Dingdong Dantes on predictions that he and Marian Rivera will break up next year: "So far, hindi rin naman sila consistent. Dahil ilang taon na ring nagkakaroon ng gano'ng hula."

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on relationship with Marian Rivera: "We're proud of the things na meron kami. Dahil individually and as a couple, may nagagawa kami na hindi nagagawa ng iba. And gano'n din 'yong iba na hindi naman namin nagagawa 'yong nagagawa nila."


Ang PPL Entertainment, Inc. ng talent manager na si Perry Lansigan ang buwena-manong nagbigay ng Christmas party para sa entertainment press.

Ginanap ang kasiyahan kagabi, December 1, sa Windmills And Rainforest sa Sct. Borromeo, Quezon City.

Siyempre pa, present halos lahat ng PPL talents: Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Carl Guevara, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Wilma Doesnt, at Wendell Ramos.

Tanging sina Janno Gibbs at Max Collins ang wala.

Sa party, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong.

Sambit niya, "Masaya rin 'yong ganitong nagsasama-sama hindi dahil sa trabaho kundi para magbigay ng pasasalamat sa press and, you know, just to enjoy each other's company."


DINGDONG'S CHRISTMAS PLANS. Ano ang kanyang plano ngayong darating na Kapaskuhan?

"I just want to stay home," sagot ng aktor.

"And a...'yon lang. Siguro tapos...'yong gitna ng Christmas at New Year, gusto kong pumunta sa malayong lugar ng konti."

Siyempre, kasama ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

"'Yon!" nangiting pagsang-ayon ni Dingdong.

"'Yon lang. Gusto naming magpunta sa Boracay siguro. After Christamas iyon."

Pero 'yong mismong araw ng Kapaskuhan, kasama ba niya ang pamilya?

"Sa family ko. Oo.

"Bale sa Christmas eve, sa amin.

"Tapos sa Christmas day, punta ako sa kanila [Marian]."

Ipagluluto na naman siya ni Marian?

"Feeling ko, ang iluluto niya, midnight snack!" natawang biro ni Dingdong.

"Hindi. Siguro nakatoka 'yong pagluluto sa mga nanay-nanay namin."

May naisip na ba siyang Christmas gift para kay Marian?

"Wala pa. Pero siyempre, a...pag-iisipan kong mabuti iyon."

Hindi ba mahirap mag-isip ng gift para kay Marian? Para kasing halos naibigay na nila ang lahat ng puwedeng mairegalo sa isa't isa.

Ayon kay Dingdong, "Hindi naman, marami pa.

"At hindi naman mahirap ano, e...hindi naman mahirap i-please si Marian, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano ang maliliit na bagay na gusto niya...mas maganda nga 'yon."

Samantala, napag-alaman ng PEP na naibigay na ni Marian ang Christmas gift niya kay Dingdong—isang Ducati motorcycle.

MOVIE AND A SOAP. Sa ngayon, ayon kay Dingdong, minamadali na nila ang shooting ng pelikula nila ni Kris Aquino, ang Segunda Mano, na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival 2011.

"Malapit na kaming matapos. We only have three more shooting days to go.

"And...kami na lang yata ang huling matatapos ng shoot, e.

"Tapos, next year na 'yong soap ko sa GMA 7. My Beloved na ang title no'n," banggit pa ng Kapuso actor.

Balik-tambalan sila ni Rhian Ramos sa My Beloved matapos nilang unang magsama sa Pinoy remake ng Koreanovela na Stairway To Heaven.

Kuwento ni Dingdong, "Nagsimula na kaming mag-taping.

"Hopefully mag-start na ang airing by January. Pero hindi ko pa alam specifically kung anong date.

"Ibang-iba ito sa Stairway To Heaven.

"Medyo may touch of fantasy ito, e. So, it's something that kids can look forward to."

Nagkaroon ng sigalot sa relasyon nila Marian at Dingdong noong panahon ng Stairway to Heaven, diumano dahil kay Rhian. Okey lang ba kay Marian ang muling pagtatambal nila ni Rhian?

Ngunit mukhang wala nang kusot. Sagot ni Dingdong: "Oo."

"Actually, very excited siya para sa akin. Dahil matagal na rin akong hindi lumalabas sa primetime.

"So, 'yon lang."

Nanghihinayang lang nga ang aktor na hindi sila magpapang-abot ni Marian sa primetime ng GMA-7.

Posible raw kasing ang My Beloved ang pumalit sa time slot ng epicserye ni Marian na Amaya.

Dagdag pa ng matinee idol, "Tapos, baka mamaya, after ko, siya [Marian] naman ulit.

"And siyempre, I'm looking forward na magkasama kami ulit.

"Ang tagal na rin naming hindi nagkakasama sa trabaho. Endless Love [2010] pa 'yong huli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG, THE PRODUCER. Nagpu-produce na rin ng pelikula si Dingdong, at isa na nga rito ang pelikula nila ni Kris Aquino na Segunda Mano.

May plano ba siyang mag-produce ng pelikula na silang dalawa ni Marian ang bida?

"A...tingnan natin. Siyempre, mawawala ba iyon? Isa yun sa mga plano ko," sabi niya.

Puwede rin ba silang mag-co-produce ni Marian gaya nila ni Kris?

Sagot ni Dingdong, "Alam mo, whatever will make the industry happy.

"And whatever na pupuwedeng maka-contribute kami, okey ako do'n."

LIVE-IN ISSUE. Wala pa rin ba silang planong pakasal ni Marian?

"A...hindi pa namin napag-uusapan. 'Yong ganyan naman, sa tamang panahon."

Kahit ilang beses na nilang nilinaw na hindi sila nagli-live-in ni Marian, hanggang ngayon ay may gano'ng sapantaha pa rin ang iba sa kanilang dalawa.

Hindi ba niya ikinaiinis 'yong ganitong isyu?

"Hindi naman," nakangiting sabi ni Dingdong.

"Kasi, alam mo, it's okay. Because hindi naman maiiwasan na maisip iyon, e.

"Para sa akin, it's all right.

"But the thing is, sobrang dami naming ginagawa individually.

"Na even if we really want to be with each other every day, hindi 'yon possible.

"So, kailangang lubusin namin 'yong presence ng aming family sa ngayon. Because, you know, right now, they're there for us.

"Hanggang sa ngayon, okey pa naman sa amin [ni Marian] 'yong gano'ng set up.

"At saka so far, e...'yong mga address naman sa mga lisensiya namin ay kanya-kanya naming bahay."

PREDICTIONS. Dahil patapos na ang taong 2011, nagsisimula nang magbigay ng kani-kanilang predictions ang mga psychic hinggil sa kung ano ang mga naghihintay na kapalaran o mangyayari sa mga buhay ng ilang artista next year.

Sina Dingdong at Marian, hinuhulaan na maghihiwalay daw next year.

At meron pang nagsasabi na may iba raw lalakeng makakabuntis kay Marian.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang!" natawa na reaksiyon ng aktor.

"So far, hindi rin naman sila consistent. Dahil ilang taon na ring nagkakaroon ng gano'ng hula.

"Okey lang 'yon. Kanya-kanya namang hula 'yan.

"Kahit ako, nanghuhula rin ako. Na...laru-laro lang, di ba?

"Pero ayos lang 'yon. Ayos lang 'yon.

"Nagkataon lang siguro na nanghula sila, e, na-publicize.

"So, if that's their opinion, okey ako doon.

"Basta ang importante, 'yong commitment at pananalig sa katotohanan at sa Diyos. Iyon na yun.

"At matibay 'yong bond ng pagmamahal namin ni Marian sa isa't isa. Matibay na matibay."

PERFECT COUPLE? Masasabi ba niyang perfect couple sila ni Marian?

"Wala namang perfect," pauna ni Dingdong.

"But I would like to think na...hindi ako maggi-give up sa mga suliranin o kung anumang obstacles in our relationship."

What's the best part ng kanilang relasyon ni Marian?

"Kanya-kanyang ano 'yan, e...kanya-kanyang pagka-unique.

"So, para sa akin, we cannot really compare.

"Pero you can just say siguro na...we're proud of the things na meron kami.

"Dahil individually and as a couple, may nagagawa kami na hindi nagagawa ng iba.

"And gano'n din 'yong iba, na hindi naman namin nagagawa 'yong nagagawa nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN