Derek Ramsay says he never cheated on girlfriend Angelica Panganiban

IMAGE Noel Orsal

"From a man's point of view, it's a responsibility for both the husband and the wife... you have to spice up the relationship. You have to find new ways. You have to talk. Kapag nawala na yung communication... and the perfect example is, you're sitting in the car, you're driving for one hour and you don't have anything to say to each other. When that happens, you know that your relationship has a problem," says Derek Ramsay about relationships.


Sa mga nakakapanood na ng trailer ng upcoming movie ng Star Cinema at Viva Films, ang No Other Woman, pihadong may naiinggit sa lead actor nitong si Derek Ramsay.

Bukod kasi sa pinag-aagawan siya sa pelikula nina Cristine Reyes (who plays his wife) at Anne Curtis (who plays his mistress), pareho ring may love scenes ang hunky actor sa dalawang naggagandahan at nagseseksihang Kapamilya actresses.

Pero ayon kay Derek, ang kuwento ng No Other Woman is something he fears because it can happen in real life.

Sa pelikula kasi ay nangaliwa si Derek kahit may asawa na siya.

In real life, ano ang magiging dahilan para mangaliwa siya sa isang relasyon?

"For me, kapag masyadong naging repetitive na ang buhay, mechanical na.

"Parang hindi na siya relationship, e. It's more like a job," sagot niya.

Nabanggit ni Derek na kinatatakutan niyang mangyari rin sa kanya na mangaliwa siya kahit may asawa na siya, gaya ng nangyari sa character niya sa pelikula.

Ina-anticipate ba niya na baka nga magkaroon siya ng other woman in the future?

"No, ako kasi, before I sleep, I always talk to Angel [Angelica Panganiban, his girlfriend]. To find out if anything's wrong.

"Kung may problema man, gusto ko nang ilibing bago matulog.

"Those are some of the things that my dad advised me.

"And I remember, on his 60th birthday, yun ang sinabi niya. Na napaiyak talaga ako.

"He said, they [Derek's parents] went through so many things, but if he would be given the chance to do it all over again, he'll do it with the same woman.

"So, yun, always talk. You need to talk, you need to open up," saad niya.

Pero bilang lalaki, ano ang naging realization ni Derek habang ginagawa nila ang pelikula?

Aniya, "That relationship is not just about love. Talagang kailangan mo, you have to work hard at it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From a man's point of view, [it's a] responsibility for both the husband and the wife... you have to spice up the relationship.

"You have to find new ways. You have to talk.

"Kapag nawala na yung communication... and the perfect example is, you're sitting in the car, you're driving for one hour and you don't have anything to say to each other. When that happens, you know that your relationship has a problem."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa presscon ng No Other Woman sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, September 21.

WHEN I WAS YOUNG... Natawa naman si Derek nang banggitin namin sa kanya na noong kabataan niya, he had several relationships, including one-night stands.

Kapag nagpakasal kaya sila ng girlfriend niya ngayong si Angelica Panganiban ay masasabi niyang tapos na talaga siya sa stage na 'yon?

"Tapos na yun. Tapos na yun!," natatawang sagot ng aktor.

"You know, when you're a teenager, you go hanging out, experience a lot of things.

"Mas lalo na kapag athlete ka, girls throw themselves at you.

"I grew up with four women in my life—three sisters and a mother. That's why I have a lot of respect for women.

"Hindi ako yung tipo ng lalaking mambabastos ng babae even if it's for a one-night stand.

"If you're gonna tell me, sige, you'll have fun in the evening, then the next morning you'll kick her out of the door, hindi ko kayang gawin yun.

"At hindi ko gagawin yun."

Nilinaw naman ni Derek na yung mga one-night stand niya before ay nung college days pa raw niya.

Aniya, "You know, I'll be honest with you, you go out, you get drunk, you have fun, you get a few drinks, and you make out with somebody."

LOYAL TO ANGELICA. Sa five years nila ni Angel, diretsahan niya bang masasabi na walang naging "on the side" sa part niya o never na nagkaroon ng third party?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala," mabilis at nakangiting sagot ni Derek.

"Kahit itanong n'yo pa kay Angel, wala. Papatayin ako ng nanay ko!"

Never din na pinagsabay niya ang dalawang babae o karelasyon niya?

"No, that's the worst thing kung magsasabay ka," sabi ni Derek.

"That's... I think my parents will disown me if I do that.

"And they were saying that I did that with Solenn [Heusaff, his ex-girlfriend] and Angel.

"But, I think you guys can see that it took us one year, for Angel and I, to get together."

Mahahaba raw ang taon na ibinibilang ng nagiging relationship ni Derek.

In the case of Solenn, three years daw naging sila.

Ang maganda, until now, kaibigan si Solenn ng family niya, sila rin mismong dalawa, and even Angelica and Solenn.

"Kahit silang dalawa, magkaibigan. They are on Twitter together," banggit pa ni Derek.

CONTROVERSIAL COUPLE. Walang duda na ang relasyon nina Derek at Angelica ang isa sa paboritong intrigahin at madalas maging laman ng mga balita.

Sa kaso ni Derek, hindi lang minsan na na-link siya sa ibang babae.

Kapag lumalabas ang ganitong balita, nagre-react ba ang parents niya o kinu-call din ang attention niya if these rumors are true?

"Hindi," sagot ni Derek.

"Kaya nga, whereas, yung mga intrigang yun, hindi namin pinapansin, alam din ng mommy ko.

"Hindi ko alam ngayon kung nag-uusap sina Angel at mommy ko. Kasi, mas may communication sila ngayon kesa sa akin.

"But no, when an issue comes up like that, my parents don't call me about that."

Since three years na sila ni Angelica, ano pa pa ang pumipigil for the two of them to get married?

"Yung sinabi ko kanina, we don't have to rush. Things are going so well.

"For me, kapag nagpakasal ka na, things change, e.

"I don't want her to go back and say na, 'Sana nagawa ko 'to sa career ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malulungkot ka, e. I want her to grow. Let her blossom..."

PAASIONATE LOVE SCENES. Bagamat marami siyang kissing scenes at passionate love scenes sa pelikula, ipapapanood pa raw ni Derek ito sa girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

"If her schedule will permit... she's fighting for it.

"It's like noong nag-umpisa kami, A Love Story, and people were asking me, 'Paano mo mapapanood si Angel, may bed scene sila ni Aga [Muhlach]?'

"Ang ganda ng bed scene nila.

"And here, she's not jealous, susuportahan niya ako.

"Medyo dalawa lang naman ang ka-bed scene ko rito!" natatawa niyang sabi.

Masasabi rin kaya ni Angelica na "ang ganda" ng bed scene niya with Anne and Cristine?

"I hope so. I really hope so," sambit ni Derek.

"And I really want to know kung ano ang comment niya because that would really mean a lot to me."

Kung nagkataong walang Angelica Panganiban sa buhay niya, kanino kaya kina Anne at Cristine siya mai-in love?

"Hindi ko alam!" natatawang sabi ni Derek.

"Well, honestly, more liberated... Si Anne shares the same similarities and is more athletic like me.

"And to tell you the truth, si Cristine is more of Angel, and si Anne is more like me."

Pero dugtong din niya, "Honestly, I really don't know because I haven't spent time with them, that way.

"You know what, one thing I've learned siguro, kami ni Solenn, we had a great relationship.

"But si Solenn and I, we rushed things. And that's why, it started fast and it ended just as fast.

"Angel and I took our time and look at us, we are going strong.

"So, hindi ko masasagot who would I end up with.

"I don't know, they are both very attractive. Their personalities are great.

"Pero kailangang masama ko sa... Alam mo naman ako, ang hilig kong magbiyahe, ang hilig kong gawin 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wouldn't know who to choose. Kayo na lang, choose for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN