PART 1. Cogie Domingo uses Heath Ledger's Joker as peg for his comeback role

IMAGE 0

Cogie Domingo is excited about about his new role in P.S. I Love You, a new serye onTV5.

"Maganda talaga yung character ko, malalaro mo, ang sarap laruin. Alam mo yung sa Batman, yung character ni Joker, si Heath Ledger, gustung-gusto ko yun, e," he says.


Masasabing comeback project ni Cogie Domingo ang P.S. I Love You ng TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor kamakailan lang.

Una siyang napanood sa Kapatid network sa Inday Wanda.

"Pero ito yung parang first na bonggang maganda yung ...

"Maganda talaga yung character ko, malalaro mo, ang sarap laruin.

"Alam mo yung sa Batman, yung character ni Joker, si Heath Ledger, gustung-gusto ko yun, e.

"Ang galing, mahirap gampanan yung kay Joker. Para sa akin ha, mas mahirap yung kay Joker kaysa kay Batman.

"Si Batman parang laging ganun lang ang boses pero si Joker mahirap yung character niya na parang baliw.

"Parang ganun yung role ko e, parang... mommy ko [portrayed by Melissa Mendez] baliw e, so nasa lahi talaga namin yung pagka-baliw.

"Pero yung akin legal kasi hindi ako... wala ako sa hospital ganun, nasa labas ako, natatago ko, deceiving kumbaga."

Kinopya niya ang pag-arte ni Heath?

"Hindi, pero parang iyon ang peg ko."

Ang P.S. I Love You ay pinagbibidahan nina Gabby Concepcion bilang si Mark at Dina Bonnevie bilang si Kristine.

Kasama rin sa cast sina Alex Gonzaga bilang si Andrea, Kean Cipriano bilang si Jason, AJ Muhlach bilang si Paul, at Nadine Ilustre bilang si Candice.

Kabilang din sa cast si Cheska IƱigo, Candy Pangilinan, Michael Flores, Jaycee Parker, Say Alonzo, Nikki Bacolod, Al Chris Galura, Sarah Polverini, at si Lloyd Samartino.

Totoo ba na malaki ang talent fee sa TV5 kaya nag-desisyon siya na sa Kapatid network magpaka-aktibo muli?

"Ewan ko, parang everything fell into place, parang nagtugma- tugma na lahat.

"Ewan ko, wala na rin naman akong ginagawa sa 7, wala naman din sa 2, obviously.

"So parang sumakto lang lahat na ganun ang nangyari tapos tinulungan ako nila Boss Noel [Ferrer], ganun.

"Nung first si Tito Noel talaga tumutulong sa akin, siya nagpakilala sa akin, nagbigay ng mga project-project hanggang sa dinala ako kay Boss Vic, and then si Nanay Cristy [Fermin] pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Viva na si Cogie ngayon at apat na taon ang kontrata niya dito.

GRATEFUL TO GMA-7. Hindi ba nag-offer muli ang GMA?

"Nagpaalam naman kasi ako nang maayos sa kanila, sabi ko tutal wala na naman pong ano... may naka-line up na kasi sila for that year, hindi naman puwedeng bigla na lang akong ipapasok.

"Hindi pa alam kung saan ka ipapasok kumbaga. So parang ganun.

"Okay lang daw na gumawa ako sa iba kung meron akong trabaho sa iba, okay lang."

Nakailang taon siya sa GMA?

"Matagal po. Sila talaga ang nag-ano sa akin... nag-start dun lahat.

"Pati yung Deathrow, ang umano talaga GMA, kasi GMA Films yun, e.

"Kahit nung nag-start pa lang ako sa ABS dati, nag-try-try ako, tapos sa GMA binigyan talaga ako ng importansiya."

Cogie has been with TV5 for two years. Any regrets leaving GMA-7?

"Wala, wala akong regrets. Ayokong magsisi lalo na nagdesisyon ka na e, tapos magsisisi ka pa sa desisyon mo?

"Mas mabuti pang... wag ka lang gagawa ng ano, don't burn bridges, na may hinanakit ka or ano huwag ganun. Maayos dapat.

"Para anytime na ano, parang si Daddy Tonton [Gutierrez], di ba ganun si Daddy Tonton, kahit saan puwede."

Desidido na ba siya na magtuluy-tuloy?

"Oo naman! Decided na ako, unang-una wala na rin akong... ako na lang mag-isa ngayon, e.

"Hindi na ako... wala na ako sa poder ng mommy ko, talagang kailangang ano."

Aminado si Cogie na dumating siya talaga sa point na naging magulo ang takbo ng buhay niya?

"Gulung-gulo! Gulung-gulo yung isip ko at maraming... ayoko na ring banggitin kasi masyadong personal pero at least ngayon naayos na lahat.

"Yung sa personal life ko, na at least ngayon masasabi ko na kailangan ko lang palang magsolo, kailangan ko lang hanapin ang sarili ko."

GAMBLING AND DRUGS. Hindi iniwasan ni Cogie ang tanong namin ang isyu ng pagsusugal niya at drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang paglalaro wala na, hindi na ako naglalaro, wala na yun.

"Ang drugs matagal na, wala ng drugs talaga. Dati nasubukan ko, ganun-ganun.

"Siguro na-hook ako for a while, sa laro ha, hindi yung drugs."

Ang drugs hindi daw siya nalulon, sinubukan lang niya.

"Oo."

Ang paglalaro ang medyo matagal.

"Oo, for a while kasi mga ano e, mga barkada mo, lahat ganun ang ginagawa.

"Iyon ang sinasabi ko e, pag inalis mo, pag in-eliminate mo lahat ng mga bad habits na... saan ba nanggaling ito?

"Nakikita ko sa barkada ko ganun-ganun kahit na okay sila, mababait. Pero iyon talaga yung ano e, gawain nila."

Umiwas na daw siya sa mga ganung barkada.

"Talagang wala, wala ng barkada."

What made him decide?

"Makikita mo dun e, kasi pagka iniwasan mo na silang lahat, kung sino yung bumabalik sa iyo, mapipili mo ng isa-isa kung sino talaga yung sincere na kaibigan mo talaga."

Siya mismo, paano siya nag-desisyon na ayaw na niya talaga ng bisyo?

"Nagsawa na lang ako. Nagsawa na lang talaga ako. Iyon lang nagsawa lang ako.

"Ayoko na, kahit na dumating sila, yayain ako, nagtatago na ako, nagtatago pa ako, ayokong malaman nila kung nasaan ako."

Ngayon career na siya talaga.

"Oo seryoso na ako sa ginagawa ko. Ito na lang din ang meron ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN