PART 1. Bong Revilla's joke to Marian Rivera: "'Buti na lang may Dingdong [Dantes] ka. Kung hindi, baka na-'Ding-Bong' ka!"

IMAGE 0

Senator Bong Revilla is all praises for his Panday 2 leading lady Marian Rivera.

"Ang galing. Ang galing! Very professional. Wala akong mairereklamo. Magaling siyang artista at ano...okey yung chemistry namin together," says the actor-senator.


Marami ang nagsasabi na magiging mahigpit na magkalaban bilang top grosser ngayong taon sa Metro Manila Film Festival ang Panday 2 ni Senator Bong Revilla at ang Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Bukod kasi sa big-budget at star-studded, parehong kuha nito ang lahat ng moviegoers, mula sa mga bata, teenagers, hanggang sa matatanda.

Tungkol nga rito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Senator Bong sa pocket presscon na ginawa sa Obra Ni Nanay art gallery sa West Triangle, Quezon City, kahapon, December 13.

"Tuwing Metro Manila Filmfest, kami [ni Vic] palagi ang nagakakarera, e," aniya.

"Minsan tatalunin ko siya. Minsan tatalunin niya ako. 'Tapos hanggang sa nagsama kami."

Noong nakaraang MMFF ay nagkasama sina Bong at Vic sa box-office hit ding Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

"So... gano'n talaga.

"Ang importante, buhay ang industriya natin. At nagkakatulungan din kami ni Vic," patuloy ng 45-year-old actor-senator.

ANG PANDAY 2'S BIG BUDGET. Mas malaki raw ang budget ng Panday 2 kesa naunang Panday movie na ginawa niya noong 2009.

Mahigit-kumulang ay umabot diumano ng 80 million pesos ang naging production cost ng Panday 2.

"Magastos talaga yung mga effects ng pelikula. 'Tapos, kita mo naman kung gaano kalaki rin yung casting.

"Kung sino yung kasama natin sa part one, nandiyan pa rin. Plus Marian Rivera, Eddie Garcia, Lucy Torres.

"'Tapos nag-guest din si Ms. Lorna Tolentino at saka si Alice Dixson," pagbibida pa ni Senator Bong.

WORKING WITH MARIAN. Kumusta naman ang naging working relationship nila ni Marian na first time niyang nakasama sa isang proyekto?

"Ang galing. Ang galing!" bulalas ng senador.

"Very professional. Wala aklong mairereklamo. Magaling siyang artista at ano...okey yung chemistry namin together."

ALL-BEAUTIFUL FEMALE CAST. Sinadya ba niya na puro magaganda ang female cast ng pelikula? Bukod kasi kina Marian, Lucy, at Lorna, kasama rin sa pelikula sina Iza Calzado, Rhian Ramos, at Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo!" nangiting sagot ni Senator Bong.

"'Yan ay kasama sa marketing ng GMA Films at Imus Productions [production outfit na pag-aari niya, at co-producer ng Panday 2].

"Lahat ng mga kasama nating actresses, magaganda. Malaking factor yun para sa movie.

"Kasi ang ibinibenta natin, hindi lang yung visual effects ng Panday, e. Pati yung story, at kung paano sila [female stars ng pelikula] lumabas sa bawat eksena nila. Makikita mo doon, e.

"Na...talagang well-distributed yung roles, kung papa'no dinivelop yung characters nila.

"Basta, maraming scenes na magugulat kayo. Maraming nakaka-shock na... 'Uy, gano'n pala 'yon!'" pagmamalaki pa ni Senator Bong.

Hindi ba nagkaroon ng karagdagang pressure sa kanya na ang dami niyang kailangang alagaang leading ladies sa set?

"May pressure!" natawang pag-amin niya.

"But I was trying to, ano... natural naman tayo sa lahat, e.

"Kung ano yung trato natin sa isa, gano'n din sa lahat."

FALLING FOR MARIAN? Kung nagkataon bang single pa siya, possible kayang ma-in love siya for Marian?

"Maganda siya. Mabait," paghanga ng senador.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Buti na lang may Dingdong [Dantes] ka. Kung hindi, baka na-'Ding-Bong' ka! Ha-ha-ha-ha!

"Joke lang! Ha-ha-ha!

"Baka ako ma-'bingbong' ni Lani!" natatawa pang bawi niya.

PEACE AT LAST BETWEEN MARIAN AND RHIAN. Paano nga pala niya napagbati sina Marian at Rhian?

Matatandaang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nina Marian at Rhian mula nang buwagin ng GMA ang tambalang Marian-Dingdong at i-partner si Dingdong kay Rhian sa teleseryeng Stairway to Heaven (2009).

Pinagselosan diumano ni Marian ang pagiging close ni Rhian sa boyfriend na si Dingdong at may mga ilang okasyon na nag-dedmahan daw ang dalawa.

Sa set ng Ang Panday 2, balitang si Senator Bong daw ang naging tulay para magkaayos sina Marian at Rhian.

"Well... kinausap ko. But, a... eventually, sila din naman ang nag-usap para ayusin nila yung problema. Maganda naman yung gano'n," pagtatapat ng actor turned politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, mabait naman si Marian..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN