Nadia Montenegro not yet ready to forgive Annabelle Rama: "Patawarin ako ng Diyos, sana turuan Niya akong patawarin itong taong ito. Dahil sa tingin ko, hindi ko magagawa sa ngayon."

IMAGE Noel Orsal

Nadia Montenegro on figthing until the end: "Lalaban ako hangga't mapagbayaran lahat ng luha, lahat ng sakit, lahat ng gabing hindi kami nakatulog, lahat ng panghihiyang inabot namin, lahat ng kasinungalingan. Hanggang sa mapatunayang hindi totoo, lalaban ako."


Noong Pebrero 11 ay itinampok sa Showbiz Inside Report (SIR) ang buhay ni Annabelle Rama, kung saan sa isang bahagi ng panayam sa Gutierrez matriarch ay may mga binitiwan siyang matitinding salita at patutsada kay Nadia Montenegro.

Kahapon, Pebrero 18, ay ang side naman ni Nadia ang napanood sa nasabing ABS-CBN showbiz talk show.

Ang palitan ng mga salita at sigalot sa pagitan ng dalawa ay nagsimula nang idemanda ni Nadia si Annabelle ng patung-patong na kaso ng child abuse, oral defamation, at falsification of public documents.

May kinalaman ito sa mga menor de edad na mga anak ni Nadia na sina Alynna at Annyka, na mina-manage naman ni Annabelle.

Sa panayam kay Annabelle ng SIR co-host na si Janice de Belen, inihayag nito ang nararamdaman niya para kay Nadia. Aniya, "Galit! At kailangan kong gumanti."

Kung sakaling lalapit daw si Nadia at makikipag-ayos, sabi ni Annabelle hindi pa raw siya handang magpatawad.

Si Nadia naman ang nagpahayag ng kanyang saloobin sa panayam sa kanya ni SIR co-host Joey Marquez.

Mapapansin sa mga pahayag ni Nadia na sadyang hindi niya binanggit ang pangalan ni Annabelle at ang sinasabi niya lang ay "itong taong ito."

Inamin ni Nadia na sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay, ang nangyayari sa kanilang away ngayon ni Annabelle ang pinaka-dinamdam niya.

Bulalas ni Nadia, "Yung nangyayari ngayon sa buhay namin, yung ginagawang sakit at yung ginagawang pang-aapak, paninirang-puri, puro kasinungalingan tungkol sa amin, sa mga anak ko.

"Yung sa akin kasi, kaya ko pa e. Pero 'pag yung mga anak ko, ibang usapan na yun."

Paano naapektuhan ang mga bata?

"Araw-araw may bago kaming naririnig. Araw-araw may panibagong sakit, dagok.

"Ang pinakamahirap, hindi mo puwedeng harapin ng ganung level. Umabot sa puntong nalagas yung buhok ng anak ko sa stress.

"Dumating sa puntong isang araw, sabi ko, 'Patayin ko na lang kaya ang buong pamilya ko para wala na lang makaramdam ng sakit.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nung inisip ko na iisang tao lang naman ito, at walang kuwenta, lumaban ako," saad ni Nadia.


WILL FIGHT TO THE END. Paano lumaban si Nadia?

"Lalaban ako hangga't mapagbayaran lahat ng luha, lahat ng sakit, lahat ng gabing hindi kami nakatulog, lahat ng panghihiyang inabot namin, lahat ng kasinungalingan.

"Hanggang sa mapatunayang hindi totoo, lalaban ako.

"Pinakamalaking pagsisisi ko is nagtiwala ako sa isang tao na isang daang tao pa mahigit ang nagsabi sa akin na huwag pagkatiwalaan."

Bakit niya pinagkatiwalaan?

"Kasi nasa showbiz tayo.

"Sa loob-loob ko, e, yung mga sinasabi nga sa akin, hindi totoo, baka naman hindi rin totoo yung mga sinasabi sa taong ito.

"I should have known better.

"Pero magaling... magaling magpaikot, magaling magpapaniwala.

"Sabi ko nga, kung ako naloko e, yung ibang tao pa kaya."

Paano niya sinasagot ang mga anak niya 'pag nagtatanong ang mga ito kung kailan matatapos ang lahat?

"Kasi continuous naman ang explanation sa kanila, e—legally and emotionally lalo na.

"Ang importante kasi, alam naman ng mga bata ang totoo, e. Kasi sa kanila ginawa, e.

"Ang masakit lang sa akin kasi responsibilidad ko yun. Dapat hindi ko sila nilagay sa ganitong sitwasyon."

WHAT'S WITH NADIA? Kung hindi siya si Nadia, paano niya ie-express yung sama ng loob niya?

"Kung hindi ako si Nadia na may pinag-aralan... kung hindi ako si Nadia na may Boy Asistio... kung hindi ako si Nadia na ina ng mga anak ko... at yung laban na alam ko, siguro matagal nang wala itong taong ito sa mundong ito.

"Pero ako si Nadia, lalaban ako. Sino lang ba siya?" sagot ng '90s actress.

Ang Nadia Montenegro ba ay madali ring magpatawad?

"Madali, sobrang dali.

"Pero patawarin ako ng Diyos, sana turuan Niya akong patawarin itong taong ito. Dahil sa tingin ko, hindi ko magagawa sa ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakatulog ba siya sa gabi?

"Nakakatulog. Alam mo bakit? Kasi alam ko, siya hindi."

Sa mga pangyayaring ito, paano niya nakikita ang sarili niya sa kinabukasan dahil sa ganitong problema?

"If God is with you, who can go against you? So, I know when this is gonna end.

"Sabi nga, mas mabuti nang lumaban ka kaysa sa nanahimik ka lang, di ba?

"Pero alam ko kaya ako nandidito ngayon, kasi nandiyan ang Diyos sa tabi ko."

CHILDHOOD. Kasama rin sa mga napag-usapan nina Joey at Nadia ang kabataan ni Nadia.

Siyam na taong gulang daw siya noong iwan sila ng kanyang ama. May pagkabayolente raw ang kanyang ama sa kanyang ina.

"Nakikita ko madalas na silang mag-away.

"My dad kasi, sobrang seloso. To the point na he almost killed my mom.

"My mom has 186 stiches. She was stabbed actually in Hong Kong when my mom decided to separate," pagsisiwalat ni Nadia.

Nakita niya ba lahat ito?

"Hindi nila sinabi sa akin. Tinago nila sa akin until I found out when I was eleven why my dad left.

"That's when I understood it all."

Bata pa nang magsimula si Nadia sa showbiz.

"I signed a contract with Regal at the age of eleven, 1984."

Hindi ba mahirap na sa murang edad niya ay nagtatrabaho na siya?

"When I was offered a contract in Regal, that was also the same time I told my mom, 'Stop working. Ako na ang bahala sa lahat,'" sabi niya.


LOVE AT A YOUNG AGE. Sa pagpasok niya sa showbiz sa murang edad, maaga ring namulat si Nadia sa mabilis na takbo ng buhay sa industriya.

Naging mabilis nga ang lahat, kabilang na ang pakikipagrelasyon nang maaga.

Hindi naglaon ay nakilala ni Nadia ang lalaking bumago ng kanyang buhay—ang noo'y Caloocan City mayor na si Macario "Boy" Asistio III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit napunta ang isang napakagandang Nadia Montenegro kay Boy?

"Siguro kasi lahat ng nagustuhan ko sa kanila [ibang lalaki], e, nakita ko sa isang tao lang, kay Boy."

Katulad ng ano?

"Karisma niya. Yung sobrang respeto. Yung pagkamaginoo niya, lalo na yung pagmamahal niya sa nanay ko. Doon ako talagang nahulog."

Sixteen pa lang si Nadia nang magsama sila ni Boy na noo'y 53 years old. Hindi ba siya nailang sa agwat ng edad nila?

"Hindi na. He really had the charm na, you know, he was very sincere to the point I didn't even know... yung parang nothing bothered me. Everything in-erase ko.

"Sabi ko, 'Pero may pamilya ako. Kailangan kong magtrabaho. Hindi ko sila puwedeng iwanan.'

"Sabi niya, 'Akong bahala sa inyong lahat.'"

Kasabay ng malaking desisyon ni Nadia na pagsama kay Boy ay ang pagharap ni Nadia sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.

Tinalikuran niya ang showbiz at hinarap ang kanyang pagiging ina.

Hinarap din niya ang katotohanang hindi kailanman magiging perpekto ang pamilyang pinangarap niyang buuin.

Nagkaproblema ba siya noong malaman niyang may anak si Boy sa iba? Paano niya tinanggap ito?

"Pumasok ako sa relasyon namin alam ko na. At pumasok ako sa relasyon na ang hinihingi ko lang ay yung sapat lang para sa akin," sagot ni Nadia.

HER CHILDREN IN SHOWBIZ. Katulad niya, hindi rin napigilan ni Nadia ang tawag ng showbiz sa kanyang mga anak dahil tatlo sa mga ito ay mga artista na ngayon—sina Ynna, Alynna at Annyka.

Sa tingin niya ba ay blessed siya sa kanyang mga anak?

"I am blessed. They are the only reason why I am alive right now. They're the only reason why I wake up every day."

Hanggang saan niya ipaglalaban ang mga anak?

"Hanggang kamatayan. Hindi ako papayag na kawawain ang mga anak ko," mariing sabi ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN