PEP EXCLUSIVE: Alden Richards reveals his “no rice” diet and how he takes care of his skin

IMAGE Melo Balingit

Alden Richards shares his workout: “More on upper body and then, ayon, tinuturo niya [instructor] sa akin ‘yong mga ways how to work out your muscles na hindi ka lang buhat nang buhat.”


Bago pumasok sa showbiz ang “Pambansang Dimples” na si Alden Richards, medyo patpatin pa ito.

Kung kaya’t nang unti-unti na siyang makikilala sa industriya, naging goal ng young actor ang mapaganda ang katawan.

“NO RICE” DIET. Meron bang specific preference ang isang Alden Richards pagdating sa pagda-diet?

“No rice, no rice,” mabilis na tugon nito.

Paliwanag niya, “Kasi sobrang hirap niyang tunawin...kasi ‘yong diet ko ‘no rice’ pero I can eat burgers, burgers, other complex carbs naman like pasta.

“Pero ‘no rice’ talaga kasi parang whenever I eat rice ‘tapos nabubusog ako nagi-guilty ako, e.

“Parang ito na naman may tutunawin na naman ako sa gym, e, hindi naman madali.”

Aniya pa, “Like when you eat three cups of rice a day siguro pagtinunaw mo siya sa gym, one week bago mo siya matunaw, gano’n katagal sa ‘kin.

“So more on ano lang, more on fruits and salads and burgers, adik ako sa burgers, sometimes pizza, basta eat less.

“Parang eat a lot sa morning, sa afternoon ano na lang moderate and then sa gabi like liquids na lang, more on liquids and then siguro fruits.

“Para hindi masyadong mahirap tunawin, ayon.”

LOVES THE GYM. Nagsisikap ang GMA-7 actor na magkaroon ng abs. Kung kaya’t mahal na mahal nito ang pagpunta sa gym, at kung may oras talaga paggugugulan niya ito.

“Woah! If I have time I’d like everyday, like everyday go to the gym,” natutuwa niyang pahayag.

Dagdag niya, “Kasi minsan kailangan ko siyang habulin kasi minsan merong, merong instances na a week hindi ako nakakapag-gym.

“So kailangan kong pumunta, punuin ‘yong one week na, na may one week akong free na may chance pumunta sa gym pupunuin ko ‘yan.

“Pero kasi sometimes, minsan one week na wala, one week, minsan three days akong wala, four days so as often as I can I go to the gym.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOCUSED. Tinanong din nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden tungkol sa kanyang medyo “sexy” pose sa bago niyang billboard.

Paano nga ba niya nakuha ng gano'n kabilis ang katawan niya?

“Actually, kasi ever since before I started showbiz talagang naging concern ko na ‘yong katawan ko kasi I was really thin, really thin.

“So sinabi sa akin ng dad ko, ‘Jay mag-invest ka sa gym, kasi showbiz ‘yan hindi lang kailangan merong, hindi lang sa ibang aspects ka lang kailangan mag-excel, kailangan kahit papaano you invest on yourself.’

“So ayon I started to go to the gym ever since I started showbiz and then naging regular habit ko na siya, e, before so hindi lang nagkakaroon ng chance kung may work,” kuwento pa ni Alden.

“And do’n naman sa body, I don’t know, e.

“Parang dumating na lang siya sa point na talagang, siguro sa pressure na rin kakaisip ko about Folded & Hung pictorial na topless, nakatulong din ‘yong ano ko, e…

“Parang iniisip ko dapat lumaki ka na, so focus, nakatulong din ‘yon.

“And siyempre ‘yong, ‘yong diet ko saka ‘yong regular gym workouts ko.

“Saka thankful din ako sa instructor ko do’n.

“Siya nagtuturo sa ‘kin ng mga proper program para mapabilis ‘yong development ng muscles so…”

Anong program ito?

“A, regular body, upper body workout para sa chest, shoulders, biceps, triceps, abs pack. I never worked on my legs pa, e, kasi nakakatamad,” sabay tawa ni Alden.

Dagdag niya, “So, more on upper body and then, ayon, tinuturo niya sa akin ‘yong mga ways how to work out your muscles na hindi ka lang buhat nang buhat.

“Kasi sometimes ‘yong iba akala nila ‘yong pagpunta sa gym, basta makapagbuhat ka gaganda na ‘yong katawan mo, e.

“May certain programs and routines ka na dapat gawin, like meron sa chest, meron sa chest merong three exercises, for one, for the chest, for the biceps you have like four, so iba-iba rin, mahirap din mag-gym.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi mahirap magpaganda ng katawan, kailangan kahit nagke-crave ka, gustung-gusto mo nang kainin ‘yong isang bagay, ‘yong discipline dapat kailangan nando’n to achieve your goal.

“So, pero it works, discipline talaga and proper way of handling your workout and diet.”

ONLY BELO TOUCHES HIS SKIN. Nang tanungin naman si Alden sa kung paano niya inaalagaan ang kanyang skin, sumagot lamang ito ng pabiro.

“A, ‘only Belo touches my skin!’ Joke lang, joke lang,” sabay tawa ni Alden at mga kasama nito.

Paliwanag niya nga, “Ayon, since sponsored naman po ako ni Dra. [Vicki] Belo, I go to Belo like once every two weeks, once every three, three weeks to get cleaning—regular cleaning.

“‘Tapos ‘yon power peel at saka after you put on make-up, alis agad kapag hindi na kailangan.

“Kasi ‘yong, nastre-stress ‘yong balat, e.

“Sabi ng dermatologist kailangan, pag hindi na kailangan ‘yong make-up sa mukha alisin after.

“Kasi ‘yong skin hindi makahinga—so ‘yon alis lang agad ng make-up, kaya ‘yon that’s how I handle it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN