Ynna Asistio denies calling Annabelle Rama "bugaw"; Annabelle calls Ynna's family "sinungaling"

IMAGE 0

Ynna Asistio on continuing to give Annabelle Rama (inset) a cut of her talent fee: "Sa totoo lang, masama po ang loob ko na bibigyan ko siya, e. Pero kailangan kong sumunod, e. Wala naman siyang nagagawa sa akin. Ako, gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko—kaya kong kumuha ng trabaho para sa sarili ko."


Dumating si Ynna Asistio sa Quezon City Prosecutor's Office kahapon ng umaga, February 15.

Kaugnay ito sa hearing para sa mga kasong isinampa laban sa isa't isa nina Nadia Montenegro at Annabelle Rama.

Si Ynna ang anak ni Nadia. Ang talent manager naman ni Ynna ay si Annabelle.

Pero hindi nagkita sa QC Hall of Justice sina Ynna at Annabelle dahil na-late ng dating ang young actress.

"BUGAW" ISSUE. Napabalitang si Ynna naman ang idedemanda ni Annabelle.

May mga lumabas daw na mga interbyu kung saan pinagbibintangan diumano ng young actress ang kanyang manager ng pambubugaw sa kanyang mga talents.

Pero ayaw pang magbigay ni Annabelle ng detalye tungkol dito.

Basta abangan na lang daw, dahil ipapaalam din niya kapag itutuloy na niya ang pagsampa ng kaso laban sa alagang young actress.

Pero mariing pinabulaanan ni Ynna ang naturang paratang.

Kahit daw ilabas pa ang record ng mga interview sa kanya, wala raw siyang sinabing "binugaw" siya o "bugaw" ang kanyang manager.

Sabi ni Ynna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Kung na-misquote man ako sa mga articles, sana may record pa sila para makita nila na wala talaga akong sinabing ganun.

"Never ako talaga nagsabi ng ganung word sa kanya.

"Kung may maipapakita siyang proof na sinabi ko yun, haharapin ko, dahil sigurado po ako na wala akong sinabing ganun."

Pero kung talagang pursigido raw si Annabelle na idemanda siya, nakahanda naman daw si Ynna na harapin ito.

Aniya, "Handa po ako dahil sigurado ako na wala talaga akong sinabing ganun.

"Kung idemanda niya ako, haharap ako dahil wala talaga akong sinabing ganun—at hindi ko po ginamit ang word na yun."

Nang makarating naman kay Annabelle ang pagtanggi ni Ynna, sinabi nitong:

"Ay, sinungaling pala talaga ang pamilya na 'yan. Dyusko 'Dong, grabe 'Dong!"

STILL HER MANAGER. Hanggang ngayon ay itinuturing pa rin ni Ynna na manager niya si Annabelle dahil hindi pa nga raw sila naire-release.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Ynna, talents din ni Annabelle ang mga kapatid nitong sina Anykka, Ayisha, at Sophia Asistio.

Tumatanaw pa rin daw siya ng utang na loob sa kanyang manager dahil sa mga tulong na ibinigay nito sa kanya noon.

Ani Ynna, "Ever since naman po, sinasabi ko na nagti-thank you ako dahil naging manager ko siya.

"Pero ang akin lang po, hindi naman po porke't sumasagot ako sa mga tanong sa akin ng mga tao, ng mga reporter—hindi ibig sabihin, wala na akong utang na loob.

"Wala pong may nag-e-explain ng side ng Mommy ko, so ako po ang gumagawa dahil ako po ang nai-interview ng mga tao.

"Kahit papaano, may respeto pa rin po ako sa kanya dahil naging manager ko pa rin siya, at bilang nakakatanda ko.

"Kahit ano pong sabihin niya, tatanggapin ko.

"And hindi naman kasi alam ng mga tao ang mga pahirap na ginagawa niya... I mean, sa akin, sa trabaho ko, kay Mommy."

Tinanong ng PEP si Ynna kung anong mga pahirap ang ginawa sa kanya noon ni Annabelle.

Sagot ng young actress, pawang "verbal abuse" daw tungkol sa kanyang timbang.

Pero hindi na niya idinetalye kung ano ang eksaktong ginagawa sa kanya, sa mga kapatid niya, at sa mommy niya.

KEEP ON WORKING. Gusto na lang daw ni Ynna na ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

Malaki nga ang pasasalamat niya sa GMA-7 dahil hindi naman daw siya pinababayaan pagdating sa trabaho.

Siya na lang daw ang solong naghahanap ng trabaho para sa sarili, pero patuloy pa rin daw ang pagbibigay niya ng komisyon kay Annabelle bilang manager niya.

Ayon kay Ynna, "Sa ngayon ay wala po akong manager na tumutulong sa akin... ako na lang ang gumagawa lahat.

"Alam naman po ng mga tao sa GMA na ako na talaga ang kumukuha ng work ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit may cut siya [Annabelle], okay lang sa akin.

"Pero yun nga, e, dahil manager ko siya at ayaw niya kaming pakawalan.

"Sana kung talagang gusto niya kaming pahirapan, sana huwag na lang niya kaming guluhin dahil nakukuha naman niya ang nakukuha niya as manager.

"Sana huwag na ring mandamay ng kahit sino, kasi ang hirap, e."

Pag-amin pa ni Ynna, "Sa totoo lang, masama po ang loob ko na bibigyan ko siya, e.

"Pero kailangan kong sumunod, e.

"Wala naman siyang nagagawa sa akin.

"Ako, gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko—kaya kong kumuha ng trabaho para sa sarili ko."

ANNABELLE'S REPLY. Taliwas sa pahayag ni Ynna, madalas sinasabi ni Annabelle na lahat ng nakukuhang trabaho ngayon ng young actress ay dahil sa kanya.

Siya raw ang nagsasara nito bilang manager.

Kaya masama raw ang loob ni Annabelle dahil ganun pa raw ang isinukli sa kanya ni Nadia at pati na rin si Ynna.

Sabi ng talent manager, "Kung idinaan niya [Nadia] ako sa magandang usapan, baka i-release ko sa kanya ang anak niya.

"Kahit ako naman ang nagpagod, ako naman ang nag-develop, ako naman ang gumastos, siya ngayon ang gustong kumain.

"'Tapos, bawiin niya sa akin nang basta ganun na lang?

"Paratangan pa niya ako, na sabi, binubugaw ko raw ang anak niya?

"Nadia, tumingin ka nga sa kamera. Tumingin ka sa salamin, kahit saan tumingin ka, itanong mo ang sarili mo: sino ang bugaw sa ating dalawa?

"Ikaw ang sumagot niyan," makahulugang mensahe ni Annabelle kay Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN