Derek Ramsay excited about Christmas road trip to Marinduque with family and girlfriend Angelica Panganiban

IMAGE Nimfa Fajardo

"My dad came up with this crazy idea of driving through Marinduque. Because we want to stay there, eight to ten days. He doesn't want us to get bored. So, he wants us to drive around. There's gonna be twenty-seven of us! And we're taking five cars! Magro-RORO kami. It's gonna be fun!" says Derek Ramsay about his Christmas road trip with family and girlfriend Angelica Panganiban.


Para kay Derek Ramsay, balewala lang ang pagkatalo ng pinangungunahan niyang ASAP Rocks basketball team sa pinangungunahan ni Gerald Anderson na Star Magic team.

"Well, today is for all...to give everybody here a good show, for the patients, the cancer patients and the kids.

"So, we're all winners today!" pahayag ng 31-year-old Filipino-British model turned actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang basketball game nila ay ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City noong Linggo, November 13.

Para sa benefit ng Cottolengo Filipino, Inc. and Cancer Warriors, Inc. ang basketball game, na proyekto ni Gerald.

Ang Cottolengo ay isang non-stock, non-profit organization na nangangalaga sa mga batang may kapansanan (sa pisikal at sa kaisipan).

Ang Cancer Warriors naman ay nangangalaga sa mga taong may sakit na cancer.

Nanalo ang team nina Gerald sa score na 69-59.

Pero si Derek ang itinanghal na highest pointer, dahil nakagawa ito ng 26 points.

Biro nga sa kanya ng game announcer nung araw na iyon na si Andrei Felix: "Import!"

Pero mapagkumbaba namang sinabi ni Derek na nahihirapan na rin siya sa paglalaro.

"Naku, nung last game, humihingi na ako ng sub.

"Pero walang-awa ang mga teammates ko, hindi ako pina-sub," natatawang pag-alala ni Derek.

Ang tinutukoy niya ay ang game nila sa Colegio de San Agustin, sa Makati, nung July 31 Star Magic Sportsfest.

Dito ay nakalaban din nila ang Star Magic team ni Gerald, pero noon ay tinalo ng team ni Derek ang mga ito.

"Well, today I might be the highest pointer, but it didn't do enough to win the game.

"Today, they're the better team," natatawang sabi pa ng aktor.

PRAYBEYT BENJAMIN. Siyempre pa, muli'y natanong si Derek tungkol sa pagiging back-to-back box-office hits ng dalawang huling pelikula niya.

Ang una'y ang No Other Woman na tumabo ng P276,803,451, ayon sa international movie database website na imdb.com.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang pangalawa'y Praybeyt Benjamin, na ayon sa ABS-CBN News, ay kumita ng P320 million sa loob ng 20 araw.

(Bagama't may mga nagku-komento na hindi pa ito masasabing opisyal na box-office take ng Praybeyt Benjamin. Dahil nanggagaling pa lang ang figures na ito sa mismong publicists ng mga nag-prodyus ng pelikula: ang Viva Entertainment Inc. at ang Star Cinema. Ang huli ay film arm ng ABS-CBN.)

"Grabe!" nakangiti't napabuntunghininga na sabi ni Derek.

Kumusta naman ang pagha-handle niya ng ganitong kalaking bagay na pangyayari sa kanyang showbiz career?

"I guess I just have to stick to the same work ethic. Give my best, take my role seriously...

"Ang dami ngang... 'Ano ang gagawin mo?' 'Mamimili ka ba ng artistang makakatrabaho?' 'Mas picky ka ba?'

"No. I wanna work with everyone.

"Ang importante lang sa akin, seryosohin mo ang trabaho mo at gawin mo nang maayos.

"At...two back-to-back blockbusters... It's crazy!" napapailing na tila hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Derek.

CHRISTMAS TRIP FIRST. Ano nga ba ang susunod niyang proyekto?

"I've been offered to do a movie with Bea Alonzo. Ang ganda ng istorya. But nothing concrete yet. Wala pa.

"Right now, my mind is set on Christmas and spending time with my family."

Saan nga ba siya mag-i-spend ng Christmas ngayong taon?

"Marinduque."

Of course, kasama ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

"Yeah, Angel is coming.

"We're gonna spend actual Christmas day sa Tagaytay." Ang family home nina Derek ay sa siyudad na ito.

"Pagkatapos nun, we're taking a road trip to Marinduque. Just after the Christmas till the New Year," ani Derek.

Walong araw raw silang mananatili sa Marinduque.

"So, it's gonna be island fever while we're there," natatawang bida pa ng Fil-Brit.

Ang daddy niya raw ang siyang nakaisip na mag-road trip sa Marinduque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My dad came up with this crazy idea of driving through Marinduque.

"Because we want to stay there, eight to ten days.

"He doesn't want us to get bored. So, he wants us to drive around.

"There's gonna be twenty-seven of us! And we're taking five cars! Magro-RORO kami.

"It's gonna be fun!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN