Gerald Anderson on Kim-Xian loveteam: "I'm one of their fans!"

IMAGE Noel B. Orsal (Gerald), Allan Sancon (Kim-Xian)

"Actually, sinabi ko nga kay Kim, bago nag-start yung Binondo Girl, bet ko si Xian dun. And I'm happy, kasi kaibigan ko rin yung tao, e," says Gerald Anderson about Binondo Girl's Kim Chiu and Xian Lim (inset).


Isa raw sa pinaka-memorable moments para kay Gerald Anderson ang nangyaring "Budoy Face-Off" nila ng Eat Bulaga! co-host at komedyanteng si Jose Manalo.

Nangyari ito sa isang charity basketball event kamakailan, kung saan nagsama ang dalawa na galing sa magkaibang istasyon. (CLICK HERE to watch the video clip.)

"Isa 'yan sa pinaka-memorable moments sa buhay ko. Kasi talagang...hindi ko ini-expect, e.

"Hindi ko alam na nandun pala siya," pahayag ng Budoy star na si Gerald Anderson sa harap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

Pahayag pa ni Gerald matapos mai-launch bilang bagong Jollibee Burger Steak endorser kanina, January 10, sa isang Jollibee store sa 3rd level ng SM Megamall, natuwa raw siya sa naging reaksiyon ng mga nakapanood ng pagbu-Budoy nila ni Jose.

Saad ng young actor, "Sobrang nag-enjoy yung mga tao, at nakapagbigay-inspirasyon sa mga tao, na nakita nila sa ginagawa namin ni Jose dun sa court.

"Nakita ko naman na sobra silang natutuwa, so...kami din. Natuwa ako, sobra!"

Isang special child, o batang may sakit na Angelman's Syndrome, ang karakter na ginagampanan ni Gerald sa Budoy.

At kahit na unti-unti nang nagiging normal si Budoy sa drama series, ang pagganap ni Gerald bilang ang may Angelman's Syndrome na Budoy ang gustung-gusto ng fans.

Tinanong tuloy ang 22-year-old na aktor kung hindi ba siya nagiging Budoy na may Angelman's Syndrome, paminsan-minsan.

"Budoy naman talaga ako, e," mabilis na sagot ng aktor.

"I'm a child inside. I'm a boy.

"So, alam mo yun, yung nakikita n'yo kay Budoy, talagang...ako rin. Ganun din talaga ako, e.

"Kaya naging natural din para sa akin."

Ina-acknowledge din ni Gerald ang mga nagawang positibo sa kanya ng Budoy, tulad ng pagkakaroon niya ng mas malalim na pang-unawa sa mga taong may special needs.

Ito rin ang nagtulak sa kanya para tumulong sa mga institusyon na kumakalinga sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pa, ang kontribusyon ng Budoy sa paglawak ng kakayahan niya sa pagganap ng mga di-pangkaraniwang roles.

"Malaking 360 [degree] turn ang Budoy para sa buhay ko.

"And I'm really happy na nakapagbigay-inpirasyon ako sa TV at behind the camera," sabi pa ni Gerald.

NO LOVELIFE. Pero sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ngayon ng Pinoy Big Brother Teen Edition alumnus, tila hindi naman siya ganun ngayon sa usaping pag-ibig.

Kumusta na nga ba ang lovelife ni Gerald?

"In love po ako sa Jollibee and sa trabaho ko, at sa Budoy, at sa ginagawa ko," ang safe na sagot ng binata.

Pero ano naman ang anggulong nagkakamabutihan daw sila ng Budoy leading lady niyang si Jessy Mendiola?

"Jessy is a good friend and she's a wonderful leading lady!" natatawang sagot ni Gerald.

Itinanggi rin niyang nagde-date sila ng 19-year-old na dalaga.

"Not even once!" sabi pa ni Gerald tungkol sa tanong kung nagde-date sila ni Jessy.

Aminado naman ang aktor na nagagandahan siya sa mestisang aktres.

"She's very beautiful, napakabait niya, napaka-professional niya, and she's a great person."

Hindi pa ba siya handang ma-in love?

"Ready naman po. Kapag nandiyan, nandiyan. Kapag wala, wala.

"Marami naman akong ibang ginagawa, so...darating yun."

ON KIM-XIAN LOVE TEAM. Hiningan din si Gerald ng reaksiyon tungkol naman sa sumisikat nang loveteam nina Kim Chiu at Xian Lim dahil sa My Binondo Girl.

"I'm one of their fans!" pag-amin ni Gerald.

"Actually, sinabi ko nga kay Kim, bago nag-start yung Binondo Girl, bet ko si Xian dun.

"And I'm happy, kasi kaibigan ko rin yung tao [Xian], e.

"I'm happy na naging successful sila, at si Kim at si Xian, at yung buong show."

May naging pag-uusap ba sila ni Xian tungkol sa dating kasintahan ni Gerald na si Kim?

"Wala naman. Siyempre, wala naman po kaming ganun. Kasi, kumbaga, trabaho lang po ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka, I'm happy naman po talaga sa kanila," sagot ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN