Annabelle Rama explains why she blew up at the clarificatory hearings on the cases Nadia Montenegro filed against her

IMAGE 0

Annabelle Rama (in photo) to Nadia Montenegro: "Sabi ko, 'Bayaran mo ang utang mo sa akin!' [Sabi niya] wala siyang utang. Kapal ng mukha niya! Wala siyang utang sa akin? Pera daw ng mga bata ang kinukuha niya sa akin. Pera ng mga bata? Ang suweldo ng mga bata, 20,000? Ano, kupitin ko ba yun? Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yan!"


Galit na galit ang talent manager na si Annabelle Rama kaninang umaga, December 6, nang makausap ng press sa Quezon City Prosecutor's Office.

Nagmamadaling umalis si Annabelle mula sa isang clarificatory hearing para sa kasong child abuse at defamation na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanya.

Nagkaroon kasi ng bahagyang kaguluhan nang magsisigaw si Annabelle sa loob ng office ng piskal na si Liezel Aquiatan-Morales.

(CLICK HERE to read related story.)

"SINUNGALING SIYA!" Hindi na tinapos ni Annabelle ang hearing at nagmadaling umalis sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kahit na humahangos ay nakapagbigay pa rin ng maikling panayam si Annabelle sa media na humahabol sa kanya.

Ipinaliwanag ni Annabelle kung bakit siya nagsisigaw.

"Kasi sinungaling siya, e. Deny siya nang deny sa fiscal.

"Tapos parang dinidiin niya ako.

"Sabi ko, 'Magsabi ka ng totoo sa fiscal, wag kang magsinungaling!'

"Kasi mga tanong kasi ni fiscal, hindi niya masagot-sagot.

"Sinungaling siya!"

Si Nadia ang pinatutungkulan ni Annabelle sa kanyang matatalim na pahayag.

Paliwanag pa niya, "Sabi ng fiscal kasi, 'Dati kayong magkaibigan.'

"Sabi ko, 'Wala akong kasalanan. Ang kasalanan ko lang, magbigay ng trabaho sa dalawang anak niya.

"'Nandiyan ang mga bata, magdamag nagtatrabaho 'yan, kumukuha siya ng pera.'"

Hindi pa rin kumakalma si Annabelle habang kinakapanayam ng press.

Ang kanyang mga sumusunod na pahayag ay sinabi niya nang pasigaw:

"Sabi ko, 'Bayaran mo ang utang mo sa akin!' [Sabi niya] wala siyang utang.

"Kapal ng mukha niya!

"Wala siyang utang sa akin? Pera daw ng mga bata ang kinukuha niya sa akin. Pera ng mga bata?

"Ang suweldo ng mga bata, 20,000? Ano, kupitin ko ba yun?

"Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yan!"

Pagpapatuloy ni Annabelle, pinagsisihan niya raw na tanggapin bilang mga talent ang mga anak ni Nadia na sina Alyanna at Anykka.

"Hoy, Nadia, nagsisisi talaga ako tinanggap ko yung anak mo, 'day!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sus, sising-sisi talaga ako.

"Pinaaral ko ng dancing, pinaaral ko ng singing.

"Paaral ko lahat ng paaral, may recording pa.

"Kumikita ang bata, akala mo superstar! Ipinapa-release niya sa akin.

"Hoy, manigas ka, tanga!"

Hinding-hindi raw niya ire-release sa management contract ang dalawang menor de edad.

"Hindi ko ire-release ang anak mo, gago!" mariin pa niyang sabi.

RICHARD'S ALLEGED TEXT MESSAGE. Sinagot din ni Annabelle ang pinakabagong pahayag ni Nadia na nakikisali na umano ang mga anak ni Annabelle sa gulo.

May ikinuwento kasi si Nadia sa press na nag-text umano sa kanya si Richard Gutierrez, isa sa mga anak ni Annabelle.

Hindi raw puwede i-print ang text na ito dahil puro mura ang laman nito. Ingles ang lenguwahe sa text.

Sagot ni Annabelle, ginagamit lamang ni Nadia ang kanyang mga anak.

Buwelta ng talent manager, "Wag na siyang manggamit!

"Ginamit na niya ako, gamitin pa yung ibang anak ko?

"Hoy, manigas ka!

"Gusto mong mag-comeback ang career mo? Gumawa ka ng sariling pangalan!

"Duwag ka!

"Busy ang anak ko! Wala siyang panahon sa ganun!"

Bago umalis ay hinamon din ni Annabelle si Nadia na magpa-drug test.

"Gusto mo sampalan na lang tayo, e!

"O, hinahamon kita, Nadia. Magpa-drug test ka ha? Magpa-drug test ka.

"Baka mali ang ininom mong drugs.

"Magpa-check up ka sa utak mo! Baka ang turnilyo mo, maluwag na.

"Sinungaling! Mukhang pera!"

PLEADS FOR UNDERSTANDING. Matapos umalis ang talent manager, nahingan naman ng press ng ilang pahayag ang lawyer nito na si Atty. Derrick Delegencia.

Humihingi ng pang-unawa ang lawyer ni Annabelle.

Ayon kay Atty. Delegencia, "She was the one who put up the children naman, tapos all of a sudden, she's barraged with cases.

"So, you know naman kung ano ang sentiments niya ngayon.

"I hope you understand."

Nang tanungin kung paano makakaapekto sa kaso ang pagsisigaw ng kanyang kliyente, maikli lamang ang sagot si Atty. Delegencia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "That is for the fiscal to appreciate."

Ano naman ang susunod na hakbang ng kanilang panig?

"We will be filing our counter-affidavit, next week, I think," sagot ni Atty. Delegencia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN