Annabelle Rama to file harassment complaint against Nadia Montenegro: "Babangon ako at dudurugin ko siya dahil sa pang-aapak na ginagawa niya sa akin!"

IMAGE Noel Orsal

Following the shouting incident involving Annabelle Rama yesterday, December 7, at the Quezon City Prosecutor's Office, comes another commotion, this time at the building housing the office of Annabelle.


May panibago na namang kabanata sa legal battles ng dating matalik na magkaibigang sina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Ngayon naman, magsasampa raw si Annabelle ng harrassment complaint laban kay Nadia dahil sa insidenteng nangyari kahapon, December 6, sa Imperial Palace Suites, sa kanto ng Timog at Tomas Morato avenues sa Quezon City.

Ang Imperial Palace Suites, isang condo-hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Lily Yu Monteverde, ang lugar ng opisina ng Royal Artists Management Inc., ang talent management agency ni Annabelle Rama.

Kahapon, pitong pulis mula sa Quezon City Hall Police Detachment ang nagtangkang umakyat sa opisina ng Royal Artists Management Inc., upang kausapin ang talent manager.

Ito ay matapos ireklamo ni Nadia sa QC Hall Police Detachment ang ginawang pagsisigaw, pagmumura, at pananakot ni Annabelle sa kanya at sa kanyang mga anak na si Alyanna at Annika, sa mismong opisina ng piskal na nagko-conduct ng clarificatory hearing nila kahapon din.

Ang clarificatory hearing sa harap ng piskal, na ginanap sa Quezon City Prosecutor's Office, ay tungkol sa mga isinampang mga kaso ni Nadia laban kay Annabelle para sa "Falsification of Documents," "Child Abuse," at "Libel."

Bandang huli, nang lumabas si Annabelle mula sa tanggapan ng piskal, narinig na rin ng press ang pagbulyaw nito ng "Tell the truth!" sa dalawang anak ni Nadia. Tuloy-tuloy na rin ang pagmumura ni Annabelle kay Nadia sa harapan ng media na sumusunod sa kanya.

Matapos maghain ng reklamo ni Nadia laban kay Annabelle, nagpunta naman ang ilang pulis ng QC Hall Police Detachment kay Annabelle.

Tumawag ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa detachment upang alamin ang bagay na ito. Ang tanging naroroon ay isang pulis na sumagot sa aming mga tanong, ngunit ayaw magpabanggit ng pangalan dahil hindi raw siya authorized magsalita.

Ayon dito, sinampahan nga ng reklamong "oral defamation" ni Nadia si Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito, pinuntahan ng ilang pulis nila si Annabelle sa opisina nito para mag-"shed light" sa reklamo. Gusto raw nilang alamin kay Annabelle ang panig niya.

Ang pagpunta nila sa talent manager ay hindi raw upang arestuhin siya.

Nang nagpunta nga ang mga pulis sa opisina ni Annabelle, wala ito.

Hindi rin sila nakaakyat sa opisina ni Annabelle dahil hindi sila pinatuloy ng head security ng Imperial Palace Suites.

Nasa meeting si Annabelle nang malaman nito ang mga pangyayari, at agad nitong tinawagan sa telepono ang kanyang abogado.

Pagkukuwento ni Annabelle: "Dumating ang lawyer ko sa Imperial.

"Hinanapan niya ng warrant of arrest ang mga pulis.

"Walang maibigay ang mga pulis kaya umalis na lamang sila.

"Hindi nakapasok ang mga pulis at ang GMA TV crew sa Imperial dahil mahigpit ang security.

"Hindi sila pinayagan na makapasok."

Ang sinasabing TV crew ay nakatunog sa gaganaping pagdalaw ng mga pulis sa opisina ni Annabelle kaya sumunod ang mga ito.

THE LATEST. Sa araw na ito, December 7, ay tutungo naman daw si Annabelle sa Quezon City Hall para puntahan ang mga pulis.

"Hindi ako natatakot sa mga pulis dahil wala akong kasalanan.

"Wala rin akong kasalanan kay Nadia.

"Naaawa nga ako sa mga pulis dahil nagpagamit sila kay Nadia.

"Inaalam ko na ang mga pangalan ng mga pulis na nagpunta sa Imperial.

"May mga nagsasabi sa akin na sampahan ko ng kaso ang mga pulis, pero pupuntahan ko sila ngayon sa kanilang presinto sa Quezon City Hall.

"Kakausapin ko sila. Hindi ako natatakot ko sa kanila.

"Ipapaliwanag ko sa kanila na hindi ko sila pinagtataguan.

"Kailangang malaman nila na ginagamit lamang sila ni Nadia."

Wala rin daw siyang planong pakawalan ang mga anak ni Nadia, na parehong may kontrata pa sa Royal Artists Management.

"Wala akong kasalanan kay Nadia.

"Ang kasalanan ko lang, e, manager ako ng kanyang mga anak na hinanapan ko ng mga trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tandaan ito ni Nadia, babangon ako at dudurugin ko siya!

"Para akong si FPJ na hindi basta magpapatalo sa mga kontrabida.

"Hindi ko bibitawan ang kanyang mga anak.

"May mga kontrata sila sa akin.

"Kailangang sundin nila ang kontrata hangga't hindi pa ito expired. Kakasuhan ko siya ng harrassment.

"Babangon ako at dudurugin ko siya dahil sa pang-aapak na ginagawa niya sa akin!"

LEGAL OPINION. Samantala, inalam ng PEP ang opinyon ng isang abugado na humahawak ng mga complaints na gaya ng namamagitan kina Annabelle at Nadia.

Una, tinanong namin kung tama ba at normal procedure ba ang pagpunta ng pulis sa opisina ni Annabelle.

Ayon dito: "The police have every right to investigate.

"Since a complaint had been lodged, they can investigate. They should, in fact.

"Especially in an oral defamation complaint, hindi ito dapat pinatatagal. Mabilis dapat ang pagkilos dito ng pulis.

"Kaya lang, nasanay na tayo na mabagal kumilos ang pulis. Hindi agad naiimbestiga ang mga reklamo.

"Kaya ngayong agad nagpunta ang pulis upang kausapin si Annabelle, hindi naman para arestuhin, nagugulat tuloy tayo.

"In fact, speed should be commended."

Pangalawa, tinanong ng PEP ang legal implications ng pagsisigaw ni Annabelle sa opisina ng piskal.

Ayon pa rin sa abugadong aming kinunsulta: "Wala, walang epekto iyan. Normal lang yan.

"Sa clarificatory hearing kasi, inaalam ng piskal kung totoo ba ang mga sinumpaang affidavits, kung tama ba ang mga facts dito.

"Sa stage na iyan, maiinit pa ang magkabilang kampo. Normal na ang may nagsisigaw sa stage na iyan.

"Ang gagawin ng piskal, maaari kang palabasin na lang ng kuwarto. Pero wala namang epekto ito sa kaso."

Ngunit, dagdag niya, maaaring maghain ng reklamo ang minura at sinigawan sa kapasidad nito bilang aggrieved citizen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN