Derek Ramsay on girlfriend Angelica Panganiban: "Magkasama na kami forever. Tanggapin niyo na yun."

IMAGE Sany Chua

Derek Ramsay explains how he and girlfriend Angelica Panganiban weather showbiz intrigues: "Hinaharap namin head on and we move on to the next. We don't dwell on the issue. Kasi marami pang susunod."


It was a big surprise for Derek Ramsay when he learned that FHM wanted him to be on the cover of its FHM Collections. Just like everybody, sanay si Derek na ang nakikitang cover ng FHM ay mga nagseseksihang babae.

Ayon nga kay Derek nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon na ginanap sa Crowne Plaza last Friday, September 9, for the back-to-back issue of FHM's September issue with Lovi Poe and Derek Ramsay on the covers.

"I was also shocked noong sinabi sa akin na ako ang magiging cover ng FHM. Sabi ko, 'di ba, babae? Yun pala, sa FHM Collections, which is a special edition of the September issue.

"So, sabi ko, okay, hubad ba 'yan? Apparently, wala. Okay... iba 'to, ah, so, I tried it. It's a nice to show na may fashion sense rin naman pala ko. Hindi lang pala ako palaging naka-board shorts or naka-sando."

Marami nga ang nagbibiro kay Derek na nakakapanibago ang pictorial niya dahil balot na balot siya at very wholesome. Flattering naman for him to be the third FHM Collections cover since ang naturang edition talks about the athletes.

Aniya, "Nandiyan sina James Yap, Atoy Co, Paeng Nepomuceno but to choose me for the cover... parang masarap sa puso. Ako kasi, mas nakikilig ako kapag nilalapitan ako ng sports fans."

Nagustuhan din daw ng girlfriend niya na si Angelica Panganiban ang FHM cover shoot niya.

Kuwento nga ni Derek na natatawa, "Tuwang-tuwa siya. Bumili siya ng magazine. Kapag nakahubad ako, hindi na siya bumibili."

On the other hand, very busy naman si Derek ngayon with his sports, movies and shows. In fact, after ng presscon, didiretso na raw siya sa dubbing ng pelikula niya sa Star Cinema na No Other Woman.

Today naman, he's competing for The Ultimate Diyandi Frisbee at Iligan with the Red Horses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Derek, "After that, I fly back Monday morning and straight to shooting for the movie. And then, Tuesday, movie naman with Vice Ganda and then, Wednesday, aalis na ako for Europe with Sharon."

TIME FOR LOVE. When asked kung may time pa siya for Angelica...

Nakangiting sagot naman ni Derek, "Mamayang gabi. Diretso na ako from dubbing sa kanya. Pero yung sacrifice talaga namin, you know, malapit na kaming magkasama sa November. Hongkong kami for one week with my family. Anyway, magkasama na kami forever. Tanggapin niyo na yun."

Dugtong pa niya, "Five years, wala pa yun. Dodoblehin, titriplehin pa namin yun. Parang nawi-weirduhan na nga ako sa sarili ko. Ang ganda-ganda ni Lovi, wow. I appreciate that she's a beautiful woman, pero, focus na. Focus na."

Sa mga binibitawan ngang salita ni Derek sa interview, tila sure na sure na ito na si Angelica na nga at wala ng iba for him.

"I've grown a lot with Angel. Five years, I've learned a lot from someone younger than me. And I heard the best comment on the plane. The person said, you're very good for Angel. Coming from a mother, parang nakaka-touch din na may nagsabi ng ganoon."

Hindi naman itinatanggi ni Derek na malaking factor rin na tinanggap ni Angel siya ng buong-buo.

"Yeah, we've accepted each other we believe in each other. At wala kaming pinipilit na mag-change.

"Sabi ko nga, si Angel, mas matagal siya sa industriya so, mas marami siyang alam. So, the decision that she made for her career, pinapabayaan ko.

"Kung madi-disappoint siya, nandoon ako para makinig, and the same with me. Pero ako, humihingi ako ng advice sa kanya. Sa buhay naman, mas marami na akong pinagdaanan, so she comes to me for advice about life."

When asked about intrigues na pinagdaanan nila, nakangiting napa "hay naku" na lang si Derek sabay sabi, "tapusin na lang natin ang mga intrigang 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTROVERSY-PRONE. Sila na yata ang pinaka controvery-prone couple sa industry.

"We remain strong when we face those intrigues together. Hinaharap namin head on and we move on to the next. We don't dwell on the issue. Kasi marami pang susunod," aniya.

Naniniwala si Derek na hindi daw matatapos ang mga intriga.

"Lalo na kapag lumabas na itong movie namin.

"But we're pretty good. As you can see at the Star Magic Ball. Angel and I, we're in our own world," ang sabi ni Derek.

"Yung mga pictures nga that were taken, yung mga candid shots, nakikilig ako kapag tinitingnan ko because I can see that I'm happy and I can see that she's happy.

"So walang katotohanan na hindi kami magkasama. Like I've said, we're going to Hongkong in November, then we're going to drive to Marinduque with my family in December," aniya.

"And then, next year, yung big trip namin. We're gonna go to London. Katulad nga ng sinabi ko sa inyo, I want to show her my world.

"The Olympics are in London next year; it's a great opportunity to kill two birds with one stone. Show her where I grew up, where I went to school.

"Yun daw ang gusto niya. Yun daw ang dream niya, e. At the same time, makakapunta pa kami to the Olympics to watch the best athletes in the world just like what we did last year sa World Cup."

MOVE ON. Dahil sa "move on" raw sila agad ni Angel kapag may isyu sa kanila, hindi na nila pinag-aaksayahan ng panahon na alamin kung sino ang nagpasimuno ng mga isyu sa kanila.

"We don't dwell on the issue. We give our statement. Sometimes when we start digging, masasaktan ka pa. So, we don't bother with that anymore."

Hindi raw nila napag-aawayan ni Angelica ang anumang intriga sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"About intrigues, no. Away dahil sa selos, meron. Pero not recently.

"My gosh, I can't remember the last time Angel and I fought. Hindi ko alam kung kailan kami huling nagtampuhan. So, I guess, healthy rin na nagka-clash ang schedule namin para ma-miss namin ang isa't-isa.

"Pero itong movie na ginagawa namin, medyo mainit at sexy. So, I'm sure magkakaroon ng intriga dahil sa butt exposure ko," natatawa niyang sabi.

OFFERS. Sa kabila naman ng maraming projects na ginagawa ni Derek sa ABS-CBN, may napapabalitang he will soon transfer to TV5. May katotohanan ba ang isyung ito?

Aniya, "I'm under contract with ABS so, I will not entertain any offers until February."

Hindi naman itinanggi ni Derek na may mga offers.

"There are offers, yes, of course. But for now, I cannot accept anything because I am under contract and I will finish my responsibilities."

Kinamusta rin ng PEP ang mommy ni Derek who got sick.

"She's better now. One family member got better, another one got sick. My Tita Tess who's very close to our family, she's in the ICU right now. She is the daughter of my mom's brother and parang nagkaroon ng infection sa liver.

"My mom is better now. Pero dahil nga hindi niya iniinom ang maintenance [medicine], kapag may attack lang siya. So, ngayon, double dose siya sa medicine niya."

PARENTS' ANGEL. Natatawang kuwento pa ni Derek about his mom.

"Ang ganda nga ng effect. Ako, hindi ako pinapahiram ng diyamante ng nanay ko. Pagdating ko sa Star Magic Ball, ang kislap-kislap ng mga suot ni Angel.

"Saan mo nakuha 'yan? 'Mommy mo!' I said, huwag mo nang soli 'yan. Puwede nating pambili ng bahay 'yan," natatawang biro pa niya.

Happy raw siya sa naging gesture ng mommy niya towards Angel.

"I find it so amazing. Everything is so perfect. You know, hindi na nga dumadaan sa akin, they talk. Ako, gumising ako, dumaan ang mom ko sa bahay ko, may diniliber. Hindi ko alam kung ano yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She entrusted Angel with her jewelries. I don't even know the code to the vault. Every time I talk with my dad, he always ends the conversation with, 'Send my love to Angel.'"

Talagang wedding na nga lang ang kulang sa kanilang dalawa?

Nakangiting sabi ni Derek, "Yeah, pero, papunta na yun du'n. Hindi pa namin napag-uusapan pero, marami pa kaming gustong gawin bago mangyari yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN