Xian Lim on his gender issue: "Ako I'm very comfortable with my sexuality, with my gender."

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim on how he's taking talks questioning his sexuality: "Actually, nung papasok pa lang ako sa industry, I was prepared na rin. Sabi nila, kailangan daw handa ako. Maraming magsasabi ng ganyan [bading issue]. Ako I'm very comfortable with my sexuality, with my gender. Alam ko naman kung sino talaga ako."


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Xian Lim kahapon, January 12, 2012 sa farewell party ng My Binondo Girl sa Choi Garden sa may Annapolis, Greenhills, San Juan para kunan siya ng pahayag sa nasabing issue.

Pero, sa kabila nito, may ilang lumalabas na mga balita pa rin na kumukuwestiyon sa gender ni Xian.

"Actually, nung papasok pa lang ako sa industry, I was prepared na rin.

"Sabi nila, kailangan daw handa ako. Maraming magsasabi ng ganyan [bading issue].

"Ako I'm very comfortable with my sexuality, with my gender. Alam ko naman kung sino talaga ako.

"Wala naman akong dapat ika-guilty. Wala akong kailangang ikatakot. Kilala ko ang sarili ko."

Kinakikiligan at sinusubaybayan ngayon ng publiko ang tambalang Kim Chui at Xian Lim.

BYE GERALD? Dahil sa mainit na pagtanggap ng manonood sa My Binondo Girl, patunay raw ito na nakakawala na si Kim sa anino ng tambalan nila ni Gerald Anderson.

Nakahanap na raw si Kim ng bagong kapareha sa katauhan ni Xian.

Ngayon, may sariling hukbo na ng tagahanga ang kanilang tambalan.

Hindi lang sila sumusuporta kina Kim at Xian kundi umaasang sana ay mauwi sa totohanan ang lahat.

Mukhang hindi naman malabong magkatotoo ang inaasam ng mga fans nila dahil very open si Xian ng pag-amin ng malalim niyang paghanga kay Kim.

Aminado rin ang young actress na ang si Xian ang isa sa nagpapangiti ngayon sa kanya.

FOR PROMO ONLY? Hindi mamatay-matay ang ispekulasyon na pang-promo lang daw sa tambalan nila ni Kim ang sinasabing closeness nila, ano ang masasabi ni Xian dito?

"I can't control what they think, 'di ba? 'Di naman lagi akong mag-e-explain na walang ganun.

"I think it's normal... normal and I understand. Uulit-ulitin ko, paulit-ulit kong uulitin, kahit isang libong beses pa 'yan.

"Wala akong ganung pakay. 'Di ganun ang intension ko. I'm just happy right now, walang ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Di ako gagawa ng something na inutos ng ibang tao.

"Gagawa ako ng action kung nararamdaman ko yun, not because other people is telling me to do it.

"Hindi ako manggagamit ng tao. Yun nga, paulit-ulit akong magpapaliwanag, naiintindihan ko na ganun ang insiip nila.

"'Di ako ganung tao. 'Di ako gagawa ng something na 'di totoo sa puso ko. "

SINCERE FEELINGS? Sa mga binitawang salita ni Xian, ito ay patunay kung gaano nito kagusto ang kapareha.

"I can't pinpoint kung ano sa kabuuan niya [ang nagustuhan ko], everything thumbs up.

"Coming from my heart, she's the girl who makes me feel inspired.

"She's the girl I'm so comfortable with. She's the girl na pagkatapos ng taping iniisip-isip ko pa rin.

"Sinasabi ko nga sa kanya, she's a girl that's hard to forget.

"I'm doing all these things coz I want to make her special.

"Sa bawat pagkakataon na magkasama kami, ayokong magsayang ng panahon na 'di ko pinararamdam sa kanya na special siya.

"It's a blessing talaga to work with her, to be her friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN