Nadia Montenegro on legal battle with Annabelle Rama: "It's just getting too personal."

IMAGE Noel Orsal

"Sa akin lang naman, e, hangga't hindi sila tumitigil, hindi rin naman ako magpapaapi. You know, when you stick to the truth, ang dali lang naman magsasalita, e. Pero kapag inconsistent ka na, kung ano ang sasabihin, kahit ikaw, hindi mo na alam kung ano ang mga pinagsasabi mo, e," says Nadia Montenegro (right) about her lagal battle with Annabelle Rama (left).


Buong linggo na naman masusubaybayan ng publiko ang saga ng awayang Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Halos araw-araw na naman kasi silang magpupunta sa piskalya para magsumite ng kani-kanilang affidavits kaugnay sa mga kasong isinampa nila laban sa isa't isa.

THEFT CASE. Noong Lunes, February 20, ay si Nadia lang ang pumunta sa tanggapan ni Fiscal Ma. Cristina Juanson sa Suan Juan Prosecutor's Office. Ito ay para isumite ang kanyang rejoinder kaugnay sa kasong theft na isinampa ni Annabelle laban sa kanya.

Ayon sa abugado ni Nadia na si Atty. Maggie Abraham, may mga inconsistencies daw ang mga affidavit ni Annabelle; pati ang witness nitong si Rudy Arrojado na matagal nang katiwala ng talent manager.

Sabi ni Atty. Abraham, "There is an untruthful narration of facts in a sworn statement, kasi sinumpaan niya po yung complaint-affidavit niya at ang reply-affidavit niya.

"These statement of hers is perjurious in nature."

Ayon sa freedictionary.com, ang ibig sabihin ng perjurious ay: "the deliberate, willful giving of false, misleading, or incomplete testimony under oath."

Naniniwala ang abugado ni Nadia na mababasura lang ang theft case na isinampa ni Annabelle laban sa kanyang kliyente.

Pero kung sakaling maiakyat daw ito sa korte, okay lang daw kay Nadia.

Para maayos daw maipaliwanag ng dating aktres kung paano niya nakuha ang mga gamit ni Annabelle, na alam daw nito, at hindi niya ito ninakaw.

Sabi ni Nadia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yung sinasabi nga ni Attorney, na puwede silang ikaso ng perjury kapag napatunayang hindi naman talaga totoo na ninakaw ko yung mga gamit.

"Ang akin lang din, sana in-explain lang nila kay Mang Rudy na kapag napatunayan na hindi ka nagsasabi ng totoo, makukulong ka.

"I wouldn't do that to somebody who's serving you for 45 years."

Ito raw ang dahilan kaya gusto na rin ng kampo ni Nadia na maibaba na agad ang resolution—kung iaakyat ba ito sa korte o mababasura na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OTHER CASES. Bukas, February 22, ay muling maghaharap sina Nadia at Annabelle kay Fiscal Jovie Calderon ng Quezon City Prosecutor's Office.

Isusumite nila ang kanilang responsive pleading para madesisyunan na rin kung may probable cause ba o wala ang mga kasong isinampa naman ni Nadia laban kay Annabelle.

Kabilang na rito ang kasong child abuse na isinampa ng mga anak ni Nadia laban sa talent manager.

Sa Huwebes, February 23, ay kailangan na ring isumite ni Annabelle ang kanyang counter-affidavit sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Julpihir Jalambo ng San Juan Prosecutor's Office.

Ito ay kaugnay naman ng kasong grave coercion, grave oral defamation, at attempted murder na isinampa ni Nadia laban kay Annabelle.

Na-postpone ito noong nakaraang linggo kaya kailangang maituloy na ito sa Huwebes.

Ayon kay Nadia, nahihirapan na rin siya habang tumatagal ito dahil sa maraming nangyayari.

Kung anu-ano na rin daw ang mga natatanggap nilang masasakit na salita, at meron pa raw ginagawa laban sa kanila si Annabelle pati ang ilang anak nito.

"Araw-araw, meron silang nagagawang bago sa amin na nakakasakit sa amin.

"Araw-araw, merong mga bagong nababalitaan na sinasabing masakit tungkol sa amin.

"It's just getting too personal.

"Still, I want to stick to child abuse case and I can't wait for my day to come," saad ni Nadia.

THE RICHARD-YNNA INCIDENT. Ibinigay na halimbawa ni Nadia ang insidenteng nangyari noong Linggo, February 19, sa Party Pilipinas.

Naging isyu ang hindi pagbanggit ni Richard Gutierrez ng pangalan ni Ynna Asistio sa isang production number sa musical-variety show na ito ng GMA-7.

Si Richard ay anak ni Annabelle, samantalang si Ynna ay anak ni Nadia.

Nalaman ni Nadia na nakasulat naman daw ang pangalan ni Ynna sa idiot board, pero hindi raw ito binanggit ni Richard na siyang nag-intro sa production number.

Sabi ni Nadia, "Halatang sinadya. Puwede n'yo naman makita sa YouTube yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sayang, kasi respetado siya [Richard]. He's a very good host... supposed to be known as a good host.

"He just had his show that finished, ang Survivor. Yung mga staff at mga head ng Party Pilipinas, siyempre pagkakatiwalaan ang magaling nilang host.

"Pero namimersonal na si Richard, at si Ynna naman ang tinitira.

"So, it's just sad for somebody at his stature, na parang hindi na gawain ng lalaking ginagawa niya sa isang batang babaeng 'tulad ng anak ko.

"Be professional."

Patuloy ng ina ni Ynna, "Ako, saludo ako kay Raymond [Gutierrez, kakambal ni Richard] sa pagiging host.

"Raymond, last week, mentioned Ynna's name in a production number.

"But I don't understand why he [Richard] didn't."

Ayon pa kay Nadia, tinanggap naman daw niya ang apology mula sa direktor at ilang staff ng Party Pilipinas dahil sa nangyari.

Pero aniya, "I still hope GMA summons him for his action."

Dagdag naman ng abugado ni Nadia, balak daw nilang magpadala ng sulat sa GMA-7 at hihingin daw nila na mabigyan ng "disciplinary action" si Richard sa ginawa nito.

Sabi ni Atty. Abraham, "That act is so uncalled for for a talent na dapat maging ehemplo 'yan sa mga viewers.

"At saka GMA should protect their talents even to their co-talents."

Sabi pa ni Nadia, sa tamang panahon ay ilalabas daw niya ang mga iniipon niyang "pasabog" laban kay Annabelle.

"Sa akin lang naman, e, hangga't hindi sila tumitigil, hindi rin naman ako magpapaapi.

"You know, when you stick to the truth, ang dali lang naman magsasalita, e.

"Pero kapag inconsistent ka na, kung ano ang sasabihin, kahit ikaw, hindi mo na alam kung ano ang mga pinagsasabi mo, e."

ANNABELLE STRIKES AGAIN. Pagkatapos ng panayam ng PEP kay Nadia at sa kanyang abugado sa San Juan Prosecutor's Office, kaagad naming tinawagan si Annabelle para mahingan ito ng sagot sa mga naging pahayag ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tila matindi ang galit ni Annabelle dahil hindi pa man kami natatapos ng sasabihin namin, nagsalita na itong wala raw panahon ang anak niya sa mga "starlet"—na maaring si Ynna ang tinutukoy nito.

"Superstar ang anak ko! Wala siyang panahon sa mga starlet!" galit na sagot ni Annabelle sa telepono.

Si Annabelle pa rin ang talent manager ni Ynna hanggang ngayon.

Kahapon naman ng umaga, February 20, ay nag-post si Annabelle ng mga matitinding patutsada sa kanyang Twitter account.

Pero hindi siya nagbanggit ng mga pangalan kung sino ang pinatatamaan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN