JC de Vera works out to fit into a size small for lead role in Valiente

IMAGE Rommel R. Llanes

Ano ang pakiramdam ni JC de Vera na halos lahat ng mabibigat at magagandang role, tila sa kanya napagkakatiwala ng Kapatid network? Siya ba ang TV5 Prince?

"Hindi, hindi," nakangiting sabi niya. "Mas marami pang shows na lalabas ang TV5 na mas maganda. Wala e, grateful lang ako na ganito yung nabibigay nila," he says.



Halos lahat ng roles na ginampanan ni JC de Vera sa mga teleserye sa Kapatid network ay mabibigat na character.

Tulad na lang ngayon kunsaan, ire-remake ng TV5 at TAPE, Inc. ang isa sa longest-running TV series noon, ang Valiente.

Si JC ang pinagkatiwalaang gumanap sa papel na Gardo Valiente.

At the press conference held last Thursday, January 19, at 8 Spices Restaurant, we asked JC if he was starting to feel any pressure.

"Grateful ako sa part ko. Pero kasi, nakasama ko na yung mga taong ito before pa.

"Hindi nila ako binibigyan ng pressure. Parang mas pinapalakas nila ang confidence ko, e.

"Kasi, naka-trabaho ko na sila ATP Production. Si Direk Joel Lamangan, naka-trabaho ko na sa Pasan ko Ang Daigdig atsa Babangon Ako't Dudurugin Kita.

"Same with the group of people na nagha-handle rin ng show, naka-trabaho ko na rin sila.

"Although ngayon ko lang makaka-trabaho sina Oyo [Sotto], Nadine [Samonte] at saka si Nina [Jose].

"Naging kumportable lahat. Yun nga, dahil ini-imply ni Direk Joel ang pagiging professional sa taping.

"Wala kaming choice but to perform. Siguro ang nagbibigay ng pressure sa amin, si Direk Joel. Kasi, kailangan prepared ka pumupunta sa set.

"Pero other than that, lahat very smooth. Maaga kaming natatapos kasi maaga rin kaming nag-i-start."

Si JC nga ang gumaganap sa dating character na ginampanan naman ni Michael de Mesa.

Wala rin daw nakikitang pressure si JC kung sakaling ang mga dating nakasubaybay sa Valiente ay ikumpara siya kay Michael.

Ayon kay JC, "Naniniwala akong bagong generation na kasi ito.

"Meron kaming kinuhang highlight sa dati. Hindi ko napanood 'yung original, pero, alam ko ang theme song," nakangiting sabi pa niya.

TV5 PRINCE. "Pero yung gusto namin, mas fresh ang approach sa story. Gusto namin mas makulay.

"Kasi siyempre, iba kung paano magsulat ang mga tao before. Iba rin ang pag-direk, pag-deliver ng mga artista sa generation namin, different na rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang ginawa niyang preparasyon para sa role?

"Kailangan ko lang magpa-dark ng skin ng konti.

"Kailangan ko lang maging lean. Nag-gym din ako, mga two months—kailangan kong magkasya sa small na shirt.

"Kasi, medium ako, e. Kailangan ko lang maging small."

Ano ang pakiramdam na halos lahat ng mabibigat at magagandang role, tila sa kanya napagkakatiwala ng Kapatid network. Siya ba ang TV5 Prince?

"Hindi, hindi," nakangiting sabi niya. "Mas marami pang shows na lalabas ang TV5 na mas maganda.

"Wala e, grateful lang ako na ganito yung nabibigay nila.

"Actually, every show na ibinigay nila sa akin, bago. Bago sa akin. Kaya doon ako.

"Wala ka namang ibang hihilingin pa kung hindi mag-perform. Yun na lang ang ibabalik mo sa kanila."

Palago at parami na sila nang parami sa TV5; anong pakiramdam?

"Mas malaking family, mas masaya. Mas nag-e-enjoy ako."

Biro naman namin, mas mayaman na rin siya?

Natatawang sabi niya, "Hindi, ano lang, mas nakakakuha ka ng magagandang shows.

"Hindi mayaman, average lang. Hindi naman ako lang yung pinagkakagastusan ko.

"Nagsi-share rin ako. So, yung yaman, hindi lang ako yun. Kailangan lahat makatikim no'n."

Natawa rin si JC dahil kahit ang tagal nilang naging Kapuso stars ni Nadine Samonte, dito sa TV5 sila nagkaroon ng pagkakataon na maging magka-pareha.

"Ewan ko ba riyan. Ang tagal namin sa GMA, [pero] ngayon lang kami nagka-partner.

"Ewan ko ha, ako, masaya ko. Napapanood ko siya rati.

"Alam ko kung paano siya mag-trabaho. Alam ko kung paano siya umarte.

"Sabi ko, hindi ako mahihirapan dito. Walang adjustment na kailangang gawin kasi, magaling na siya.

"Happy ako at mas nag-e-enjoy akong ka-trabaho ngayon si Nadine.

"Para kaming matagal nang magkakilala. Para na kaming nagka-trabaho before."

LOVELIFE. When asked about his lovelife, "Okay naman, single ako," nakangiti niyang sabi."

Ngayong wala na sila ni Danita Paner, meron na bang sumunod?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis naman ang naging sagot ni JC, "Single ako. Wala namang third party. Wala naman siyang kapalit.

"Nasa point pa kami na nagdi-deal sa emotion ng isa't-isa. Meron kasing mga problema pa na kailangang ayusin na nagre-require siya ng time.

"Hindi namin puwedeng ayusin kaagad yung sa aming dalawa hangga't hindi namin naaayos yung sa sarili namin."

May communication pa rin daw sila lalo pa nga't magkasama sila sa isang show.

"Palagi ko naman siyang nakikita from afar. Once, nasa isang venue kami, hindi lang kami magkatabi."

Posible ba silang magkabalikan?

Positibo ang kanyang sagot, "Oo...kahit kanino naman, hindi naman ako nagko-close.

"Meron lang kaming kailangang ayusin, slowly.

"Hindi puwede yung isang bigayan, isang upuan, okay, ayos na tayo. Tayo na ulit. Hindi nagwo-work kasi ng ganoon 'yun."

ON RHIAN AND MO. Ano naman ang naging reaction niya sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng dating rumored girlfriend niya na si Rhian Ramos?

Kontrobersiyal ang naging breakup nito with Mo Twister, pati na ang video na kumalat sa Internet.

Ayon naman kay JC, "Wala, hindi ako maka-react, e.

"Hindi ko lang makita ang sarili ko na involved sa ganoong isyu sa kanilang dalawa. Ano e, gusto nila yun," nangiti na lang niyang sabi.

Alam ba niya na may kumakalat kontrobersoya tungkol sa breakup nila ni Rhian?

"Oo, narinig ko. May nagsabi na sa akin. Wala e...kung yun ang gustong isipin ng tao.

"Ako, ewan ko. Hindi ko naman mapapalitan ang past, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN