PART 2. Cogie Domingo's next goal—to win an acting award

IMAGE 0

Napag-usapan rin ang love life ni Cogie. Mayroon siyang girlfriend at apat na buwan na daw silang "on."

"Hindi siya showbiz, e," kaya ayaw nang ipabanggit ni Cogie ang pangalan nito. "Babalik siya next week. Nag-aaral siya sa Australia."


Gusto ni Cogie Domingo na magka-acting award.

"Why not? Hindi ko naman ano, makikita [kung] ganun nga ang mangyayari. Pero pangarap ko iyon, oo, why not?" ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sino ang pinakanami-miss ni Cogie sa GMA?

"Si Tita Wilma [Galvante]. Kahit sa mommy ko sobrang ano yun malapit sila, lagi silang nag-uusap."

Sa mga artista, isa si Sunshine Dizon sa nami-miss niya.

"Nakaka-miss din si Shine dahil iba rin yung pinagsamahan namin, parang kapatid ko yun, e.

"Hindi ko talagang nakitang... alam mo yun? Kahit loveteam-loveteam parang kapatid ko yun e. Solid!"

May balitang baka lumipat si Sunshine sa TV5.

"Ah talaga? Hindi ko pa nababalitaan. Sana lumipat. Si Shine ang laking bagay din nun, ang laking bagay ni Shine.

"Ang ano niya sa tao, ang lakas ng magnet niya, ng pull niya sa mga tao, kahit sa mga reporters, kahit sa mga actors.

"At mahusay siyang artista, nakakadala kumbaga."

Nang pumirma ba si Cogie sa TV5, hindi ba siya humingi na bigyan siya ng matinding role at malaking project?

"Hindi, wala akong hininging ganun. I mean, natuwa ako sa in-offer nilang [trabaho].

"Sinabi nila, 'Ganito gagawin sa yo, ganito-ganito.' Naano ako, natulala ako for a while!

"Kumbaga okay ah, nakaplan-out na yung buong gagawin sa iyo, ganun.

"Cool! Para sa akin biglang... eye-opener yun, ito na siguro [ang] inaantay ko, parang ganun ang dating kaya sabi ko I don't have to think twice, talagang iba na ito. Why not di ba?"

LOVE LIFE. Napag-usapan rin ang love life ni Cogie.

"Okay naman, okay naman."

At sinabi niyang may girlfriend siya ngayon. Sino ang girlfriend niya?

"Hindi siya showbiz, e."

Kaya ayaw ng ipabanggit ni Cogie ang pangalan ng GF niya.

"Babalik siya next week. Nag-aaral siya sa Australia."

Gaano na sila katagal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nito lang, bago lang, four months.

"Pero matagal ko na siyang kilala. Dati ko pa siyang kaibigan.

"Actually ex nga ito ng kaibigan ko, e. Yung kaibigan ko... namatay na yung kaibigan ko.

"Naalala ko tuloy yung nangyari kay Angel [Locsin] nun... Sabi ko nangyari na ito dati, ayoko nang maulit."

Mag-on pa sila nung namatay ang kaibigan ni Cogie?

"Oo."

Paano namatay yung lalaki?

"Ah, wag na, wag na nating..."

Siya ba ang naging "shoulder to cry on" ng dalaga?

"Hindi, hindi rin ganun, pero nag-antay ako ng... sabi ko two weeks man lang. O yan, okay na, sige."

Dalawang linggo; matagal na ba iyon?

"Oo! Hindi... bago ko sabihin sa kanya. Kasi patatagalin ko pa baka kung ano na naman ang mangyari, di ba," ang natatawang sinabi ni Cogie.

Noon pa niya gusto ang dalaga?

"Oo, oo.

"Nangyari na yun dati sa akin, ayoko nang maulit iyon kaya ayun, I went for it and okay naman ngayon.

"Siguro talagang ganun, nangyayari talaga lahat ng bagay na may rason."

Kay Angel noon na gusto niya, naghintay siya pero napunta sa iba.

"Oo."

Nag-uusap pa ba sila ni Angel?

"Wala, ngayon hindi na kami nakakapag-ano, e."

Kung sakaling wala sila parehong karelasyon ni Angel, may chance ba?

"Kung ganun lang, dapat dati pa nangyari na.

"Hindi ba parang... ngayon pa? Biglang ano, hindi rin ako maniniwala dun."

WORKING WITH GABBY CONCEPCION. Mina-manage ng Viva si Cogie at ngayon ay mapapanood sa P.S. I Love You na pinakabagong primetime dramaserye ng TV5 na magsisimula na sa Lunes, November 21.

Pinagbibidahan ito nina Dina Bonnevie (as Kristine) at Gabby Concepcion (as Mark).

Kasama rin sa cast sina Alex Gonzaga bilang si Andrea, Kean Cipriano bilang si Jason, AJ Muhlach bilang si Paul, at Nadine Ilustre bilang si Candice.

Kabilang din sa cast sina Cheska IƱigo, Candy Pangilinan, Michael Flores, Jaycee Parker, Say Alonzo, Nikki Bacolod, Al Chris Galura, Sarah Polverini, at si Lloyd Samartino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nakaplano rin daw na pelikula para sa kanya ang Viva...

"Meron din pero hindi ko pa alam kung ano, abangan na lang natin pero meron daw gagawin. I think also with sir Gabby."

Si Gabby ang lagi niyang kaeksena sa P.S. I Love You.

Ano ang pinakamagandang natutunan ni Cogie kay Gabby?

"Sobrang down-to-earth niyang tao. Hindi ko akalain na ganun."

May payo ba sa kanya si Gabby?

"Wala siyang ina-advise talaga sa akin na ano. Masarap lang siyang kausap, masarap na kausap yung tao.

"Iyon natutunan ko sa kanya yung pagiging down-to-earth.

"First day of taping pa lang nagkatabi yung kotse namin, siya pa yung unang kumausap sa akin na, 'O, kumusta, nakatulog ka ba on the way dito?'

"Sobrang gaang kausap. Hindi ko akalain na ganun, sobrang laking tao na ganun pa rin hanggang ngayon ang ano niya sa tao, ang pakikitungo niya.

"Para sa akin mahalaga iyon, e. Kaya siguro tumagal siya sa showbiz."

Bilang huling tanong, paano ilalarawan ni Cogie ang sarili niya ngayon?

"Habang tumatagal, lalong tumatatag!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN