Annabelle Rama blows her top at court hearing with Nadia Montenegro

IMAGE Noel Orsal

Former actress Nadia Montenegro (left) and talent manager Annabelle Rama (right) faced each other again at the San Juan Hall of Justice during the preliminary hearing of the theft case filed by Annabelle against Nadia. It was no surprise that the two engaged in a shouting match, again.


Muli na namang sumiklab ang damdamin ng talent manager na si Annabelle Rama sa muli nilang paghaharap ng dating aktres na si Nadia Montenegro.

Nagkita ulit ang dalawa kaninang umaga, January 30, sa fiscal's office sa San Juan Hall of Justice, kaugnay ng reklamong pagnanakaw (theft) na isinampa ni Annabelle laban kay Nadia.

Ayon kay Annabelle, kinuha diumano ni Nadia nang walang paalam ang ilang kasangkapan niya, na nagkakahalaga ng P500,000, sa kanyang bodega sa Brgy. Batis, San Juan.

Kabilang daw dito ang 10 antique accent chairs, 65-inch Sony TV, designer frame set, accent table, 3 beds with headboard and mattresses, antique cabinet, at isang set ng BelKraft stainless steel pots and pans.

Pero itinanggi ni Nadia ang mga paratang na ito sa kanya ni Annabelle.

Ayon sa dating aktres, nakuha niya ang mga gamit na ito sa isang furniture store sa Quezon City.

Sa report ni Mario Dumaual para sa ABS-CBN News, hiniling din ni Nadia na ibasura ang kaso dahil hindi raw sakop ng San Juan ang insidente. Nangyari raw ang insidente sa Quezon City.

Pero nang magkomento si Nadia na tinulungan pa niya si Annabelle nang pumayag siyang bilhin ang hospital bed ng talent manager, dito na raw nagwala si Annabelle.

Buwelta ni Annabelle, "Fifteen thousand ko nabenta, binigay ko sa kanya, nakatulong pa nga ako.

"Wala akong natatanggap na pera sa kanya! Fifteen thousand? E, bago pa 'yon, P48,000!

"Hindi ko pa nga nagamit nung magkasakit ako nun, sinungaling siya!"

Ayon pa sa ABS-CBN report, hinintay pa ni Annabelle si Nadia sa parking lot ng San Juan Justice Hall.

Sumigaw raw si Annabelle ng: "Lumabas ka diyan, sinungaling ka, halika rito, duwag!"

Sabi pa raw nito: "Nadia Montenegro, bumaba ka diyan, magnanakaw!"

Dahil sa insidenteng ito, nahaharap ngayon si Annabelle sa reklamong "grave oral defamation."

Sabi ni Nadia tungkol sa nangyari, "I came here dahil equal kami sa korte and what does she do? Threaten me? I have to protect myself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umapela rin si Nadia sa Quezon City Prosecutors Office na magbigay ng resolution sa kasong child abuse na isinampa niya laban kay Annabelle.

Si Annabelle ang manager ng tatlong menor de edad na anak ni Nadia.

Samantala, giit ni Annabelle, patutunayan niyang nagsisinungaling si Nadia sa kasong theft.

Ang susunod na hearing para sa kasong isinampa ni Annabelle sa San Juan Hall of Justice ay naka-schedule sa February 6.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagwala si Annabelle sa paghaharap nila ni Nadia.

Matatandaang gumawa rin ng eksena ang talent manager sa Quezon City Prosecutors Office, sa loob mismo ng tanggapan ni Fiscal Liezel Aquiatan-Morales, noong December 6, 2011.

Kaugnay ito ng clarificatory hearing para sa kasong child abuse at defamation na isinampa ni Nadia laban sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN