Derek Ramsay: "Do I feel that I'm the next Box-Office King? No, because it's just one movie."

IMAGE Glen P. Sibonga

Derek Ramsay graced the Gabay Guro Grand Gathering held yesterday, October 9, at the SM Mall of Asia Music Hall. The hunky actor brought along his parents (inset) to the annual tribute to teachers from all over the country. The event coincides with World Teachers' Day, held annually on October 5.


Pinagkaguluhan si Derek Ramsay ng mga guro mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas sa ginanap na Gabay Guro Grand Gathering kahapon, October 9, sa SM Mall of Asia Music Hall.

Ang event na ito, na isinasagawa taun-taon simula noong 2007, ay handog ng PLDT-Smart Foundation para sa mga guro kaugnay pa rin ng selebrasyon ng Teacher's Day noong October 5.

Kasama ni Derek na pumunta sa event ang kanyang mga magulang.

Ayon kay Derek, pangalawang taon na niya itong nagbibigay kasiyahan sa mga guro na sinimulan niyang gawin noong isang taon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek bago siya umakyat ng stage at ibinahagi niya kung paano niya pinahahalagahan ang mga guro.

Aniya, "You know, napaka-importante ng mga guro sa buhay ng isang tao.

"If I am to say the most important people who made me the way I am today, it would be God, my mom, my dad, and the teachers who taught me everything I know.

"So, this is my way of giving back and giving honor to them in this special day.

"I told them last year that if I'll be invited again, expect me to come.

"I'm glad that I am here again. So, next year din sana," sabi ni Derek.

Bukod kay Derek, ang iba pang celebrities na nagpasaya sa event ay sina Rhian Ramos; Aljur Abrenica; Eat Bulaga! Dabarkads Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola; EB Babes; 2011 Miss Earth-Philippines Athena Mae Imperial; at Ricky Reyes, na nagbigay ng libreng makeover at gupit sa mga guro.

Feeling nga ni Derek, in one way or another, ay nagsilbi rin siyang teacher sa mga contestant ng katatapos lang na The Biggest Loser Pinoy Edition, kung saan nagwagi si Larry Martin. (CLICK HERE to read related story.)

"Somehow, naging teacher din ako by sharing sa mga contestant yung mga alam ko on healthy living and staying fit, as well as losing weight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As the show's game master, I'm so happy to see them sa grand finals, all looking good and happy."

THE NEXT BOX-OFFICE KING? Samantala, overwhelmed pa rin si Derek sa malaking tagumpay sa takilya ng pelikula niyang No Other Woman, kung saan kasama niya sina Anne Curtis at Cristine Reyes.

Tuloy, madalas daw siyang biruin ng mga kaibigan at kakilala niya na siya na raw ang "The Next Box-Office King."

Ano ang reaksiyon ni Derek dito?

"Siyempre, ang sarap ng feeling na tinatawag akong Box-Office King.

"But do I feel that I'm the next Box-Office King? No, because it's just one movie.

"Ang pagiging Box-Office King, dapat marami ka pang kailangang patunayan.

"One movie that is very successful, dapat makagawa pa ako ng couple of movies na as successful sa box-office.

"Si John Lloyd [Cruz], hindi lang isang pelikula, ang dami niyang pelikula na naging box-office hits.

"So, si John Lloyd para sa akin ang talagang Box-Office King.

"Pero for people to say na I'm the next Box-Office King, ang sarap ng feeling," saad ni Derek.

Kung sina Anne at Cristine ay hindi raw ine-expect na magiging big hit ang movie nila, si Derek ay expected na raw niya ito.

Ang ikinagulat lang niya ay higit pa sa expectation niya ang nakamit ng pelikula nila sa takilya.

"I always jump into being positive," sambit niya.

"I'm expecting it to be a successful movie having worked with great actors and director. But I didn't expect it to be this big.

"Hanggang ngayon, pinipilahan pa rin. Ang dami kong natatanggap na tweets na soldout yung screenings.

"It's amazing!"

EXPECTING ANOTHER BIG HIT. Hindi pa man natatapos ang selebrasyon para sa tagumpay ng No Other Woman, inaabangan na rin ang susunod na pelikula ni Derek kasama si Vice Ganda— ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin, still under Star Cinema at Viva Films. Showing na ito sa mga sinehan sa October 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasang magiging big hit din ang pelikula nila ni Vice. Kaya naniniwala ang marami na mas lalaki ang tsansa ni Derek para masungkit ang Box-Office King title.

"I think it will be a big hit also. Vice is so talented.

"Ang ganda ng samahan ng cast namin, lahat kami magkasundo.

"Just the other day, lahat ng cast and staff nasa bahay ko. Nag-dinner kami sa bahay ko.

"I'm keeping my fingers crossed that the movie will also do well.

"Sana matalo pa niya yung No Other Woman," asam ni Derek.

ABS-CBN IS STILL PRIORITY. Sa isang interview, inamin ni Derek na nagpahayag na ang TV5 ng interes na kunin ang serbisyo niya at maging network talent.

Pero hindi pa raw sila dumating sa puntong nag-usap na sila tungkol sa presyo.

"Yung sinasabi na triple or higit pa ang talent fee na ino-offer sa akin, wala, wala pang ganung usapan.

"And sabi ko nga, hindi pa ako mag-e-entertain ng ibang offers hangga't may kontrata pa ako sa ABS-CBN," pahayag niya.

Hanggang kailan pa ba ang kontrata niya sa Kapamilya Network?

"Hanggang next year pa, February," sagot ni Derek.

"Sa ngayon, hindi pa ako kinakausap ng ABS. Pero sabi ko nga, ang ABS-CBN pa rin ang priority ko.

"I won't declare anything unless nakapag-usap na kami."

2011 IS DEREK'S YEAR. Bukod sa sunud-sunod na tagumpay, nagkasunud-sunod din ang mga intrigang kinasangkutan ni Derek ngayong taon—ang rumored breakup nila ni Angelica Panganiban, ang pagkaka-link niya kay Erich Gonzales, at ang diumano'y pagpapakasal niya noon sa isang Filipino-Indian girl.

Pero sa kabila ba nito maituturing niya pa ring taon niya ang 2011?

"Yeah, I can say that it's my year," sabi niya.

"There's a lot of success, a lot of drama, a lot of intriga.

"But you know, what makes you a real person is how you handle situations like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have the best man to follow, my father. He's a happy man.

"Right now, I'm just waiting for Christmas and I want to celebrate it with my family and, of course, with Angel," pagtukoy pa ni Derek sa kanyang girlfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN