JC de Vera explains why he unfollowed his ex-girlfriend Danita Paner on Twitter: "Mutual yun."

IMAGE Noel Orsal

"I-unfollow niya ko, i-nunfollow ko siya. Sabi ko, okey lang yun. Pero, may assurance siya na hindi ako magsasalita ng kahit na ano sa public tungkol sa kanya. Kasi yun nga, hindi naman ako ganun," says JC de Vera on why he decided to unfollow his ex-girlfriend Danita Paner on Twitter.


Isang drama series ang bagong project ni JC De Vera sa TV5—ang remake ng top-rated daytime series nung '90s na Valiente.

Pero, paglilinaw ng actor, hindi raw siya mapapahinga sa paggawa ng action movies dahil may fight scenes rin daw siya sa bagong serye.

"May mga konting action rin naman silang ipapasok dito.

"Hindi naman siya totally mawawala sa akin.

"Nag-iba lang ng format no'ng ginagawa kong show, drama nga. Pero may konting action din dito.

"Yun nga lang mas softer yung character ko dahil yung role ko, mapagmahal na anak, mabuting tao.

"Unlike doon sa Utol Kong Hoodlum na medyo rough yung character ko," paliwanag ni JC nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Valiente kamakailan.

"Siguro ano lang, mas maraming drama lang ngayon.

"At saka hindi lang sa akin nakasentro yung kuwento, maraming iikutan," dugtong niya.

TWO LEADING LADIES. First time daw na magsasama sa isang TV project sina JC at isa sa kanyang dalawang katambal sa serye na si Nadine Samonte pero walang nangyaring ilangan sa kanilang dalawa.

"Okey naman kahit no'ng pinakaunang taping. Wala kaming adjustments sa isa't isa.

"Parang halos lahat sa amin naging smooth yung flow," kuwento niya tungkol sa kanyang leading ladies na sina Nadine at si Niña Jose.

Ang kaibahan lang, mas gusto raw halikan ni JC si Nadine kaysa kay Niña base sa karakter na ginagampanan ng aktor.

"Marami kaming halikan dito ni Nadine. Si Niña, sinubukan niya akong halikan pero umaayaw ako."

Kumusta naman ang kissing scenes nila ni Nadine?

"Okey naman, natural. Tini-take namin as work yung ginagawa namin."

LOVELESS? Okay lang daw si JC ngayong wala siyang lovelife. Kailangan lang daw niyang ikundisyon ang sarili sa trabahong ginagawa.

"Kahit sabihin kong hindi ako focused sa work, 'pag tumuntong ka sa set ng Valiente kailangang focused ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mapapahiya [ka] sa harap ng maraming tao 'pag hindi mo inayos ang trabaho mo.

"Magandang training na rin ito dahil dadalhin ko ito sa habang-buhay."

Aminado si JC na malaking pressure sa kanya ang maikumpara sa naging kontribusyon ni Michael de Mesa sa kanilang serye.

Si Michael ang unang gumanap sa papel na ginagampanan ngayon ni JC.

ANO ANG BAGO? Ang papel na ginampanan ni Michael ang rason kung bakit nag-rate nang husto ang serye noon at tumagal nang ilang taon.

"Well, masasabi ko na hindi makukumpleto yung character ko ngayon kung wala yung ibang cast.

"I mean, hindi mapapaganda yung character ko kung wala si Oyo [Sotto], kung wala si Nadine.

"I mean, yung lahat ng lead cast. Kung wala sila hindi mapapaganda yung character ko.

"Hindi ko kasi napanood yung dati kaya hindi ko naiisip na kailangang ganito ako or ganyan.

"Hindi ko talaga alam ang ginawa nila dati. Sinasabi lang na magaling yung portrayal nila.

"Yung mga gano'n lang ang nakakapag-pressure sa akin.

Pero, sa tulong nga ng ibang characters, nagkakaroon ng puwesto yung role ko."

SEXY JC. Sa trailer ng Valiente ay ilang beses ipinakita si JC na shirtless.

Lagi ba siyang nakahubad dito para ipakita ang maganda niyang katawan o para makatawag pansin sa mga babaeng manonood?

"Hindi naman," tanggi niya. "Laging yan ang tinatanong sa akin," natatawa niyang dugtong.

"'Eto naman kasi in-establish nila na nasa bukid ako.

"May ibang scenes na kailangang ipakita na nagtatrabaho ako. Hindi ako malinis," esplika niya. Pinaghandaan daw niya ang inaasahang pagta-topless sa kanilang series.

"Nagkaroon lang ako ng tamang period of time to cut weight.

"Nagbawas lang ako, nag-tone lang nang konti. Sana magmukha akong trabahador," nangingiti niyang sabi.

DANITA PANER? May pagbabago raw ang pagtatrabaho ngayon ni JC kumpara noong may relasyon pa sila ni Danita Paner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, aminin na natin, pag wala kang lovelife, yung utak mo nasa trabaho.

"Siyempre, 'pag may kasama ka, may partner ka sa buhay siyempre iniisip mo rin siya.

"Hindi ko naman sinasabing masama at nahahati yung atensiyon ko.

"Pero ibig kong sabihin, malaki yung difference ng focus mo nung wala ka nang lovelife sa mero'n kang lovelife."

STILL HURTING? Hindi itinatanggi ni Danita na nahihirapan siyang maka-recover at makapag-move on sa break-up nila. Ganun din ba si JC?

"Siguro alam ko na kung paano mag-recover, 'di ba?" natatawa niyang sambit.

Ninanais daw ni Danita na makapag-usap sila ni JC para ayusin ang kanilang relasyon pero mukhang malabong maibigay ng actor ang hiling ng dating kasintahan.

"Well, hindi talaga kami makakapag-usap dahil nandito lang ako [sa lokasyon ng Valiente] sa Batangas palagi."

Puwede naman silang magkausap sa telepono.

"Siguro ayaw mong maging immature na text-text na lang kayo, 'di ba?" pagrarason ng actor.

"At one point, [mas maganda yung] nakaupo na kayo at nag-uusap na kayo nang personal, 'di ba?

"Kaya lang ayoko namang masabi na isingit ko lang siya para makapag-usap kami."

AVOIDING HER EX-GIRLFRIEND? Iniiwasan ba niyang kausapin si Danita?

"Hindi ko siya iniiwasan. Pero hindi lang ako ready na makapag-usap nang personal, yung talagang gusto niyang usap.

"Kasi, yun nga, ayoko lang kasi na masabing nakipag-usap ako, or masabing isiningit ko lang itong oras na ito para makapag-ayos. Yung parang gano'n."

Sa mga interviews parang nagpapahiwatig si Danita ng pagnanais niyang magkabalikan sila ni JC.

"Yun ba ang sabi niya?" tanong ng actor.

Ganundin ba siya kay Danita? Gusto rin ba niyang makipagbalikan sa dalaga?

"Ako, ang gusto ko lang for now, mas makilala lang namin ang isa't isa.

"Parang mas gawin naming 100 percent yung isa't isa bago kami bumalik sa relationship.

"Hangga't hindi mo napi-feel na kumpletung-kumpleto ka na, pangit naman kung sumugod ka sa isang giyera na wala kang bala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas magandang kumpleto ka na para mas masaya, 'di ba?" esplika niya.

Hindi makapaniwala si JC na naglabas ng saloobin si Danita sa huling interview namin sa dalaga.

Gaya ng pinagdadaanang hirap daw ni Danita dahil nasanay na siyang kasa-kasama si JC sa halos araw-araw noong sila pa.

"Sinabi niya yun?" tanong ni JC.

"Ano yun... yun ang sinasabing nakasanayan kasi.

"E, kahit sino naman kung ano yung nakasanayan mo at biglang nawala, siyempre, malulungkot ka nga naman.

"Ako may moments ako siyempre. May bakante akong oras na ako lang mag-isa na kailangan ko lang magpahinga, 'tapos hindi ka makapagpahinga.

"Siyempre, iisipin mo talaga yun. Pero, 'di ba, ano'ng magagawa mo?

"Hindi naman puwedeng sa isang ganun, okay na, 'di ba?"

Hindi raw dahil sa personal differences ang dahilan ng break-up nina JC at Danita.

"Hindi naman. Mahal namin ang pagkakaiba naming dalawa," paglilinaw ng actor.

Inamin din ni Danita sa panayam namin sa dalaga na may mga pagkakataong naging pasaway raw siya kay JC.

"Hindi naman," tanggi ni JC. May hinala rin ang press na baka nagsawa na siya kay Danita.

"Hindi! Ang tagal naming... hindi naman kami araw-araw na magkasama.

"May time na nag-Utol Kong Hoodlum ako at nawala rin ako for a while.

FACE-TO-FACE. Pero, nais pa rin daw ni JC ng harapang pag-uusap.

"Ewan ko, hindi rin... kaya nga kailangan pa naming umupo at mag-analyze, mag-usap.

"Siyempre hindi mo puwedeng sabihin na ito ang nangyari sa amin, e, hindi naman talaga yun.

"Yung mga details ayaw na naming ikuwento. Kasi ultimo kami-kami hindi namin sure kung ano ang nangyari.

"Hindi naman biglaan, pero hanggang ngayon hindi ko ma-analyze talaga.

"Kaya kailangan pa naming upuan talaga at pag-usapan."

TWITTER VS. FACEBOOK. Nabanggit din ni Danita sa aming interview na hindi na nila pina-follow ang isa't isa ni JC sa Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aba, ewan ko?" mabilis niyang sagot.

"Ako, nag-unfollow kasi ayoko ring nagsasabi ng emotions ko.

"Like, ayokong nakikita ng tao yung... ayokong pinaparinig ko sa lahat ng tao kung ano yung nasa loob ko.

"Siguro sa mga close friends ko, oo. Pero para basahin ng public [ayoko]" esplika niya.

Kung in-unfollow niya si Danita, ibig sabihin nito ayaw ni JC na mabasa ang mga tweets ni Danita?

"E, kasi ganun din siya, e. Ayoko ring makabasa ng mga bagay na tungkol din sa akin, 'di ba?

"I-unfollow niya rin ako. Mutual yun na pinag-usapan namin.

"I-unfollow niya ko, in-unfollow ko siya. Sabi ko, okey lang yun.

"Pero, may assurance siya na hindi ako magsasalita ng kahit na ano sa public tungkol sa kanya. Kasi yun nga, hindi naman ako ganun."

Nananatili raw naman silang friends sa Facebook ni Danita.

"Kasi sa Facebook mas may privacy kaysa sa Twitter. Pili yung mga friends namin dun.

"Pero nagti-text pa rin naman kami sa isa't-isa."

Wala na bang sweetness yung laman ng mga text messages ninyo?

"E, siyempre, hindi na kami kaya hindi na ganun ka-sweet.

"Pero may concern pa rin kami sa isa't-isa, may care pa rin.

"As much as possible every time na nagkakausap kami, sinisiguro ko kung okay ba siya?" pagtatapat ni JC

RHIAN RAMOS. Ikinagulat ni JC ang balita na no'ng kasagsagan ng eskandalo sa pagitan nina DJ Mo at Rhian Ramos, nagkikita raw sila ng huli sa Tagaytay.

"Huh?!" kunot-noong reaksiyon ni JC.

"Never. Never kaming nakapag-usap nong lumipat [na] ako sa TV5," paniniyak niyang sabi.

"Kahit isang beses, wala kaming chance na makapag-usap, na makapagkita," dugtong niya.

Tinutukso raw kasi siya ng isang babaeng komedyana na may nakakita nga raw sa kanila ni Rhian sa Tagaytay.

"A, yung tinutukso sa akin na ganun nga, kami pa ni Rhian noon, no'ng nakita niya kami," paglilinaw ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN