Dingdong Dantes on working again with girlfriend Marian Rivera in GMA-7's My Beloved: "It's very refreshing."

IMAGE Noel Orsal

"Parang ibang Marian 'yong nakakatrabaho ko, e. Dahil bukod sa iba 'yong kanyang hitsura, e, nag-iba talaga 'yong kanyang working attitude. She has improved a lot. And I'm very proud of her dahil sobrang naging professional siya sa kanyang trabaho. Hindi ko naman sinasabing dati, hindi. But, lalung-lalo na ngayon, to a different level na talagang nakakamangha at nakaka-inspire. So, I'm very proud of her in that aspect," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera.&


Marami na ang nag-aabang sa My Beloved, ang balik-tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa primetime television.

Isang kakaibang project ito na inaasahang kagigiliwan ng mga manonood, lalo na ng mga tagahanga ng real-life couple.

"So far, so good! Excited kami to launch this February," sabi ni Dingdong nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Party Pilipinas kahapon, January 29.

"'Yong first day ng taping namin, nakakatuwa dahil ang ganda lumabas.

"Kasi nakita namin na talagang 'yong chemistry namin [ni Marian], nando'n pa rin talaga."

Dagdag pa ng aktor, "And 'yong role ko dito, it's something that I haven't done before.

"It deals with someone who is not human, so... it's very interesting."

Parang "angel of death" ang character ni Dingdong sa My Beloved.

Sa istorya ay parang susunduin niya si Marian na nakatakda nang mamatay, pero na-in love siya rito kaya gumawa siya ng paraan na mabuhay pa rin ito.

May preparasyon ba siyang ginawa para sa kanyang role?

"Of course. Kinausap ko nang matindi 'yong mga direktor. At sa kanila ako kumukuha ng guidelines," sabi ni Dingdong.

REFRESHING. Ang My Beloved ang ika-limang pagtatambal nina Dingdong at Marian sa primetime series ng GMA-7.

Ang iba nilang pinagsamahan ay MariMar, Dyesebel, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at Endless Love.

Isang taon na rin ang lumipas bago sila muling nagkatambal ni Marian.

"It's very refreshing," paglalarawan ni Dingdong sa pagsasama ulit nila sa trabaho ng kanyang girlfriend.

"Parang ibang Marian 'yong nakakatrabaho ko, e.

"Dahil bukod sa iba 'yong kanyang hitsura, e, nag-iba talaga 'yong kanyang working attitude.

"She has improved a lot.

"And I'm very proud of her dahil sobrang naging professional siya sa kanyang trabaho.

"Hindi ko naman sinasabing dati, hindi. But, lalung-lalo na ngayon, to a different level na talagang nakakamangha at nakaka-inspire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I'm very proud of her in that aspect."

Ano ba ang advantage kapag si Marian ang kanyang katrabaho?

"Well, definitely I'm happy because I get to spend more time with her on- and off-cam."

'Yong disadvantage naman?

"Wala. Kasi mas nangingibabaw 'yong advantages.

"Kaya magkaroon man ng disadvantage, wala na 'yon. Walang kuwenta 'yon."

VALENTINE. Malapit na ang Valentine's day. Anong plano nila ni Marian?

"Magge-guest ako sa concert nina Ogie [Alacsid] at saka ni Regine [Velasquez].

"So, hopefully, nando'n siya [Marian].

"But definitely, immediately after, ilalabas ko siya," sabi ng Kapuso actor.

Wala silang plano to go out of town, gaya no'ng New Year na nagpunta sila sa Boracay?

"Walang oras kasi may taping kami, e. Taping na kaagad kinabukasan, e," sabi ni Dingdong.

May naka-ready na siyang Valentine's gift for Marian?

"Meron na."

Dagdag niya, na nakangiti, "Pero hindi ko na sasabihin. Secret na lang."

Naiisip din ba niya kung ano kaya naman ang regalo ni Marian sa kanya sa Araw ng mga Puso?

"Hindi... wala. Basta ipagpatuloy lang niya 'yong pagiging makarinyo niya sa akin. At wala na akong hihilingin pang iba."

Sa taong ito, malabo pa rin ang kasal para sa kanilang dalawa?

"Hindi pa namin napag-uusapan 'yan," sabi ni Dingdong.

NEXT MOVIE. Ano ang susunod na pelikula niya pagkatapos ng Segunda Mano, na pinagtambalan nila ni Kris Aquino at nagpanalo sa kanya ng Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2011?

"I really wanna do lots of movies. And this year, hopefully, maganda 'yong magiging lineup.

"Pinag-uusapan na namin. Just watch out."

Hindi na co-prod kundi solo na lang niyang ipu-produce?

"Maaari."

Anong tema ng pelikula?

"Wala pa, e. Malalaman n'yo na lang."

Posible kayang kasama niya si Marian Rivera sa susunod na pelikulang gagawin at ipu-produce niya?

"Hopefully," nakangiting sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN