Oyo Sotto on Vic Sotto-Pauleen Luna romance rumors: "Hindi ako galit, pero hindi ako approve."

IMAGE Courtesy of TV5

Oyo Sotto plays one of the leads in the TV5 revival of Valiente, where he stars with former girlfriend Nadine Samonte. His wife Kristine Hermosa and Nadine have never met. Is Kristine jealous of Nadine?

"Wala naman. Wala, wala," Oyo says.


Nakausap ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) si Oyo Sotto sa taping ng Valiente ng TV5 kahapon, January 20, Friday, sa hacienda ng mga Leviste sa Lipa City, Batangas.

Ang una naming itinanong kay Oyo ay kung may eksena na bang nahirapan siya sa Valiente.

"Wala pa naman yung sobrang hirap na grabe, okay pa naman,'" umpisang sinabi ni Oyo.

Wala bang selos na nararamdaman ang misis niyang si Kristine Hermosa na magkapareha ulit sila ni Nadine Samonte, na ex-girlfriend ni Oyo?

"Wala naman. Wala, wala."

Hindi pa raw nagmi-meet sina Kristine at Nadine.

Hindi niya dadalhin si Kristine sa Valiente taping?

"Gusto ko nga siyang pumunta dito, e. Pagka puwede nang ibiyahe yung baby.

"Sabi ko, one time, para makita nila yung lugar, maganda kasi yung lugar."

At dahil pareho silang artista, malaki ang posibilidad na pasukin rin ng anak nila ang showbiz...

"Kasi pinag-usapan namin ni Tin, kung sakasakali, ano lang muna [as a] commercial model lang muna."

Ondrea Bliss ang pangalan ng anak nila.

Ayon sa isang librong nabasa nila, ang meaning ng Ondrea ay strong and courageous.

Gusto ba nila talaga ay girl?

"Oo! Pinag-pray talaga namin ni Tin na girl kasi meron kaming adopted, di ba?

"So ano, ayun, mas ginusto namin na girl para at least kasi kung boy, baka mamaya mag-away sila or baka magkaselosan."

Nagkaroon pa nga ng isyu na anak ni Oyo sa ibang babae ang kanilang adopted son.

"Oo nga, iniisyuhan, e. Nung una anak raw ni Tin, tapos ngayon, anak ko na."

Hindi naman raw sila naapektuhan sa isyu dahil hindi naman ito totoo.

Napunta sa kanila ang unang baby nila ni Kristine nang may nagbigay dito kay Kristine sa simbahan.

Six months old ang bata at that time.

LEAD STARS. Sina Oyo at JC de Vera ang male lead stars sa Valiente, ang bagong offering ng Kapatid network, sa direksyon ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una itong sumikat as a TV series 20 years ago na pinagbidahan nina Michael de Mesa (na kasama rin sa bagong Valiente series) at Tirso Cruz III.

Si Oyo ang gaganap sa role na unang ginampanan ni Tirso.

"Actually, pareho kaming mabait dito ni JC, kaya lang dahil sa nanay ko, nagiging iba akong tao."

Si Jaclyn Jose ang gaganap na ina ni Oyo sa serye.

"Kasi ano, e, nung nagsimula yung story, iyon na nga, best friends kami ni JC dito, ni Gardo.

"So, yung mommy ko naman, si Tita Jaclyn, ayaw niya sa mahihirap, may galit siya, may lihim, e.

"So, siyempre, hindi pa puwedeng i-reveal yung mga lihim so iyon.

"Parang binubuo niya ako, na since namatay yung daddy ko, binubuo niya na ako yung sumunod na maging leader nung hacienda, pero in a bad way."

Si Mark Gil naman ang gaganap na tatay niya sa Valiente.

Napanood na ba ni Oyo yung unang Valiente series?

"Ah napapanood ko siya pero parang hindi ko talaga siya maalala. Naaalala ko lang talaga, yung kanta niya."

Ang daddy ni Oyo na si Vic Sotto ang kumanta ng theme song sa original version, at daddy pa rin niya ang kakanta ng theme song sa remake ng Valiente.

Pangatlong show na ito ni Oyo sa TV5—ang una ay ang Midnight DJ, sumunod ay ang Bangis.

Hindi siya exclusive contract star ng TV5.

CONTROVERSIAL TWEETS. Tinanong naman namin kay Oyo ang tungkol sa controversial tweets niya sa Twitter.

Marami ang nakakabasa ng mga tweets niya.

"Oo naman, public yun, e. Ano ba dun? Ang dami kong tweets, e."

May pinatatamaan ba siya?

"Ewan ko. Sabi ko nga kasi, kung sino yung tamaan, siya yun."

Bakit niya naisipan na mag-tweet nang ganun? Galit ba siya sa taong pinatutungkulan niya?

"Hindi naman. Wala lang, na-tweet ko lang," sabay-tawa ni Oyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin ulit kung para kanino ang tweets niyang tila may patama...

"Basta sabi ko kung sino yung tinamaan, siya na yun, siya na yun."

Ang hula ng iba, si Pauleen Luna ang pinatatamaan ni Oyo. Against ba siya sa sinasabing relasyon diumano nina Pauleen at Vic?

"Wala akong sinasabi na kay Pauleen yun, di ba? So..."

Pero against ba siya sa relasyon, kung meron nga?

"Well ako, kung totoo man yung sa kanila ni Pauleen, basta ito lang ang sasabihin ko, ayoko talaga! Iyon lang, ayoko talaga."

Bakit?

"E bata kasi siya sa akin, e!"

Twenty-eight years old si Oyo at 26 years old si Pauleen.

May connection ba ito sa naging isyu diumano noon sa pagitan nina Kristine at Pauleen?

May isyu kasi noon na nagkaroon ng gap ang dalawa, dahilan kaya umalis diumano si Pauleen sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7.

"Actually, lumabas nga yung isyu na... parang may nabasa nga ako na si Tin raw yung talagang nagtutulak sa akin para magalit daw sa kanya [Pauleen] or sa mga nararamdaman ko daw.

"E sabi ko, in the first place, hindi ako galit.

"Hindi ako galit sa tatay ko, hindi ako galit kay Pauleen.

"Ayoko lang. Hindi lang ako approve sa ano, kung totoo man na meron silang relasyon."

Ano ba ang alam niya, meron nga o wala?

"Si Daddy tahimik lang e," ang natatawang reaksyon ni Oyo sa tanong namin.

After ng tweets niya, kinausap ba siya ng daddy niya?

"Wala, hindi. Okay pa din."

Sila ni Pauleen ay hindi rin daw nagkakatagpo ng landas since Oyo's tweets.

Kahit raw sa mga Sunday breakfasts ng kanilang pamilya or special family gatherings ay hindi pa niya nakitang isinama ng daddy niya si Pauleen.

"Basta iyon lang, hindi ako galit, pero hindi ako approve."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN