Cogie Domingo to file complaint against a man who allegedly beat him up

IMAGE 0

"Physical injury with damage to property siguro. Yun ang naiisip naming kasong isasampa," says Cogie Domingo about the case he is planning to file against a man who allegedly beat him up.


Last Sunday, November 27, lang nakapag-promote si Cogie Domingo ng bago niyang serye sa TV5, ang P.S I Love You, sa showbiz-oriented talk show na Paparazzi.

Hindi nakadalo noong naunang linggo ang aktor na naging dahilan para pagdudahan na maaaring bumabalik ito sa pagiging unprofessional.

Pero nasangkot pala sa isang away si Cogie kaya hindi ito nakasipot sa scheduled interview niya.

At kaya pala naka-shades itong humarap sa camera ay dahil namamaga pa ang kanang mata nito mula sa pagkakasuntok.

THE INCIDENT. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cogie, pagkatapos ang live guesting niya sa Paparazzi, inilahad nito ang kinasangkutan niyang gulo.

"Sa Ayala, Alabang yun. Bahay ng kaibigan namin, common friend..." banggit ni Cogie kung saan naganap ang insidente.

"It so happened na pamangkin yun no'ng common friend namin," sabi ng aktor, na ang tinutukoy naman niya ay ang lalaking nambugbog daw sa kanya.

"After no'ng nangyaring yun, sabi no'ng common friend namin, 'Dini-disown ko na yun. Hindi ko na siya itinuturing na pamangkin.'

"Pina-blotter na raw niya para hindi na raw makapasok ng village nila dahil sa ginawa nila.

"Hindi na sila on good terms na dalawa.

"Kasi siyempre, after what happened, parang nabastos na rin siya."

UNEXPECTED. Base sa natatandaan ni Cogie, kaswal lang ang pagpasok niya sa bahay ng kanilang common friend kung saan nandun ang lalaking nambugbog sa kanya.

Kuwento pa ni Cogie, "Pagpasok ko ng bahay, nakita ko sila, ipinakilala ako sa kanila...

"'A, hello, hello!' Handshake.

"Pagkatapos kong makipag-handshake, biglang sumuntok nang ganun. Tapos hinawakan ako nung isa.

"Pati yung isa, hinawakan ako.

"Sabi ko, 'Bakit, anong problema?'

"'Wala, wala. Parang nag-aano lang. Tara, labas tayo!' sabing gano'n.

"Hinahawakan akong ganun, sobrang higpit. Dinadala ako sa labas.

"Sobrang higpit yung hawak ng kasama niya.

"Kahit anong tanong ko, ang sagot rin lang niya sa akin: 'Anong nagawa mo?! Ano bang nagawa mo?!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tuluy-tuloy lang yun hanggang sa labas."

Sabi pa ni Cogie, wala ni isa man daw ang umawat dahil malalaking tao ang kanyang mga kaharap.

Lahad pa ni Cogie, "Kasi 12 midnight na rin yun, e. Dapat pauwi na rin kami, e, hinatid lang namin si Tita [his common friend] sa kuwarto...

"Walang party, parang get-together lang, parang dumaan lang kami.

"Sunday kasi na nun e. Kasi pag Sunday, nandun ako sa south. Nandun kasi yung mga kaibigan namin, ganun."

Hindi na raw nagawa pang sumigaw ng saklolo o humingi ng tulong ni Cogie.

Paliwanag niya, "Paano akong sisigaw ng saklolo? Sinong tutulong sa akin?

"Ang mga bahay naman sa Alabang, hindi gaya ng ibang lugar na dinig ka kaagad.

"Saka ang naiisip ko nun, 'Anong nagawa ko, bakit siya nagagalit sa akin?' Kasi biglaan masyado."

Hindi rin daw siya nagawang ipagtanggol ng kaibigang kasama niyang pumunta sa Alabang.

"Yung kasama ko naman, late siyang pumasok. Nauna kasi akong dumating, e.

"So, nung pumasok siya doon...nakakatawa nga, e. Parang comedy ang dating.

"Pagdating niya, parang sumingit siyang ganun, para ma-break lang yung atensiyon nung mga tao sa akin.

"'O, bakit? Saan ka pupunta? Sino ka ba?' Ginagano'n siya.

"'Excuse me ho, dadaan lang.' So, nagkaroon ako ng chance na tumakbo sa kotse. Tapos, ni-lock ko kaagad.

"Hindi nila ako naabutan. Yung kotse ko ang inabutan. Sinuntok lang yung kotse.

"Nag-aalala nga ako baka maglabas ng baril, e."

THE MOTIVE. Hanggang ngayon, clueless pa rin si Cogie sa rason kung bakit siya binugbog.

"Hindi ko rin alam," umiiling niyang sabi.

Gustong maniwala ni Cogie na selos ang rason ng pambubugbog sa kanya.

Ayon sa mga kuwentong narinig ni Cogie mula sa mga kaibigan niya, napag-initan siya ng nambugbog sa kanya dahil sa selos.

Kilala ni Cogie ang girlfriend ng lalaking nambugbog sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka puwedeng selos. Pero hindi ko ma-pinpoint, e.

"Ang kakilala ko lang yung girlfriend niya dahil kapitbahay namin dati yung girlfriend niya.

"Pero siya [the suspect], hindi ko kilala.

"Ito ang first time na nag-meet kami. Hindi ko siya personally kakilala."

Hindi naman ipinagkaila ni Cogie na nakakasama rin niyang gumimik ang girlfriend ng bumugbog sa kanya.

"Dati, kasi kaibigan siya ng mga kuya ko, e. Pero matagal na yun, bago pa naging sila no'n," sabi ng aktor.

EFFECT ON HIS WORK. Dahil sa nangyari, naapektuhan daw ang trabaho ni Cogie.

Una, hindi nga siya nakasipot sa promo ng P.S. I Love You sa Paparazzi noong naunang linggo. Magang-maga raw kasi ang mukha niya dahil sa mga suntok.

Sabi pa ni Cogie, "Nahirapan kami sa taping. Nahirapan kaming itago ng makeup yung pamamaga ng mata ko.

"Dinadaya lang yung mga shots.

"Pati yung station ID namin, talagang iniwas na lang akong ma-focus nang malapitan."

Ipina-blotter na raw ni Cogie ang lalaking nambugbog sa kanya at nakapagpa-medical na raw siya.

"Physical injury with damage to property siguro. Yun ang naiisip naming kasong isasampa," saad ni Cogie.

Ipinakita rin ni Cogie sa amin ang larawan ng lalakeng nanakit sa kanya na nakalagay sa kanyang cell phone. May larawan din sa kanya ang girlfriend ng lalake.

Lahat ng ito ay nakuha raw niya sa Facebook.

Nakunan din ni Cogie ng larawan ang mga bahaging nasira sa kotse niya dulot ng panununtok at pagsipa ng nanakit sa kanya at ng mga kasamahan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN