, it's important to be happy."

WHAT WOMEN PREFER. Ano ba ang mas gusto ng babaeng kanyang nahahalikan—yung nakapag-ahit o hindi nakapag-ahit?

"E, ano 'yan, e... May mga babaeng gusto yung pag nahahalikan sa pisngi na may konting stubbles.

"Mero'n ding gustong makinis naman.

"Karamihan ng nahahalikan ko sa pisngi, e, nagrereklamo na natutusok sila...

"Mga fans 'to, ha, pag may mga mall shows!" natawa niyang paliwanag.

Pero ganunpaman, ani Jericho, "Advantage talaga na well-groomed ka.

"And ako, mahilig talaga akong magbihis pag may okasyon, katulad nito.

"Pero pag relax lang, a, gano'n pa rin...mahilig pa rin [akong mag-ayos].

"Pero yun ang sinasabi sa 'kin ng mga endorsement ko, na they approach me kasi, 'We like your style. Gusto namin yung dating mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay, good. Rock and roll!"

ECHO VS. PIOLO? Samantala, maugong na ang balita tungkol sa teleseryeng pagsasamahan nina Jericho at Piolo Pascual sa ABS-CBN, ang Padre de Pamilya.

Kasama rin nila sa nasabing teleserye ang premyadong aktor na si Christopher "Boyet" de Leon.

Hindi pa man ito nag-uumpisang ipalabas sa telebisyon, may mga nag-aabang na sa magiging tagisan ng pag-arte sa pagitan nina Echo at Piolo—na itinuturing na dalawa sa pinakamahuhusay na aktor ng kanilang henerasyon.

Pero ayon kay Echo, "Di naman namin maiwasan na ikumpara kaming dalawa, e. Especially ang tagal naming di nagkakatrabaho.

"Inisip na lang naming dalawa na mag-focus kami do'n sa teamwork namin.

"Kung gusto ninyo kaming ikumpara, ikumpara n'yo na lang kami kay Sir Boyet para takot talaga kami!" natatawang pakiusap ni Echo.

Dagdag niya, "But, a...pagdating sa work, hindi rin ako magiging effective kung hindi effective yung katrabaho ko.

"So, mag-aano lang din ako...magdidepende lang din ako sa performance ko, sa performance ni Piolo, at sa performance ni Sir Christopher. And vice versa.

"Kasi, if not, baka lumabas na OA [over-acting] ako. O, baka lumabas na OA si Piolo.

"Or, under [acting ako] o... It's all about the balance, kung papa'no namin gampanan yung demands ng roles namin sa soap opera.

"Especially now, when I went to New York, di ba?"

(Nag-aral ng acting si Jericho sa New York Film Academy.)

Patuloy ng aktor, "Ang tawag do'n 'rehab', e. Pagdating sa acting. Ang daming pangit na tatanggalin do'n.

"For example, once you step... pagpasok mo sa isang eksena, di mo maiaalis dito sa atin, na yung ibang mga artista, may hawak na cell phone.

"Or, let's say, conscious na conscious sa paligid nila, that's bad habit.

"What we do [now] is, pagpasok mo, kalimutan mo na yung sarili mo.'

"'Yan ang ginagawa ko with Piolo ngayon. Gano'n talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Wag mong isipin yun. Parang...at least, 'wag mong iisipin na, 'Ikukumpara ako. Mas magaling ako. Ia-outshine ko 'to.'

"Actually, it's bad.

"Tsaka yung roles namin, magkaiba.

"Dito ano... hindi naman yung magugulat kayo, pero iba yung role ko dito.

"Ibang klaseng character ipo-portray ko dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN