Nora Aunor on "isnaban" issue with Ms. Charo Santos-Concio: "Tapos na 'yon. Ayoko na ng may kaaway, tutal marami naman akong natatanggap na blessings."

Mar 15, 2012
Nora Aunor on spending Christmas in the Philippines for the first time after nine years: "Masaya talaga ako, kasi first time kong magki-Christmas dito [sa bansa] after ilang years. Ngayon lang uli ako nandito ng December. Para sa mga anak ko, lalung-lalo na."

Masigla si Nora Aunor nang madatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bagong condo unit na tinutuluyan niya sa Eastwood, Quezon City.

Walking distance lang ito sa condominium building na nilisan ng Superstar matapos siyang muling maospital early this month.

Naniniwala si Ate Guy na kailangan niya ng bagong atmosphere kaya pinili niya ang mas maluwag at maaliwalas na tinutuluyan.

Next month, matapos ang kanyang pagpapaopera sa lalalmunan, aasikasuhin naman daw ni Nora ang paghanap at pagbili ng bagong bahay para sa kanya, at isa pang bahay para sa kanilang mag-anak.

"Gusto ko talaga, magsama-sama ang mga anak ko [sa isang compound]," banggit ng Superstar sa PEP.

Masaya si Nora matapos ang una niyang commitment sa TV5, ang mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina. Ngayon ay puspusan muna ang pagpapahinga at pagbawi niya ng lakas ngayong Disyembre.

Sa bagong condo unit, siya mismo ang personal na nag-asikaso ng pagdedekorasyon nito.

Siya ang naglagay ng katamtamang-laking Christmas tree at mga palamuti, at wall decors na umiilaw.

Continue reading below ↓

Wala muna siyang ibang commitments sa buong panahon ng Christmas holidays, at ito ang ikinatutuwa nang labis ng Superstar.

Aniya, "Masaya talaga ako, kasi first time kong magki-Christmas dito [sa bansa] after ilang years.

"Ngayon lang uli ako nandito ng December. Para sa mga anak ko, lalung-lalo na.

"Gusto ko nang mamili ng mga ireregalo. May mga munting pamasko ako sa mga kaibigan."

ISNABAN ISSUE. Sa kabila ng mga pinag-usapang issue nitong nagdaang linggo, partikular ang isnaban nila diumano ng ABS-CBN president at actress-TV host na si Ms. Charo Santos-Concio, nanatiling tahimik si Nora.

Nang makausap nga siya ng PEP kagabi, November 28, positibo ang naging pananalita ni Ate Guy.

"Tapos na 'yon. Ayoko na ng may kaaway, tutal marami naman akong natatanggap na blessings," pahayag niya.

Gayunman, wala pang tsansa na magkaharap at magkausap sila nang personal ni Ms. Charo.

"Aalis din naman ako ngayong January," sabi rin ni Nora.

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy niya ay ang gagawing throat operation sa kanya sa Boston upang manumbalik ang kanyang boses na laan sa pag-awit.

Read Next
Read More Stories About
Nora Aunor, Charo Santos-Concio
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor on spending Christmas in the Philippines for the first time after nine years: "Masaya talaga ako, kasi first time kong magki-Christmas dito [sa bansa] after ilang years. Ngayon lang uli ako nandito ng December. Para sa mga anak ko, lalung-lalo na."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results