Annabelle Rama lashes out at Heart Evangelista and Nadia Montenegro anew

IMAGE Noel Orsal

Annabelle Rama on being accused as a stage mother: "Hindi ako stage mother. Dedma lang ako. Naiinggit lang yun [nagsasabi nun], 'day. Yung pagiging stage mother, yung nakikialam nang nakikialam maski wala namang dapat pakialaman. Hindi ako ganyan."


Matitindi ang mga binitiwang salita at patutsada ni Annabelle Rama laban kina Heart Evangelista at Nadia Montenegro nang mapag-usapan ang pagiging talent manager niya.

Ito ay naganap sa panayam sa Gutierrez matriarch ni Janice de Belen sa Showbiz Inside Report, noong Sabado, Pebrero 11.

Nagpapakita kasi ng mga larawan si Janice ng mga present and past talents ni Annabelle—at kabilang nga roon si Heart.

Sumambulat ang awayan nina Heart at Annabelle noong last quarter ng taong 2010, nang tawagin ni Annabelle si Heart na "ingrata, walang utang na loob, at malalaos din."

(CLICK HERE to read related story.)

Nag-ugat ito sa hindi pagkakasundo ni Annabelle at ni Mrs. Cecile Ongpauco, ang mommy ni Heart.

Hindi na kasi nag-renew ng co-managerial contract ang kampo ni Heart kahit na 2011 pa dapat matatapos ang contract nila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang kampo at mararamdaman sa mga salita ni Annabelle ang galit niya kay Heart at sa mommy nito.

Ayon kay Annabelle, "Ginamit lang ako ni Heart. Ginamit ako ng nanay niya.

"Ikaw Baby, ginamit mo ako. Makakarma rin kayo, 'Day! Makakarma ka rin, Heart!"

NADIA MONTENEGRO. Kasama rin sa mga larawang ipinakita ni Janice ang larawan ni Nadia dahil talents ni Annabelle ang tatlong anak ni Nadia na sina Ynna, Alynna, at Annyka Asistio.

Nagsimula ang gulo sa pagitan nina Nadia at Annabelle nang magsampa ng demanda ang una laban sa huli para sa kasong "child abuse."

Ito ay dahil sa umano'y hindi pagiging mabuting manager ni Annabelle, lalo na sa mga menor de edad na anak niyang sina Alynna at Annyka.

Tanong ni Janice kay Annabelle: Were you and Nadia ever friends?

"Actually, iyan nakilala ko siya through Ruffa, Gretchen [Barretto].

"Naging close kami dahil yung Che [Tiongson], yung dating asawa ni Chavit Singson, sa kanya nakatira.

"Dumadalaw ako kay Che, nandun siya [Nadia]. Hanggang sa naging close kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait naman pati yung mga anak niya. 'Tapos nakita ko yung kahirapan nila.

"So, nakiusap siya sa akin na kung puwedeng yung kanyang anak, hawakan ko para mag-artista. Hanggang sa na-convince niya na ako na hawakan ko.

"Alam ko talaga, Janice, hindi pang-artistahin ang mga anak niya. Siguro sa powers ko, magaling akong mag-sales talk...

"Sa madaling-salita, nakakuha ako ng three years contract, tatlo sila.

"Hindi pa ba siya happy doon? Dapat maging happy siya. Dapat maging thankful sa akin."

Bakit umabot sa punto ng awayan at demandahan?

"Dinemanda nga ako, 'Day, e. Hindi ko alam kung ba't ako dinemanda. Hindi ko nga alam."

Hindi ba sila nag-away prior bago nuon at wala ba siyang naging away sa mga anak ni Nadia?

"No, wala kaming away ni Nadia. Wala.

"Ang mga anak niya, panay nga ang sumbong sa akin kasi wala silang pera.

"Sabi ko, 'Nasaan ba ang mga pera ninyo? Kasi panay ang advance n'yo sa akin, pambili ng damit, pang-enrollment.'

"Sabi nila, 'Na kay Mama. Kinuha ng Mama ko at Papa ko kasi magtatalbog daw yung mga tseke sa bangko.'

"Yun ang sabi sa akin nung dalawang bata.

"Sabi ko, 'Huwag kayong pumayag.'

"Sabi ko, 'Nads, puwede ba ang pera ng mga bata, ibigay mo sa kanila kasi kailangan bumili ng gamit, ganyan-ganyan. Kawawa yung mga bata, nagsusumbong sa akin.'

"Doon siya nagalit sa akin, kasi pinagsabihan ko siya."

Pero minahal niya ba ang mga anak ni Nadia?

"Siyempre naman. E, kung hindi ba, ba't pinapaaral ko pa sila?"

Paano kung ang lumapit sa kanya ay yung dalawang bata?

"Alam mo, nagte-text nga sila sa akin nung umpisa ng gulo namin. Nag-text sa akin yung Alynna.

"Sabi nga, 'Nami-miss ko yung showbiz. Gusto ko sanang makatrabaho ulit yung mga kasama ko diyan sa ano... sa istasyon [TV5].'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Hindi ako puwedeng magdesisyon. Kausapin n'yo ang nanay ninyo.'

"Sabi nila, ayaw daw pumayag.

"'Wala akong magawa kasi mga minor lang kayo.'"

Ang nararamdaman ba niya ngayon para kay Nadia ay more hurt or galit talaga?

"Galit! At kailangan kong gumanti!" sagot ni Annabelle.

Kung sakaling lalapit daw si Nadia at makikipag-ayos, sabi ni Annabelle, hindi pa raw siya handang magpatawad.

"Siguro, not now. Kasi matindi ang ginawa sa akin.

"Biro mo naman, binigyan mo ng trabaho, ginastusan mo na, 'Tapos, eto pa ang igaganti mo sa akin Nadia, Ynna?'"

Si Ynna Asistio ang panganay na anak ni Nadia.

Is there room for forgiveness in her heart?

"Not now," sagot ni Annabelle.

"Kasi unang-una, Janice, wala akong kasalanan. Masakit yun, di ba?

"Kasi tumulong ka na. Nagbigay ka ng hanapbuhay sa kanilang lahat, 'tapos ganito pa ang gagawin sa akin."

Meron pa bang ibang mas matinding akusasyon sa kanya?

"Ito ang pinakamatindi—dapat pinakinggan ko si Gretchen Barretto, si Pops Fernandez.

"Lahat nag-advice sa akin na, 'Huwag kang makipag-ano kay Nadia kasi, in the long run, ikaw rin ang masasama diyan.'"

SUPPORTIVE HUSBAND. Sa mga labang ito ni Annabelle, buo naman ang suporta sa kanya ng asawa niyang si Eddie Gutierrez.

Sabi ni Eddie, "So, she has to fight back. Hindi ko gusto yung mga accusation sa kanya.

"Alam mo si Annabelle, basta't nasa tama, talagang ano... At saka, usually, yung mga fights niya, hindi siya ang nag-uumpisa.

"Usually, it's the other party who starts the fight."

Tanong ni Janice kay Annabelle: "Alam ko, matapang ka. Alam ko, wala kang inaatrasan. Pero meron bang point... meron bang laban na nagdesisyon kang tumahimik na lang?"

Sagot ni Annabelle, "Hindi yata nangyari yun sa akin, 'Day, e. Kasi parang hindi ko matanggap."

E, di ba, sabi nila mas magandang panlaban din yung maging silent?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Annabelle, "Kasi hindi ako martir, e. 'Pag ako ginanun mo, maski konting bagay, gaganun ako sa iyo.

"At malaman nila kung sino ako, na hindi ako puwedeng basta gawan mo ng kuwento."

May kinatatakutan ba siya?

"Taas [God]," sagot ni Annabelle.

Aside from that?

"Husband ko, si Eddie."

Kapag si Eddie ba ang nagsabi sa kanya na tama na, nakikinig siya?

"Wala pa siyang sinasabing ganun sa akin. Alam niya kasi lagi akong tama, e."

ON BEING A MANAGER. Napag-usapan din nina Janice at Annabelle kung anong klaseng manager ang huli.

Ayon kay Annabelle, mahigpit talaga siyang manager.

"Siyempre 'pag talent ko, parang anak ko na rin yun. Kailangan type kita para maalagaan kita.

"Paaralin kita ng acting, dancing, at saka titingnan ko yung mga damit mo kung okay ba ang damit mo.

"Mahigpit akong manager. Ayoko silang ma-late.

"Pag trabaho, trabaho. Ang boyfriend, set aside mo iyan."

Pero nakikialam ba siya sa lovelife ng talents niya?

"Hindi. Maski pa ang boyfriend niya patay-gutom, wala akong pakialam. Ang akin, trabaho lang."

NOT A STAGE MOTHER. Sa pagiging manager ni Annabelle, patuloy siyang dumadaan sa pang-iintriga. Pero patuloy niya itong nilalabanan, pati na rin ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang mga alaga.

Unang-una na ngang ipinagtatanggol ni Annabelle sa kanyang mga talents ang mismong mga anak niya—lalo na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.

Hindi ba conflict of interest yung pagiging nanay at manager niya at the same time?

"Wala namang problema. Mag-usap kami nina Richard, professional. 'Ito yung offer n'yo.'"

Itinanggi niya rin na isa siyang stage mother.

"Hindi ako stage mother. Dedma lang ako. Naiinggit lang yun [nagsasabi nun], 'Day.

"Yung pagiging stage mother, yung nakikialam nang nakikialam maski wala namang dapat pakialaman.

"Hindi ako ganyan."

Paano niya ide-describe ang mga anak niya?

"Actually, si Ruffa mabait naman talaga iyan. Nagmana lang siya sa akin, matapang. Mabait naman si Ruffa, generous.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Number one kong phone pal si Ruffa. Umaga pa lang, 'Anong balita?'

"Pero lagi kaming nagka-clash, di ko alam kung bakit.

"Si Richard naman, matapang din iyan.

"Kaya tuluy-tuloy siyang sinusuwerte, siguro trained ko rin, very generous sa mga kapatid niya.

"Yung mga kapatid niyang mahina ang income, doon siya nagko-concentrate.

"Si Raymond, mahigpit sa pera iyan. Iyan lang ang anak ko na wala akong komisyon. Ayaw magbigay.

"Kasi si Raymond, laki ng Amerika iyan. 'Pag laki ka ng Amerika, iba ang mentality doon, e.

"'Pag trabaho mo, kailangang pera mo i-enjoy mo. Kaya okay lang sa akin. Ang importante may trabaho siya.

"Si Rocky, happy-go-lucky lang naman iyan, e. Hindi nga tumatawag sa akin iyan. Siguro once a month.

"Si Ritchie Paul, ganun din.

"Basta dalawang anak ko ang pipi—si Rocky at si Ritchie Paul.

"Ang salita lang sa akin, 'Pahinging allowance.'

"'Pag hindi, maski kaming lahat magulo na sa bahay, kuwento-kuwentuhan, tahimik lang sila.

"Si Elvis, okay naman. Basta ako, wala akong komisyon kay Elvis at saka kay Raymond.

"'Ma, kasi marami akong kailangang bilhin.' Hindi ako hihingi.

"Ako kasi, ang importante sa akin, magtrabaho. Yun ang gusto ko.

"Yun namang komisyon ko kay Ruffa, hindi naman napupunta sa akin.

"Nababawi din naman niya dahil ako lahat—magbayad ng driver, kusinera niya, yaya niya... Lahat, pagkain ng mga apo ko.

"Lahat ako naman lahat, e. Kaya yung komisyon, kunwari lang yun."

Handa raw siyang ipaglaban ang kanyang mga anak kahit kanino.

"Siyempre naman, anak ko iyan, e. Basta ako, hanggang buhay ako, nandiyan ako sa likod ng mga anak ko," sabi ni Annabelle.

JC DE VERA. Isa pa sa mga larawang ipinakita ni Janice kay Annabelle ay si JC de Vera.

Ano ang pakiramdam niya na nagpatuloy si JC sa pagiging talent niya kahit na nagkaroon ito ng option na iwan ang kanyang management?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakapag-renew na siya sa akin ulit.

"Si JC, ako'y bilib diyan. Every pay day niya [dati], P8,000.

"Sabi ko, 'Magtiis-tiis ka lang, JC. Makakatikim ka rin ng P50,000.'

"Ngayon, more, more, more. Nakabili pa siya ng bahay."

Kung halimbawang hindi nag-stay si JC sa kanya, sasama ba ang loob niya?

"Hindi, okay lang sa akin. Kung saan siya happy.

"Pero siya ang nagsasabi sa akin, 'Tita, magre-renew ako sa iyo.'

"Basta wala kaming problema ni JC."

DANITA PANER. Loyal talent din ni Annabelle si Danita Paner.

Hindi ito umalis sa poder ni Annabelle kahit na hindi maganda ang relasyon ngayon ng kanyang manager sa mommy niyang si Daisy Romualdez.

Ito raw ay dahil sa pagpanig ni Daisy kay Nadia.

Sabi ni Annabelle, "Ako'y bilib sa batang iyan, si Danita Paner.

"Kasi sinumbong ko sa kanya, yung nanay niya at saka si Nadia nag-meeting para i-out siya sa akin.

"Sabi ko kay Danita, 'Meron akong sulat galing sa lawyer mo sa office ko, nagpapa-release.'

"'Tita, hindi akin 'yan. Baka sa mommy ko iyan.'

"'Ano ba ang gusto mo, magpa-release?'

"'Hindi. Kung gusto mo mag-renew pa ako sa iyo. Wala pa akong one year sa iyo, e. Hindi puwedeng magpapa-release ako sa iyo.'"

Paano kung maapektuhan ang relasyon ni Danita sa mommy niya?

"Kasi si Danita, malaki na iyan. Hindi na kailangang manduhan nang manduhan ng nanay niya iyan.

"Meron nang utak iyan. Alam na niya ang mga desisyon niya.

"Kaya iyang batang iyan, ako'ng bahala diyan.

"Danitski, akong bahala sa iyo, 'Day."

Sabi naman ni Danita sa interview sa kanya ng Showbiz Inside Report, "Meron kasi akong kontrata, so kailangan kong sundin yun.

"And yung isyu nila ni Mommy, I'm sure eventually maaayos din nila yung dalawa. Kasi ever since, away-bati, away-bati din sila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, nakausap ko na silang dalawa individually. Sabi ko, gagawin ko yung trabaho ko.

"And yung isyu nila, labas na ako doon. But, siyempre, I'm hoping for the best sa kanilang dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN